Waaaaaahhh! Today is the day. Kinakabahan ako na natutuwa kasi naman ngayon na ang Job Fair na pinaghandaan ng bawat students ng ABM.
Bago ako pumasok inayos ko muna ang sarili ko to make sure that when I face the interviewers Im look good. Hindi hagard.
Dumating na din yung always sundo ko. Haha si Angel Lanayan remember? Classmate ko na siya since first year high pa. Lagi na kaming sabay na pumapasok siguro hindi lang kami magsasabay kapag may mga importante talagang bagay na kailangan niya o ako na mauna. "Oh ano na Stacey? Lika na?" Tanong niya. "Wait" sabi ko tapos inayos ko ulit sarili ko tinignan ko kung okay na. Tapos umalis na kami.
....Sa school....
Pag pasok na pag pasok pa lang namin ramdam ko na ang kaba. Hahaha this is it. This is my first time for work interview. Pinagawa ito samin ng isang prof namin para daw masanay kami kapag nagtrabaho na kami.
Lahat ng ABM na nakita ko ay maayos at presintable tignan. Lahat ay naka formal attire na pang office. Hmmm nga pala Im wearing pencil cut skirt na kulay brown and long sleeve na white na may coat. Tsaka yung school shoes ko kasi may heels naman yun. Pero hindi ko muna isinuot yung coat kasi sobrang init talaga. Pag akyat namin ng third floor. Naka salubong namin si Eli Gutierrez hindi kasi ABM strand ang kinuha niya kundi STEM gusto niya daw kasi mag engineering. Matalino naman siya kaya I think kaya niya talaga. Pag kakita niya samin ay nilapitan niya kami at may kinuha siya sa bag niya na pouch at inayusan kami. "Ano ba naman yang mga itsura niyo! Mga ABM students ba talaga kayo?" Haha gagang to. Kahit kelan talaga ayaw niya ng simpleng ayos lang mas gusto niya yung may inilalagay na kung ano anong kolorete sa mukha. Hahahaha
Ginawa niya na nga ang gusto niya at nakuha naman niya. "Oh ayan! Mas mukha na kayong tao" sabi niya habang natatawa tawa.
"Hay naku! Kahit kelan ka talaga Eli." Sabi ko "Osya! Alis na kami. Akyat na kami sa taas baka magstart na e" umalis na nga kami.Pag akyat namin hinanda na namin yung mga resume namin.
Mejo okay naman na lahat. Isa isa ng pumasok sa room at iniinterview.
Nung ako na mejo kabado talaga ako pero keri lang. Hahaha ang daming tanong siguro tatlo yung nag interview sakin yung HR Staff. Yung Vice President and yung President.
Natapos ang lahat ng may ngiti sa labi. Dahil mission accomplish na at ready to rest na ang lahat. Kinausap din kami ng adviser naming prof. Natuwa siya kaya naman nagcelebrate ang lahat dahil walang bumagsak sa Job Fair namin.
Dahil gutom na gutom na talaga kami kumaen muna kami sa canteen ng school namin at mga bandang 4pm nakauwi na kami.
As usual kasabay ko ulit si Angel. Always naman. Hahahaha
Paguwi ko nagpahinga na ako. Naka idlip ako at mga bandang 5:30pm nagising ako. Nagugutom nanaman ako. Hahaha
Naghanap ako ng makakain sa bahay namin pero wala pang ulam. Kaya nag saing na lang muna ako at tsaka lumabas para bumili ng pagkaen. Sakto naman at sa labas namin may nagtitinda ng barbeque. Bumili ako ng dalawa para ulam ko.
Habang naghihintay ako na maluto yung binili ko. Luminga linga ako sa mga taong nagdadaan sa kalsada. Maya maya may nahagip akong isang anghel. Shiiiit! Si Jeric. Kenekeleg nanaman ako putspa! Nung nakalapit siya sa harap ko binati ko siya "Hi Jeric" with matching ngiting tagumpay. Haha ang landi ko talaga. Stacey! Shut up! Haha "Hello" sabi niya sabay ngiti. Gwapo talaga niya. Nakakainis. Pagka bati niya pumasok na siya sa bahay nila. Para naman siguro makapag pahinga siya. Galing siguro siyang work. Mukhang pagod e. Siya ay isang Mechanical Engineering. Hindi ko sure kung tapos na siya kasi ang alam ko may hindi siya natapos na subject at kailangan niya itake yun para maka graduate siya.
BINABASA MO ANG
Every girls dream
Short StoryThis story tells about what kind of love a girl wants. What kind of relationship does a girl deserve.