Chapter 1

285 2 1
                                    

woo! I made it! finally, graduate na rin ako. halos 1 week na rin akong nakatengga dito sa apartment ko, may bago ring lipat sa kabilang kwarto ang ingay ingay hindi tuloy ako makapag concentrate kung saan ako mag aapply ng trabaho.

Lalabas na nga lang ako para bumili ng pagkain sa malapit na convenience store, noodles lang sapat na.

Pagkalabas ko naman eh ang daming gamit may mga box na puro papel jusko naalala ko nanaman mga pinag gagagawa ko nung college kami.

Btw, speaking of paper papaprint ko na pala yung resume ko para magstart na ko mag apply kaso nga lang wala akong alam.

Pero syempre mamaya nalang nakalabas na ko jusko nakakatamad ng bumalik.

nang makakuha na ko ng noodles, kinuha ko na yung coin purse ko. syet. 30 pesos, meron lang sa coin purse eh 25 pesos syet nasan na yung papel ko dito?! 

"ah ate, pwede bang ibalik ko nalang yung 5 pesos? naubos po kasi yung barya ko eh" 

"ay hindi po Ma'am kas--"

"ito na" at may nag abot ng 20 pesos agad namang tinanggap nung nasa cashier 

napatingin naman ako kung sino yon 

"salamat, bayaran ko nalang" sabi ko 

"no need" sabi niya at umalis na. 

umupo naman agad ako at kumain na, gutom na ko eh habang kumakain eh kinuha ko yung panyo ko sa bulsa.. 

syet, meron pala akong bente dito?! katangahan naman Janiah, 22 years old ka na shunga shunga ka parin.

bumili naman ako ng inumin at umalis na.. 

kukuha na talaga ako ng extrang pera para sa pagpapaprint ko langya talaga yon buti nalang eh dumating yung guy na yon. 

nang dumating na ko sa apartment eh agad ko namang kinuha yung USB at extrang pera magmamadali na ko dahil malapit na magsara yung nagiisang computer shop dun sa may kanto mahirap na at maghahanap pa ko ng trabaho 

patakbo naman akong lumabas 

*booooogsh!*

syet!

merong mga box sa harap ng kwarto ko at natumba ako, napunta yung inumin ko dun sa box na puro papel syet! 

agad ko namang kinuha yung inumin ko at tinry kong punasan yung mga papel na nabasa 

"It's fine miss, be careful nalang next time" sabi nung guy at kinuha niya yung papel 

napatingin ako sa kanya, siya yung nagbigay ng pera dun sa cashier 

"luckily, scratch papers lang to" dagdag pa niya

"hala uy, sorry na sorry talaga kasi naman nasa harap ng kwarto ko eh nagmamadali kasi ako"

"I already said it, it's fine, I think you're in a hurry 5 minutes nalang magsasara na yung computer shop dun" sabi niya at inayos na yung mga gamit na nandun 

syet! oonga! tumakbo nga naman ulit ako at pumunta na dun.

nakalipas ang ilang minuto eh natapos rin, nakapagpaprint rin. jusko pinagpawisan ako sa ginawa ko, muntik na kong masarhan buti nahabol ko pa. 

siguro okay naman na tong resume ko diba? ang hirap rin daw maghanap ng trabaho kung walang hiring 

makaupo nga muna dito at makapagpahinga, wala tuloy akong mainom ngayon natapon kasi. 

babatukan ko sana yung lalaking yon eh kung wala lang akong utang dun jusko, eh bat hindi niya itambak yung mga box niya sa harap ng kwarto niya diba. 

nagstay pa ko ng 30 mins sa kinauupuan ko ng di ko namalayang mag gagabi na, agad naman akong bumalik na at maghanap ng pwedeng pagtrabahuan. 

Habang naglalakad eh may nakita akong poster, "hiring!!! Reporter. Covers a beat, attends events and talks to sources. Writes story proposals. Reports and writes stories. please Email us" at nakalagay yung email address at yung mga requirements, college graduate naman ako at BA in Mass Communication ang course ko. syet ito na ba?! ito na ba?!! thank you Lord!!! sakto naman ng timing nito.

agad ko namang binuksan yung laptop at nagemail ako ng dapat ko iemail at pinasa ko rin ang resume ko if ever na kailangan nila nilagay ko yung contact number ko.

sana matanggap ako!!

nakalipas naman ang ilang oras eh may nag text sakin 

"Hi Ms. Tria, we received your email and we're interested.Please come to our office tomorrow at exactly 10 am, see you!" 

syet, totoo ba tong nakikita ko?! totoo na ba talaga to?! excited na ko!!!!! 

naghalf bath naman na ko and nagready na para matulog dahil maaga pa bukas, kailangan ko maging presentable. 

--

dress or jeans and shirt? 

dress nalang para pormal, nagready na ko at maglagay ng manipis na make up. medyo kinulot ko rin yung mahaba kong buhok.. 

nakalipas ang ilang oras eh nakarating naman agad ako.. 

"oh you must be Janiah, right?" sabi sakin nung lalaki.. 

"oh yes po :)" 

"okay then lets's start the interview" sabi niya at kumuha ng papel at ballpen.

"why should we hire you"

syet 

"You shouldn't hire me if an extrovert would be a bad fit for your team. I value teamwork and relationships, and do my best work in a collaborative environment"

wooo, syet nakakakaba to ah 

nakita ko yung mukha niya, tumango tango siya 

may sinusulat siya.. 

"okay, just wait for awhile and you can meet your boss" 

tumango lang ako at ngumiti

teka isang tanong lang?

wait, tanggap na ba ko?!!! I can meet my boss?!!

--

Tweet me!
@veeeeeronicaaa_

Unavoidable SlipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon