Kabanata 21

701 17 4
                                    

ENGKANTADIA

A fantasy novel by:DJ Charm

Kabanata 21

"YAHOOO...!" malakas na pagbubunyi nina Thunder at Sikarus nang makita nito kung papano ginapi ni Avaloon ang mga kalaban. Lalo na ang higanteng linta na sa sobrang kunat ng balat ay walang sandatang pwedeng ipantapat dito. Hindi pa rin makapaniwala ang dalawa na buhay ang kanilang prinsipe dahil nakita nilang nilamon ito ng higanteng linta.

"Napakagaling mo talaga, Prinsipe Avaloon!" Humahangang wika ni Thunder. "Wala sa hinagap naming lahat na may plano ka pala na nabuo sa isipan mo upang tuluyang matalo ang higanteng lintang iyon na napakunat ang balat." Nakangiting turan nito sa prinsipe na may paghanga. Iba talagang ang taglay nitong kakayahan at isipan. Kakaiba sa pinaka -kakaiba dahil sa taglay nito.

''Ako ma'y sadyang humanga sa inyong taglay na kapangyarihan at talas ng isip, mahal na prinsipe," ani Sikarus. "Ngayon ako lubos na nagpapasalamat na kasama ka namin sa pakikipagtunggali. Nagkakaroon kami ng pag-asa sa labanan. Hangga't andiyan kayo kamahalan patuloy kaming makikipaglabanan"

''Prinsipe Avaloon, para sa akin ay wala kayong katulad sa ibang engkantado sa ating mundo. Walang katulad ang inyong kakayahan at kapangyarihang taglay, kakaiba at nakakahanga.'' papuri naman ni Prinsesa Amorsi.

"Salamat sa inyong mga papuri!. Tama kayo, sinadya ko talagang magpalunok sa lintang iyon dahil nahirapan ako sa halimaw na iyon sa sobrang kunat ng balat niya. Naisip kong pumasok sa loob ng kanyang katawan dahil baka nga nandoon ang kahinaan niya. At nagtagumpay naman ako. Nagtagumpay tayo," mahabang pahayag niya sa anim na mandirigma.

"Isa nga talaga kayong pinapagpalang engkantado, Prinsipe!. At pagdating natin sa mundo ng Engkantadia ay dapat kayong parangalan bilang isang matalino at magiting na mandirigma. At ako mismo ang magpuputong ng korona sa inyong ulo, kamahalan," wika naman ni Imadis na siyang pinakapantas at matanda sa mga mandirigma.

"Salamat, Imadis!. Ngunit hindi ko makakaya ang ganitong pakikipaglaban kung wala kayo sa aking tabi. Kaya utang na loob ko rin sa inyo ang lahat." Turan ng prinsipe kay imadis

Naputol lamang ang pag-uusap nila nang mapasinghot sa ere si Thunder. Inamuy-amoy nito ang paligid.

"Thunder, anong problema? May kalaban ba sa paligid?'' nababahalang wika ni Sikarus. Napatingin ito sa kasamahang mandirigma.

"Sikarus walang kalaban sa paligid may naamoy lang akong kakaiba kaya ganito ako parang amoy malansa walang kabang naamoy sikarus kahit kunti man lang".

Pagtingin ni sikarus kay thunder nakatingin ito sa kanilang prinsipe avaloon na parang sinasabi nitong dito nagmumula ang malansang amoy na naamoy nilang lahat. hindi naman nakatiis si maritess sa naamoy niya kaya napilitan itong lumapit siya sa kanilang prinsipe.

"Prinsipe avaloon ipagpaumanhin po ninyo ang aking sasabihin".

"Ano yun maritess sabihin mo kung ano yun".

"Prinsipe avaloon sa inyo po nagmumula ang malansang amoy na nakuha ninyo nang pumasok kayo sa katawan ng higanteng linta''..mababang paliwanag nina imadis at maritess sa prinsipe habang tutop ang kanilang mga ilong. Dahil sa hindi na nila matiis ang malansang naamoy na nagmumula sa katawan ng kanilang prinsipe. kaya napaduwal na silang lahat. Napatingin naman si avaloon sa kanyang sarili at nakita niya ang mga nakakapit sa kanyang balat ang mga laman at malalagkit na laway na galing sa higanteng linta.

"WAAAAAHHHHH!. Sa aking pala nagmumula ang malansang amoy na nagpapasuka sa inyo." Malakas na sigaw ng prinsipe at napatakbo ito patungo sa ilog.upang matanggal ang malansang amoy at mga nakakapit sa kanyang katawan. Naglunoy siya ng husto sa ilog para matanggal ang mga nakakapit sa mga damit at balat nito.

ENGKANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon