Kabanata 28

536 11 1
                                    


ENGKANTADIA

A Fantasy Novel By: Dj Charm

Kabanata 28

HINDI NAMAN nagpatinag ang prinsipe sa kanyang kinatatayuan mula sa pinakawalan ng ikaapat na engkanto. Hindi mo makikitaan ng takot sa mukha nito kahit pa malalakas ang mga pinakakawalang kapangyarihan ang kanyang mga nakakalaban. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob sa pagkakataong iyon dahil ang kanyang mga kasamang mandirigma ay umaasa sa kanya.

"Dragon regz, hindi tayo dapat magpatinag sa kanyang kapangyarihan, higit tayong malakas sa kanila, ating ipapakita sa kanila kung sino ang malakas at nakakalamang." Sigaw ng prinsipe. Lumikha siya ng bolang apoy sa kanyang kamay at iyon ang kanyang ibinato sa mga ipo-ipong buhangin na patungo sa kanya.

Nagkaroon ng malalakas na pagsabog nang magsalubong sa ere ang malalakas na kapangyarihang apoy at ipo-ipong buhangin. Kung saan-saan nagliliparan ang mga iyon.

"Ilalabas ko na rin ang aking galing para ipakita sa batang hangal na ito na higit na malalakas tayong mga engkanto." Sabi ng ikalimang engkanto. Umigpaw ito sa ere na nakatikom. Para iyong boksingero na sunod-sunod na umatake kay avaloon habang kinokontrol ng engkantong nasa ere.

Hindi naman nagpahuli ang ibang mga kasamahang engkanto ng makitang walang magawa ang batang prinsipe. Kaya naman kasunod niyon ay magkakasabay na umatake ang limang engkanto, ang ikawalang engkanto ay ginawang nagaapoy ang sarili at mabilis na tinungo sa kinatatayuan ng prinsipe. Habang ang iba naman ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-atake, kaya naman hindi malaman ni prinsipe avaloon ang gagawin kung papano lalabanan ang malalakas na engkantong itim na patuloy na umaatake sa kanya. Hanggang isang nagbabagang bato ang tumama sa kanya, hindi niya ito napansin kaya naman sumabog ito sa kanyang harapan.

"AAAAAHHHH!" Sigaw ni prinsipe avaloon nang maramdaman ang malakas na pagsabog sa kanyang dibdib. Bumagsak siya sa lupa at nawala ang kanyang pananggalan na si pink dragon lee.

Saglit namang tumigil sa pag-atake ang mga engkanto. Wari ba'y natutuwa ang mga ito habang pinagmamasdan si prinsipe avaloon habang nakahiga sa lupa at nasugatan ang dibdib nito.

"Mga hangal na engkanto, kung inaakala ninyong susuko ako'y nagkakamali kayo." Sabi niya nang muling tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa. Hinimas ang sugat sa dibdib. Pinaghilom niya iyon sa bisa ng kapangyarihan ng kanyang dilaw na dragon.

Bigla namang nagulat ang mga engkantong itim nang makitang kusang naghilom ang tinamong sugat ni prinsipe avaloon. Matapos niyon ay waring nawala ang nadaramang pagod na nadama niya kanina dahil na din sa walang tigil na pakikipaglaban niya.

Nagpilit siyang tumayo upang ipakita sa kanyang mga kalaban na higit siyang malakas at makapangyarihan, gumawa siya ng bolang kidlat. Iyon ang ibinato niya sa mga engkantong itim. Pero sabi nga ay higit na malalakas ang kanyang mga kalaban dahil sa angking kapangyarihan ng mga ito bukod pa sa bigay na dagdag na kapangyarihan mula sa hari ng engkantadya na si haring heras.

Ano nga ba ang kahinaan ng isang engkantong itim? pwede pa ba ang kapangyarihan ng isang dragon na tulad ni yellow dragon regz. Tatablan pa ba ng kidlat o apoy ang isang makapangyarihang engkanto na sa tingin niya ay pareho lamang sila ng antas ng kapangyarihan.

"Hangal! ang apoy at kidlat ay balewala lamang sa akin dahil kaming mga engkanto ay meron din na katulad mo. Ang malakas na apoy at kidlat na kapangyarihan ay siyang nananalaytay sa aming mga katawan. Nagpapasalamat ako dahil ibinato mo sa amin ang bolang kidlat na 'yan." Napapangiting wika ng unang engkantong itim habang tinanggap ng katawan nito ang pinakawalang bolang kidlat ng prinsipe. "Lalo mo lang pinalalakas ang aming pwersa."

ENGKANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon