O N E
• • • • •Lulimipas ang mga araw dito sa kinasasadlakan ko pero hindi mawala sa isip ko ang mga panahon noong una ko syang makilala. Mga araw na alam kong kahit minsan sa buhay ko ay naging masaya ako sa piling niya, kahit alam ko na noon panganib lang ang dala niya.
Tanda ko pa noon, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang mga landas namin.
Mula roon magsisimula ang kwento naming dalawa....
| Heather |
Malayang naglalakbay ang paningin ko mula sa labas, sa malawak na field na punong puno ng mga estudyante na abala sa kung ano man ang trip nila sa buhay.
Habang nakasalpak ang earphones sa tenga ko, malayang naglalakbay ang isip ko sa ilang mga bagay na bumabagabag sa utak ko.
Napabuntong hininga na lang ako, dala na rin nang sobrang stress.
Sa bahay, sa eskwela at sa organization, Student Council to be exact.
Naudlot lang ang pag-iisip ko sa biglang hatak sa earphone na nasa kanan tenga ko, "Pakinig ha?" pagpapaalam nito pero ginawa na nya,
"Nagpaalam ka pa, eh nakuha mo na." Napailing na lang ako.
"Hmm.. Nice choice of music, though di ko type tong mga ganitong klase." sambit nya, "anyways, mamaya daw 10am darating yung transfer student from I dunno where." sambit nito na tila naiirita.
"Okay, thanks Ms. Secretary." singhal ko
Alam ko naman pinaghuhugutan nang inis nyan, marahil nangungulit na naman yung SA sa principals office.
"Gosh, Heather wag mo ko ma-thanks dyan. Kainis yung SA na yun!" singhal nito, sabi na nga ba.
"Rica alam mo sakyan mo na lang, tsaka trabaho niya yun na i-inform ka about sa ilang bagay." nakangiti kong sambit
"Like duh? Every minute dapat i-text? Kabaliwan!"
Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinasabi nya at nagpakalunod na lang ako sa musika.
'Etude No.8, Op.31'
Isa sa mga tugtog na narinig ko sa pelikulang napanood ko lang nitong mga nakaraang araw, It's just that na-amaze lang ako sa tunog nang Cello kaya dinownload ko yung music, iba talaga ang tama nang mga classical music sa pandinig ko, naka-kakalma.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa tablet nang secretary ko sa SC, nakalagay rito ang files noong bagong estudyante.At ang hindi ko din maintindihan, 'bakit tumanggap ng estudyante ngayon? akala ko ba hindi na muna tatanggap nang transfer student?' tanong sa isip ko.
Bago magsimula ang school year, maliwanag na hindi na muna tatanggap nang mga transfer student ang Slown Academy. Isang bagay na hindi namin maintindihan, masyado magulo ang pagkakapaliwanag at wala na akong balak pang ungkatin kung anong mysteryo ang meron sa likod ng anunsyong yun.
'Alexander Martinez, anong meron sa'yo?' singhal ko sa utak ko.
Ilang minuto bago mag-alas dyes, lumabas na ako nang hindi nagpapaalam. Hindi naman kabastusan yun dahil matic na sa mga guro rito na labas-masok ang mga officer ng SC.
Ang mahalaga lang naman sa kanila ay makapasa ka sa mga quizzes na ibibigay nila at syempre sa Periodical.
Habang naglalakad, di ko maiwasan mapailing dahil sa ilang mga estudyante karipas papasok sa loob ng mga classroom nila. Akala yata nila ay nagroronda ako at naghahanap ng mga estudyante pwedeng ipadala sa Disciplinary Room.
BINABASA MO ANG
The Unknown Story Of.
Mystery / ThrillerLet me tell you a story about a guy name Daniel Alexander Slown.