Chapter 1
Bituin☆
"Please, 'wag mo 'kong iiwan!"
"Nagmamakaawa ako!"
"Please, pagod na pagod na'ko!"
"Hindi ko na kaya."
"Sandali lang! Wag mo 'kong iiwan!" Sigaw ko sabay takbo at salamat naman naabutan ko 'yung bus na kanina ko pa hinahabol.
"Kuya look oh, Haggardo Versoza ang ate mo." Sabi ko kaagad sa konduktor pati narin sa driver nang makasakay ako.
"Hay salamat." Naginhawaan naman ako nang maka-upo na ako sa bus.
Kapag kasi naghintay pa'ko sa susunod na bus, siguradong late na'ko noon at baka mapatay pa'ko ng prof ko dahil araw-araw daw akong late, e halos sabay lang kami pumasok ni prof. Nauna lang siya sa'kin ng mga 30 minutes gano'n.
Ang bilis mag-drive ni Manong, akala mo may pasok din.
Grade 12 na'ko at STEM ang kinuha ko dahil sabi ng Papa ko pangarap daw talaga niyang maging engineer pero mahina daw siya sa Mathematics kaya ayun, nagsundalo nalang siya. Sa totoo lang, sa math lang talaga ako magaling and the rest mahina na'ko. Pero ayos narin 'yon dahil most of the students ay talagang nagi-struggle when it comes to math. Sabi niya, ituloy ko daw 'yung pangarap niya para mamatay daw siyang masaya. Oh 'diba napaka-drama talaga ng Papa ko!
Hindi pa man ako tapos sa pagmu-muni-muni ko sakto naman na tumigil 'yung bus dahil may sasakay so hindi ako nakapag-ready kaagad kaya ayun nauntog ako sa kaharap kong upuan. Napahawak ako sa ilong ko. My goodness! Kawawa naman 'tong ilong ko, flat na nga lalo pang na-flat. Pasimple namang tumawa 'yung katabi ko.
Pag ako nainis, ako mismo maguuntog sa kaniya. Pero siyempre hindi sa upuan, doon nalang sa inodoro o kaya sa kanal. Pero dahil nga mabait ako, hahayaan ko nalang siyang mamili. Ang yabang pa man din niya, amoy putok naman!
Bago ka tumawa, puwede ba maligo ka muna? Tss.
Tumayo nalang ako at in-offer sa doon sa lalaki na bagong sakay 'yung inupuan ko kanina. Tatayo nalang ako dahil medyo malapit naman na 'yung school ko. Atsaka, baka mabigwasan ko pa si ate.
Oo nga pala late na naman ako! Kinuha ko sa bag ko 'yung cellphone ko para i-text 'yung kaibigan kong si Mia na kaklase ko rin. Sinabihan kasi ako kahapon nung prof ko na pag late pa daw ako ngayon, idi-diretso na daw niya ako sa Prefect of Discipline. Che! Siya naman dadalhin ko sa Prefect of Chakaness, bagay siya do'n.
To: Mia
Mia, punta ka nga sa harap ng gate tapos kunin mo bago ko para kunwari nag-cr ako. Alam mo naman s--
Hindi ko na naituloy ang pagt-type ko dahil biglang may nag-taas ng palda ko. Lumingon ako para malaman kung sino 'yon.
Tinuloy ko muna 'yung it-text ko kay Mia at lumingon ulit ako nang kaagad akong natapos sa pag-type.
Nakita ko siya na nakatingin sa'kin at expressionless. Aba, napaka bastos nga naman ng lalaking 'to! Pano ba naman kasi, siya 'yung lalaki kaninang in-offer-an ko ng mauupuan! Hindi man lang nahiya at talagang tinitigan pa'ko ng manyak na'to!
Nilapitan ko siya. "Ikaw 'yon 'no?" Tanong ko at talagang komportableng-komportable pa siyang tumango. "Ang lakas ng loob mong itaas ang skirt ko ha! Hindi porket guwapo ka, ayos na sa'kin 'yang kamanyakan mo!" Dagdag ko pa kaya mukha siyang nairita. Aba, dapat lang na mairita siya dahil mas nakakairita 'yung ginawa niya. Magpa-salamat siya dahil hindi ako eskandalosa kaya kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.
BINABASA MO ANG
Tonight (On GOING)
Fanfiction"Tonight I've fallen and I can't get up. I need your loving hands to come and pick me up. And every night I miss you, I can just look up. And now the stars are holding you tonight." Tuwing gabi, tuwing nakikita ko ang mga bituin na nangniningning, n...