My Nerdy Tutor (Krisylala)

3.2K 24 6
                                    

Hello mga kaibigan. Matagal tagal na din akong hindi nakapag interview. ^o^ ito namang sunod kong ininterview ay tungkol sa babaeng gangster na nagkameron ng nerdy tutor, sabi nga nila "Don't judge a book by its cover", tama nga naman applicable din ito sa tao dahil dapat hindi binabase sa itsura ang kakayahan nila.

Ako: Hello po Miss Krisylala

Miss K: Hello din! ^u^

Ako: Bakit niyo naisipang gawing isang fanfic ang Nerdy tutor?

Miss K: Eh kasi na-inspire ako sa Idtip. ^u^ Eh nakakahiya namang kunin ko lahat ng credits kasi inaamin kong may slight similarity 'yung dalawa. Slight lang naman diba? Nyaha~ ^u^

Ako: Pano niyo naisip ang character na Nerdy Tutor?

Miss K: Woloooo looong~ Kelangan ko din kasi ng tutor eh. -___- Tapos diba madalas na nerd ay pogi? Bwahahaha! [Parang di ko nasagot yung tanong mo. >.<]

Ako: Sino/Ano ang dahilan para ituloy niyo ang storya niyo?

Miss K: Ang mga nag-aabang at nagmamahal sa Mnt. <3

Ako: May time ba na ininsulto nila ang fanfic na ginawa mo?

Miss K: Ininsulto? Hmm.. Wala naman. XD

Ako: Gusto ko lang po malaman kung ano yung ine-expect niyo nung gawin niyo tong story niyo?

Miss K: Ummhhh... Magkaroon ng fans? Nyaha. Uwaaa. Hindi ko alam kung ano ba yung ineexpect ko eh. T___T

Ako: Bakit naisipan mong babae ang lead at hindi lalaki?

Miss K: Para ipakita sa iba na malalakas din ang mga babae. Owyeah. \m/

Ako: Pano mo nahahati ang oras mo sa studies at pagsusulat?

Miss K: Boaha. Sa school ko lang naman ginagawa ang pag-aaral. Hindi ko na dinadala sa bahay. Except kung may exam. XD Keri ko naman. CHOS! [sorry, malaki talaga ulo ko. -_-] 8D

Ako: Kailan pumapasok sa utak mo yung mga stories? Pano kung may writers block ka anong ginagawa mo?

Miss K: Tuwing naliligo ako. XD Or tuwing nakakatulog ako sa klase, napapanaginipan ko. Nyaha. XD Kapag may writers' block? Ano.. nanonood lang ng anime or kdrama pero madalas, KPOP ang aking solusyon. Haha.

Ako: Anong gusto mong plot ng isang gangster story?

Miss K: Gusto ko may namamatay! Joke! Haha. Gusto ko yung mala-suspense ang dating. XD Yung mahirap hulaan kung ano ang susunod na mangyayari. \m/

Ako: Anong gusto mong sabihin sa mga nagbabalak gumawa ng gangster story?

Miss K: Sa mga nagbabalak dyan... ano, kelangan brutal ang isip nyo. Dejk. Ano... mahalin nyo lang yang ginagawa nyo. At kelangan rin kayong magtiwala sa imahinasyon nyo. :DD Wag kayong magpapadala sa mga criticism ng iba.

Ako: Pahabol na tanong: Sa mga gustong gumawa ng FanFic ano ang kailangan nilang gawin at tandaan?

Miss K: Pahabol na sagot para sa pahabol na tanong: Kung gagawa kayo ng fanfic... wag nyong kunin yung lahat ng ideas nung original. Tama na yung ma-iinspire lang kayo dun. ^u^

Ako: salamat po sa pagpayag at pagsagot ng mga tanong. ^_^

MIss K: *Grabe. Parang wala akong naisagot na tama. -____-*

hahahaha! meron po, malaking tulong na din ito sa mga gustong magbasa ng story niyo. Sa mga interesado sa pagkakameron ng tutor na may kakaibang tinatago, better read this. ^0^ GOGOGO Mnt!

Magagandang Female Gangster Stories (interview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon