CHAPTER 4

220 2 2
                                        

"are you serious?" he asked me

Tumingin ako sa kanya at yumuko "siguro dito nalang ako sa labas, hintayin ko nalang si kuya manong naglilinis bukas" sabi ko at uupo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"basa ka, and mag sstay ka overnight, dyan? Let's go to my apartment"

Hala seryoso to?

Pupunta ako sa kwarto ng boss ko

"s-sir ayos lang po ba?"

"LANCE." inis niyang sabi

Bago kami pumasok eh sinilip niya yung bintana "pati ba naman bintana saradong sarado?"

"hehe" tawa ako at sumunod na sa kanya

Nahihiya at the same time naiinis saan ko ba kasi naiwan yon?

Pagkapasok naman namin eh grabe pati dito ang organized parang mini mansion napakasimple pero nagawang elegante

Kakalipat niya lang ah, tapos nagawa niya to, samantalang ako ghad

"andun yung cr" sabi niya at turo kung nasaan 

pumasok naman agad ako, syet yung damit ko teka wala akong pang palit binuksan ko yung pinto

"ito damit" bungad naman sakin ni Lance.. long sleeves na puti buti nalang meron akong cycling at medyo mahaba teka saan ako matutulog?! 

makapagpalit ka nga muna

lumabas naman ako kagad pagkatapos ko magpalit, nakita kong nasa desk siya dito nalang siguro ako sa may sofa.. 

"dun ka sa kwarto ko, dyan ako sa sofa matutulog" sabi niya habang nagtatype 

"sir, sa labas nalang ako wala namang masama dyan sa labas eh tsaka--"

"hindi ako ganun, ayoko nakakakita ng babaeng ganon" 

"If I were you matulog ka na dahil maaga ang work bukas may bago tayong gagawin" dagdag pa niya

tumango nalang ako at humiga nakita ko naman na pagkatapos niya mag half bath eh humiga na siya sa sofa.. 

.

nagising ako ng madaling araw, hindi pala siya nagpapatay ng ilaw, lumabas ako at naghanap ng tubig nauuhaw kasi ako.. 

buti nalang eh may tubig at baso dito sa lamesa niya at agad naman ako kumuha at uminom nang napatingin  ako kay Lance, ang gwapo niya.. ang inosente niya kapag natutulog.. 

napapatitig tuloy ako ng wala sa oras langya tong si Lance 

nagulat naman ako na gising rin pala siya "ba't ka pa nakatayo dyan? nakakatakot ka" sabi niya at kinakamot yung mata niya 

"ay s-sorry kasi ano uminom ako ng tubig" sabi ko at dumeretso na sa kwarto niya 

pagkahiga ako, narealize ko lang na ang bait niya siguro kung di ko to boss kawawa ako sa labas.. 

.. 

nagising ako dahil sa ingay ng phone ko nag aalarm, oo nga pala nag alarm ako ng 4am para makaalis ng maaga at makapag ayos

pagkalabas ko ng kwarto eh tulog pa si Lance, inayos ko yung kumot niya halatang nilalamig. nagsulat naman ako ng notes na nakadikit sa ref niya 

"sir salamat po - Janiah

at umalis na, sakto ko namang nakita si kuya manong 

"kuya!!! pabukas naman po ng pinto nawala ko po kasi yung susi" sabi ko at nagmamakaawa sa kanya 

"sige iha, sa susunod wag mo ng wawalain ha diyos ko po importante yun, saan ka pala natulog?" tanong sakin ni kuya habang may kinukutkot siya 

"sa boss ko po" at nakita kong nagulat siya

"lalaki boss mo no? yung gwapo? yung bagong lipat dito?" tanong niya at sabay turo 

"opo" sabi ko at sakto namang nabuksan na niya "salamat ng marami kuyaa" 

waaaa namiss ko toooooooo dumeretso naman ako sa kama ko

inaantok pa kooooo 

iidlip nalang muna ako tutal medyo maaga pa nag alarm nalang ulit ako 

nakalipas ang ilang oras 

SYET 9:30 NA! LATE NA KO! 

nagmadali naman agad ako jusko!

pagkatapos ko naman maligo eh dumeretso na ko sa labas at muntik pa kong malaglag sa hagdan 

dadaan muna ako sa store nang bigla akong natumba dahil may nakatama sakin 

"L-lance!" sigaw ko 

ang sakit ng balakang ko! 

"I'm so sorry, late ka rin?" tanong niya at tinayo niya ko 

"late ka rin?" balik kong tanong 

may binigay siya sakin " nalaglag mo daw to kagabi" yung susi ko! 

"hala buti nalang nakita mo" sabi ko at inabutan niya ko ng coffee "s-salamat po" at tumango siya 

"sabay ka na sakin" sabi niya at tumango nalang ako grabe wala akong kamake up make up tapos basang basa pa yung buhok ko

kumuha naman ako ng panyo para ipunas ko sa buhok ghad bat pa kasi ako natulog hays

"btw sir, bukas ko nalang po ibigay yung panyo niyo" sabi ko at pinagpatuloy ang pagpupunas 

"no, sayo na" sabi niya at hindi na ko umimik wala ako sa mood ngayon, thankful ako at magkatabi lang kami ng apartment ng boss ko at may free ride 

nang makarating kami sa office may sumalubong na staff "sir, napapansin ko eh lagi kayo nagkakasabay" 

"magkalapit lang kami" sabi niya at dumeretso siya sa office niya at ako naman dumeretso sa table ko 

biglang nag ring yung telepono at agad ko namang sinagot 

"go here" at binaba agad grabe gumagana nanaman ang pagkasungit niya

agad naman akong pumunta 

"so meron kang isang araw para puntahan tong mga lugar na to at tanungin kung ano pa yung mga nangyari, sa tapat ng school na yan eh may nasagasaan na matanda at namatay. hindi lang yan yung insidenteng nangyari dyan sa tapat ng school na yan, gusto ko bukas eh mailagay na yan sa news paper" 

syet parang hindi ko naman kakayanin yon, bukod sa nanghina ako na may matandang nasagasaan eh medyo malayo tong school na to 

"don't worry merong maghahatid sayo, ikaw na bahala sa mga tatanungin mo. mag ingat ka at delikado" sabi niya at kinuha ko yung papel at umalis na 

"ay miss, iguide kita kung saan pupunta" sabi sakin at dumeretso naman kami sa may parking lot at umalis na. 

nakalipas ang isang oras eh mabuti naman eh nakarating na ko, pagkababa ko ng van eh naka park si Sir Lance at nakasandal sa kotse niya 

"s-sir bat kayo nandito?"

"I'm curious bakit maraming insidenteng nangyayari dito, at tsaka delikado at..."

tumingin ako sa kanya

"ano po?" 

"nevermind, ioobserve ko rin kung anong gagawin mo" sabi niya at hinatak ako papasok sa school 

pagkapasok naman namin eh sinalubong kami ng dalawang babae "ay ma'am sir ano pong kailangan niyo?" 

"ay, ang ganda't gwapo naman ng mag syota na ito" sabi nung medyo may edad na 

"ay hindi po kami" sabi ko at bigla naman akong inakbayan ni Sir Lance

napatingin naman ako sa kanya at ngumiti siya 

Unavoidable SlipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon