Chapter 5: Marilou Nathalie Ferrera (5.1-5.2)

217 0 0
                                    

This a back story about Luna to give a clear thought of how he falls for Orion.

 5.1:

Tumakbo papalayo si Nathalie mula sa lalaking tumulong sa kanya sa pagdampot ng mga gamit niya.

 Her brain talking, [Nakakahiya ako, ang dumi-dumi ko, ang baho ko, tapos kakausapin ako ng ganoon kapresentableng lalaki]

Tumakbo siya sa powder room ng Consorcia Hall. At doon umiyak siya ng umiyak. Naalala niya ang ginawa ni Brenan Tevez sa kanya.

“If only kasing-ganda lang ako ni Phoebe Mendez… Hindi ako itutulak sa garbage bin ng ganun.”

Umiiyak pa rin siya.

Naalala niya ‘yung lalaking tumulong sa kany.

“Ano kayang pangalan niya?”

Para siyang baliw na biglang ngumiti habang umiiyak.

[Ahehe..]

Itinapon na niya ang nasirang t-square niya. She checked all her things habang lumuluha.

“Nawawala ‘yung drawing ko kay dreamboy!”

Agad siyang tumakbo papunta sa garbage bin para tingnan kung nandun pa ‘yun. Pero habang tinatahak ang daan papunta sa garbage bin malapit sa gymnasium ay dumami pa lalo ang mga tao rito. At occupied karamihan ng mga kaibigan ni Brenan.

Nakatungo siya habang naglalakad papunta sa bin. Isang malakas na boses ang sumigaw sa lugar.

“LOOK GUYS! SI MISS MAKAHIYA OH! NAGING MISS ZOMBIE! HAHAHAHAHAHAHA!!!” alam niyang si Brenan iyon. Kasunod ng kanyang sigaw ay ang tawanan ng crowd.

Their voice are like a spears targeting her ear. Pero pinipilit niyang balewalain na lang iyon. Tumutulo na naman ang luha niya. Nang Makita ang bin, agad niya itong binuksan.

<CHENENG! WALANG NANG LAMAN!>

 Nalungkot siya lalo, hanggang sa…

<GARBAGE TRUCK’S ENGINE STARTING SA LABAS NG GATE>

Mabilis siyang pumuslit sa labas ng gate para habulin ang truck.

TAKBO NATH! TAKBO!

Umabot ng 2 km ang tinakbo ni Nathalie pero hindi na niya inabot ang truck.

Hingal na hingal siya sa paghabol. Napaluhod siya sa pagkadismaya. Muli umiyak siya. Bumalik na lang siya sa school sa powder room ng Consorcia Hall habang tumatangis.

*************************************************************************************

Read the Chapter 3: “The Extra Introvert” of the Sweet Comeback for the extension of this scene!

*************************************************************************************

5.2:

Sa canteen, gaya ng inaasaahan nasa sulok si Nath. Mag-isa lang siyang kumakain sa table. Nakatungo lang siya. Sumilip siya sa bintana para hanapin si ‘yung babaeng nakausap niya sa banyo ng Consorcia Hall n si Denya, pero ang nakita niya ay ang lalaking tumulong sa kanya.

<Spark! Spark! Spark!>

<Tugs! Tugs! Tugs!>

Ang bilis ng tibok ng puso ni Nath. He is singing with a beat box kasama ang isang group ng beautiful young people sa lounge sa labas ng canteen. The guy is smiling while singing. Beating the box.

“’Cause if one day you wake up and found that you’re missing me;

And your heart starts to wonder where on this Earth I could be;

Thinking maybe you’ve come back into the place that we meet;

And you see me waiting for you, on the corner of the street.

So I’m not moving…

I’m not moving…”

Ngumingiting mag-isa si Nath.

[STAR STRUCKED! Ahihi]

[The Man Who Can’t Be Moved pa ng The Script ang kinakanta niya, super like!]

Nakatulala nang sukdulan si Nath sa kay kuyang mala-anghel. Nakanganga na. Sa ganung kalagayan niya, may biglang bumatok sa ulo niya.

<PAK!>

Diretso ang mukha niya sa lunch box. Napuno ng ketchup ang ilong niya.

Si Denya pala dumating na. At nakalibreng batok pa.

[Badtrip ‘tong si Denya (~_~)]

“Ay, sorry Ms. Halimaw, este, NATHALIE! Nakatulala ka kasi dyan sa labas ng bintana ee. Nakanganga ka pa.”

Paliwanag nito.

“Letse ka Denya! Sinira mo ang daydream ko,” pinupunasan ang ilong ng napkin.

“Eh, teka sino ba ‘yang sinisilip mo dyan sa bintana,” pag-uusisa pa nito,

Ngumunguso lang si Nathalie, habang nakatingin naman si Denya sa nginunguso nito. Napakunot ang noo ni Denya sa pagtataka sa kung ano pang nginunguso ‘nun.

“Sino ba dyan?”

“Ayun oh! Yung nagbe-beatbox! Yung kumakanta! Yung mukhang anghel.” Ngiting-ngiti si Nath.

“Ah… Si Orion! Si Orion Carlos!” nadali rin ni Denya!

“Kilala mo siya Denya???” kinukwelyuhan na niya si Denya.

“Paano mo siya nakilala?” nandididlat pa siya rito.

“Teka lang ha? Bakit mo ba ako kinukwelyuhan?” bumitaw naman si Nath sa pagkakapansin sa unnecessary act na nagawa niya kay Denya.

“Kilala ‘yan dito sa buong schoo, lalo ns sa mga girls. Paano ba naman, super cool and handsome!” nagniningning ang mga mata ni Denya habang dine-describe si Orion. Si Nath naman ay nakapalumbaba na pagkatapos punasan ang ilong at uminom ng tubig.

“3rd year BSBA student na ‘yan, at tsaka leader ng kilalang rockband dito sa school. Ang, ‘The Infinity’. Hindi mo pa pala kilala ‘yan? Eh nasa UST palang siya kiala na siya rito. At nung lumipat siya rito, aba, ang daming girls ang biglang nag-enroll dito.” Nagkukuwento na siya.

Nakatulala na naman si Nath. Napapangiti habang tinititigan si Orion.

[Orion pala ang pangalan mo, Mr. Angel. Hihi]

Nagdidiwang ang isip ni Nath, kaya hindi na niya maintindihan ang sinasabi ni Denya.

NGITI NATHALIE! NGITI!

Sweet ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon