Kabanata 37

479 13 1
                                    

ENGKANTADIA

A Fantasy Novel By: Dj Charm

Kabanata 37

ILANG SANDALI lang ay nahawi na ang makapal na usok sanhi ng malakas na pagsabog. Nakita ng prinsipe ang mga durog-durog na katawan ng mga itim na black ninja. Hindi na rin nakita ng prinsipe si san Miguel arkanghel na mabilis na nawala. Alam ng prinsipe ang katauhan ng matandang ermitanyo dahil may nakita siya noong puting pakpak. Hinanap niya sa paligid ang matandang ermitanyo. Nang hindi nito Makita ang anghel kung kaya naman minabuti niyang umalis na sa lugar na 'yon bago pa man may dumating na mga bagong alagad ni heras.

Hindi nga nagkamali ng hinala si avaloon dahil nang makaalis siya ay saka naman dumating ang ibang pangkat ng mga engkanto sa pamumuno ni Arquis. Kasama nito ang kanyang grupo upang tingnan ano ang nangyari.

"Sinabi ko na nga ba'ng tama ang aking hinala. Makakaligtas pa rin sa kanila ang batang hangal na 'yon. Magagawa pa rin niyang lumaban sa ating mga kasama. Isang patunay na pagkasawi ng tatlong itim na ninja." Galit na sinabi ni Arquis. Pinagmamasdan nito ang mga pira-pirasong bangkay ng mga itim na ninja.

"Nakakapagtaka, papano niyang nagawang talunin ang ating mga kasama gayong mahina naman ang kanyang kapangyarihan." Nagtataka namang tanong ng isang engkantong itim.

"Pinunong Arquis, hindi kaya nagawa niyang maalis ang pulseras na ikinabit sa kanya ng heneral, o kaya naman ay nagawa ng makawala sa gintong sinulid ang mga spirit dragon na nasa loob ng katawan niya." Sabat naman ng isa pang itim na engkanto na kawangis ni kamatayan na naroon.

"Mahirap manghula, ang mabuti pa'y ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa kanya. Ako naman ay babalik sa kastilyo ng ating heneral at aking sasabihin sa heneral at ang ating hari ang nangyaring ito para makagawa agad ng susunod na plano." Saad ni Arquis.

Sumang-ayon naman sa kagustuhan nito ang ilang engkantong itim. Nagpatuloy sila sa paghahanap sa prinsipe. Samantalang nagbalik naman sa kastilyo si Arquis upang ipaalam kina haring heras ang mga nangyari.

"Ang ibig mo ba'ng sabihin ay natalo ng hangal na 'yon ang tatlong tauhan ninyo.!" Galit na tanong ni haring heras nang malaman ang nangyari. Dumadagundong ang boses nito sa loob ng kastilyo. Hindi nito matanggap ang nangyari sa mga engkantong itim. "Papano'ng nangyari 'yon."

"Patay na ang tatlo kong tauhan nang dumating kami sa lugar kung saan naganap ang paglalaban nila. Mga patay na tauhan ko ang aking nakita. Durog-durog ang mga katawan nito. Wala na roon ang prinsipe. Kaya tiyak kong buhay pa ang hangal na 'yon." Paliwanag ni Arquis. Matapos ay binalingan ang babaeng heneral. "Heneral zipton, hindi ba nagawa mo ng gapusin ng makapangyarihang sinulid ang lahat ng mga spirit dragon niya."

"Lahat sila ay nakagapos na. Kahit nagawa nilang maibalik sa loob ng katawan ng hangal na 'yon. Wala naman silang silbi dahil hindi na sila makakalabas duon hanggang nasa kamay niya ang mahiwagang pulseras na ako ang may gawa.." Paliwanag ni heneral zipton.

"Sinabi mo din na wala ng magagawa ang kanyang kapangyarihan kung hindi naman nito magagamit ang mga dragon ni avaloon hindi ba.?" Tanong naman ni Zendon sa heneral.

"Oo, tinitiyak ko yan sa inyo, hindi na makakalaban pa sa ating lahat." Ani ni heneral zipton.

"Kung gayon ay papano niya nagawang paslangin ang tatlong engkanto na higit na mas malakas sa batang 'yon." Muling sabi ng hari. "Hindi kaya hindi mo napuruhan ang natitira niyang dragon, hindi naman natin nakita na lumabas ito sa katawan niyon, hindi natin pa namamalas pa kung ano'ng kapangyarihan ang tinataglay ng natitirang tatlong dragon."

ENGKANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon