Isa pa sa kinababaliwan kong istorya ang Black Butterfly. SUPER KEWL nito~ syempre dahil nga may dugo akong makapal ang mukha edi hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at aking initerview si Miss LaraMelissa. Kung curious kayo sa story niya edi basahin natin. ^____^
Interview Via Personal Message
"Good Morning Everyone, nagbabalik ako para interviewhin ang isa sa magaling na writer na nagsusulat about sa gangsters na babae ang lead. Ang Black Butterfly na ginawa ng walang iba kundi si LaraMelissa"
(Audience Applause; LaraMelissa pumasok sa studio)
Interviewer: Miss Lara Melissa, a pleasant day po. Gusto ko lang magtanong ng konting katanungan about sa Black Butterfly. Ano pong nagtulak sa inyo para magawa ang storyang BB?
LaraMelissa: Nagtulak? Bwahaha... Wala naman.. Actually nag try lang ako magsulat :)
Interviewer: Tungkol ba saan ang BB?
Lara Melissa:Tungkol sa extraordinary na babae na gusto maranasan na mainlove.
Interviewer: As a writer hindi maiwasang mabahala sa magiging resulta ng storya, Anong ineexpect mo nung ginawa mo ang storyang ito?
LaraMelissa:Wala din, nag try lang kasi ako dito sa wattpad. Pero nung dumami yung fans ko, ahaha... iniexpect ko na sana magustuhan niyo bawat update ko tapos with comment pa :p
Interviewer: Sino/Ano ang mga bagay na nagtutulak sayo para ipagpatuloy ang storya?
Lara Melissa:FANS/READERS, dahil kung hindi dahil sa kanila siguro di ko na ipagpapatuloy ang Black Butterfly.
Interviewer: Sino ba talaga si Bella Echizen Smith?
LaraMelissa:Matapang at walang kinatatakutan na babae at Good Gangster. Tama ba?
Interviewer:Bakit naisipan mo na babae ang maging lead na gangster at hindi lalaki?
LaraMelissa: Ahmm.. nakakasawa kasi yung babae na puro iyak at walang laban. Aba kung kaya ng lalaki kaya din ng babae. DI ba? Naaastigan kasi ako dun :p
Interviewer: Pano mo nahahati ang oras mo sa pagtratrabaho at pagsusulat ng storya?
LaraMelissa: Nahahati pa ba? ahaha.. joke lang. Dahil ang pasok ko ay 9:00am-6:00pm tuwing gabi ako nagsusulat pero kapag hindi busy nagta-type ako sa cp ko. :)
Interviewer: Kailan pumapasok ang mga ideas mo para story?
LaraMelissa: kapag nakatunganga ako. Minsan nga kapag nagbibyahe ako or naglalakad.Ang weird ko :)
Interviewer: Syempre sa pag susulat minsan nakakaranas ng Writers Block, anong ginagawa mo para malampasan yun?
LaraMelissa: Kumakain, nagbabasa sa wattpad at MANGA/MANHWA. Then tatawag ako sa Boyfriend ko, brainstorming kaming dalawa.
Interviewer: Ano bang gusto mong mga gangster stories na babae ang lead? (plot)
LaraMelissa: Nakakatuwa kaya. Ang astig kasi kapag babae ang palaban. hehe... Yung tipong excited na ako kung ano mangyayari.
Interviewer: Pahabol na tanong: Kung may gusto kayong ipromote na story about Female ano ito? At ano ang gusto mong sabihin sa mga nagbabalak na mag gawa ng gangster stories?
LaraMelissa: Gangster story? Uhmmm.. Black Heart Demon, IDTIP at marami pang iba. Sa mga nagbabalak na gumawa ng ASTIG na Gangster Story, Well? Manood kayo ng mga Action Movie oh di kaya magbasa lang na magbasa. Makakakuha kayo ng idea dun.
Salamat po ate LaraMelissa. Sana may BF din akong kabrainstorming! ^O^
Mag suggest kayo ng magagaling na authors na nagsusulat ng magandang Female Gangster Story. ^________^
CIAO!
BINABASA MO ANG
Magagandang Female Gangster Stories (interview)
Hayran KurguInterview ito ng magagandang Female Gangster Stories.