Chapter 5: Marilou Nathalie Ferrera (Chapter 5.3-5.4)

200 1 0
                                    

5.3:

[Nyemas! Surveying na naman! Ang init sa quadrangle.]

Nasa quadrangle si Nathalie dahil fieldwork nila sa Plane Surveying. Tirik na tirik ang araw. Gaya ng inaasahan, wala siyang kagrupo dahil nahihiya siya sa mga classmates niya na magkamali sa gagawing survey.

“Set-up all your transits and start following my instructed procedure sa koob ng laboratory kanina.” It was their professor talking to them.

[Hu! Ambigat naman ng transit na ‘to. Dagdag pa ang tripod]

Ang dami niyang dala at wala pa siyang kagrupo, nakakaawa ang hitsura niya. She settled the transit and everything sa field. Tsaka sumilip sa loob ng mala-telescope na part nito para tingnan ang distant point. Pero instead of seeing the point, si Orion ang nakita niya. In-adjust niya pang lalo ang  cursor para lumiwanag at magiging vivid ang view niya rito.

Abala siya rito, ngumingiti siya mag-isa kaya nagtataka ang mga kaklase niya.

“Sir! Si Miss Halimaw po iba ‘yung point na tinitingnan.” Sumbong nung isang kaklase niya.

“Ms. Ferrera!” sigaw ng professor.

 Abala pa rin siya.

“Ms. Ferrera!” hindi siya marinig nito.

 Nilapitan ng professor si Nathalie at tinitingnan rin kung ano ang sinisilip nito. Tsaka sinilip ang kabilang portion ng telescope ng transit. Nagulat si Nathalie kaya,

“WAAAAAHHH!!! “

“Ms. Ferrera, do your assignments hindi ‘yung kung ano-ano ang sinisilip mo dyan. Sayang naman ‘yung tuition na binabayad ng parents mo.”

Tahimik lang siya habang pinapakinggan ang tawanan ng mga classmates niya. Tumalikod na lang siya sa mga ito.

After matapos ang survey, niligpit niyang lahat ng nagamit niya at binuhat ito pabalik sa laboratory.

[Ang bigat talaga!]

Dahil sa dami at bigat ng dalawa, hindi na niya Makita ng maayos ang daan. Pero diretso parin siya ng lakad. Lakad pa at biglang,

<WA-BAM!>

May nakabunggo ata siya at napahiga ito, nadaganan ng box ng transit at ng tripod. Agad itong tumayo at…

[SI ORION!]

Sigw ng utak niya. Nakasimangot ang mukha niya habang pinapagpag ang katawan niya. Dali-dali niyang pinulot ang mga nalaglag na gamit, at syempre hindi siya nagsasalita habang ginagawa ‘yun. Mabilis siyang umalis.

“MISS!!!” malakas na sigaw

Tumingin siya rito at nakitang nakasimangot ito.

[Mukhang nasaktan siya at nagagalit sa’ken. Nako po (-_-,)!]

Nalungkot ang mukha niya.

5.4:

Nagre-rendering siya ng ginagaw niyang painting, pero ‘yung isip niya ay nandun pa rin sa mukha ni Orion ‘nung umaga sa field.

[Nagalit siguro siya, hindi pa ako nagsorry. Nakakahiya talaga. Peron akakalungkot isipin na nasaktan at nagalit ko siya.]

Mag-isa na naman siyang nagre-render sa loob ng classroom. Gabi na, tapos na rin ang klase pero tinatapos niya pa rin ang plate niyang ipapasa kinabukasan. Tahimik na ang mga hallways dahil nagsiuwian na rin ang iba pang mga estudyante.  Umiiyak siya. Patak lang ng luha niya ang naririnig niya for the next 3 minutes.

Sweet ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon