Dalawang araw ang nakalipas at sa dalawang araw na 'yon eh hindi talaga ako lumabas ng apartment ko dahil hiyang hiya ako sa ginawa ko, paano pa 'ko papasok nito bukas?
'di rin ako makasimba dahil doon, ghad ayoko na.
Buong araw akong nakatunganga at ngayong pakagabi na eh hindi ko na talaga alam ang gagawin gutom pa naman ako.
Kumuha ako ng instant noodles para naman mawala ang gutom ko.
Nakalipas naman ang 30 minutes eh tapos na kong kumain.
Ano kayang sasabihin ko? Mag sosorry nalang ako bukas syempre lasing siya non kaya hindi niya alam ang ginagawa niya.
Ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin at inayos ko na rin ang gamit ko.
*kinabukasan*
Pumasok ako ng maaga para 'di ko siya makita at inayos yung mga papel ko.
Magtitimpla agad ako ng coffee pagdating niya at magsosorry ako jusko po.Ilang minuto naman eh dumating na siya, nahulog ko naman yung ballpen jusko!!!
Agad akong dumeretso sa kitchen para magtimpla sinarapan ko 'to!
Pumunta ako sa room niya at inilapag ang kape.
"sir" nginig ko pang sabic
"hmm?" sabay higop nung kape
..
Hinalikan ko siya dahil syet yung labi niya kissable lips, tinanggal ko naman agad dahil syet boss ko siya diba
Aalis na sana ako ng hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ako pabalik
We kissed passionately, halik kung halik!
Pero di naman nagtagal ay umalis ako tangina nakikipaghalikan ako sa boss ko.
Hindi ko alam bakit nangyari to pero nakita ko siyang natulog ulit.
..
"SIR SORRY TALAGA, ALAM KONG WALA KANG NAAALALA PERO SORRY PA RIN HINDI KO PO TALAGA ALAM YUNG GINAGAWA KO THAT TIME SANA PATAWARIN MO KO"
Tumingin siya sakin, "you're a good kisser"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya
"s-sir?"
ANO 'YON HINDI SIYA LASING? NAAALALA NIYA LAHAT NG YON?
"May ibang brand pa ko ng tequila, you want?" sabi niya at tumawa
"ay sir, may ieedit pa po pala ako mamaya nalang"
Pagdadahilan ko at agad naman akong bumalik sa desk ko
Syet!!!' ayoko naaaaaaa
"Uy, Janiah tara sabay tayo mag lunch?" aya ni Aarona
"s-sure!"
"umiinom ka pala no, hindi halata sa mukha mo" sabi niya at tumawa sabay wave ng kamay at umupo
Napangiti nalang ako, hehe talagang pinaalala pa talaga 'yon eh no?!
Nakakatrauma na tuloy uminom!!! Hindi ko pa naman alam yung gagawin ko kasi til now blangko yung utak ko dahil sa pusang gala na inuman at hali-
UGH!!!!!
Tiniis ko yung 12 hrs na sakit sa ulo sa office, nababaliw talaga ako lalo na sa sagot niya, hindi ko na alam yung mukhang ihaharap ko.
Lumabas naman ako ng office, nakita ko yung kotse niya. Papasok sana ako ulit sa office pero nagsilabasan na yung mga kaofficemate ko tangina talaga.
As expected, tumigil siya sa harap ko at niyaya akong sumakay, alangan namang tumanggi ako?
Wala namang convo na naganap at dumeretso kami sa lagi naming pinupuntahan at kumuha siya ng ramen.
Omg ramen, namiss kita.
Nakalipas ang ilang minuto eh kumakain na kami.
"much better if we also have tequila no?"
Tumingin lang ako sa kanya, potek na pinagtitripan ba 'ko nito?
Pinagusapan namin yung gagawin bukas, thank God at usapang trabaho at hindi yun yung pinagusapan.
After naman eh dumeretso naman sa apartment ng naghiwalay na kami, bigla siyang kumindat.
Nanlaki lang mata ko sa ginawa niya.
JUSKO MABABALIW NA KO!!!
BINABASA MO ANG
Unavoidable Slip
Romancedahil lamang sa isang pagkakamali, na hindi maiwasang maulit muli. ano nga ba ang pagkakamaling 'yon na nagpabago sa kanyang buhay?