Happy Birthday

5 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ng bespren ko. Walking distance lang naman ito mula sa bahay namin kaya kahit araw araw pa okay lang. Nakaupo ako doon at sa tuwing tatambay talaga kami dito natatawa ako kapag naaalala ko yung araw na sinurprise namin siya para sa birthday niya.

Flashback..

("Ate? Diba birthday ni Jeric ngayon?" Tanong ni Julia sa ate niyang si Shaira. "Oo bakit?" Sagot niya. "Kung isurprise kaya natin siya?" Hmmm napa isip kami at it was a brilliant idea. Sumangayon kami at bumili kami ng isang fudgee bar sa tindahan at nilagyan ito ng kandila sa gitna. First time ko tong isurprise siya para sa birthday niya pero kahit ganun pa lang. Kinikilig na ako.

After ilang minutes dumating na si love of my life ko na si Jeric. His wearing his handsome smile. Syeeete ka! Bakit ba kasi ang gwapo mo. Kung nakakamatay lang ang ngiti mo. Malamang kanina pa ako naka higa dito. Hahaha

Kinantahan namin siya ng Happy Birthday at iniabot sakanya yung fudgee bar na binili namin para sa kanya kanina. Habang kumakanta kami may video pang nagaganap. Hahaha

Pagtapos nun nagpasalamat siya sa amin at na appreciate niya daw ito ng sobra.

Pagtapos nun. Pinanood namin nila Julia ang video at inupload ito sa Facebook.

And again nagcomment siya ulit dun ng "Thankyou mga brad".

End of the Flashback

Simula nung mga panahon na yun mejo naging close na din kami. Madalas na din siyang tumatambay kasama namin nila Shaira.

Syempre ang lola niyo laging kinikilig. Haha kulang na lang ng clouds para mukha na siyang nakahiga sa cloudnine.

Few days later..

Nagkaroon ng inuman sa bahay nila tita (mama ni shaira) and I found myself drinking but not too much kasi nga mahina ako sa ganun thing. Haha and good thing nandun din siya. Sino? Yung love of my life ko. Wahahahahahha nung mga bandang 10pm I decided to go home because I was drunk and mejo nahihilo na din ako. Kasabay ko siyang umuwi nun kasi madadaanan naman namin ang bahay namin bago sa kanila.

But mas kinagulat ko ng bago ako maka pasok ng gate namin. Bigla siyang nagsalita "Goodnight :) chat mo ako bago ka matulog ah" syeeete naman oh. Bakit ba ganyan siya? Tae baka alam na niya? O.O hala? Hindi niya pa pwedeng malaman. Im not yet ready!

Pero kahit ganun tumango na lang ako sakanya as a sign yes. Tapos pumasok na ako sa loob. Sakto lowbat ako at buti na lang malapit saken ang saksakan kaya habang nagchacharge ako chinat ko siya.

Simula nun madalas na kaming nagkakachat ni Jeric. At napaguusapan ang mga kung ano anong bagay. Kahit wala na minsang kwenta ito okay lang basta may conversation kaming dalawa.

May time din na nagkaron kami ng secret conversation yung tipong magseset kayo ng time tapos parang bula siyang mawawala kapag nag end yung time na sinet niyo. Ganun pa din kung ano anong pinaguusapan namin. Tungkol sa kanya tapos saken. In short sa buhay naming dalawa.

Dahil nga dun mas lalo akong nahulog sakanya. Ako kasi yung tipo ng tao na mabilis mafall.

Nag uusap na rin kami in person yung tipong inaabot kami ng pass 10pm sa pagkwekwentuhan lang. Hahahaha

Then One day.

"Stacey?" Tawag saken ni Jeric habang nanunood ako ng tv sa bahay namin.

"Oh! Bakit?"

"Samahan mo naman ako pwede? May bibilhin lang ako sa may Uni?"

Ganda ng pangalan ng mini mall dito samin diba? Hahaha

"Oo naman. Sure. Wait lang magpapaalam lang ako" sabi ko sakanya.

"Maaaa!? Aalis lang po ako saglit sasamahan ko lang si Jeric sa Uni may bibilhin lang daw siya." Sabi ko kay mama atsaka lumabas na ng bahay.

Nung papunta na kami sa Uni nagaasaran lang kami. Ang sarap niya talagang kasama. Hindi siya nauubusan ng kwento. Teka? Parang baligtad yata. Hahaha ako pala yung maraming kwento at siya yung nakikinig sa mga ito. Hahaha

Pag dating namin dun pumunta kami sa mga damit pang lalaki. Bibili daw siya ng short niya. Hahaha edi ikaw na po kuya :DD hahaha

Tapos nung nakapili siya. Nakita ko yung price tag. Haha aba! Mayaman naman po pala tong isang to. Charot! Hahaha kaka sahod niya lang daw kasi kaya ayun naka bili na daw siya ng bigas sa bahay nila tapos pang ulam tapos baon ng kapatid niyang si Jerald at Jeybee. Oo nga pala hindi ko na nabanggit ang isang yun. Magkapatid sila at magkaibang magkaiba ang personality nila. Kung si Jeybee babaero at madaling magpalit ng babae si Jeric naman hindi biruin mo two years bago naka limot ng tuluyan sa Ex-girlfriend niya na pinagpalit lang naman DAW siya sa tomboy. Sakit diba  haha pero wala na daw yun sakanya ngayon kasi masaya na siya.

Nagtingin tingin din pa kami ng iba pang mga damit pero sa huli ang bagsak namin dun lang sa short at walang pantalon. Haha

Pagkatapos namin sa Uni. Nilibre niya ako sa Jubillee ng burger,fries at ice cream. Heaven talaga kapag kasama tong isang to. Busog na masaya pa. Umupo kami sa isa sa mga bench doon tapos ay doon na din kami kumain ng mga binili niya.

I think this is the right time para masabi sakanya yung nararamdaman ko. Kasi parang wala naman ng kami ni Brix e. Masyado siyang busy at wala na siyang time sakin.

Pinutol ko ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Jeric?" Tawag ko sakanya sabay lumingon.

"Hmmm bakit?" Tumingin din naman siya sa akin.

"Nag kagusto ka na ba sa mas bata sa iyo?" Ayy tanga mo talaga Stacey noh! Kahit kelan ka e. Syempre oo diba nga? Yung ex-girlfriend niya na two years from now na pinagpalit siya sa tomboy. Bobo! Kainis

"Oo naman. Diba kilala mo pa nga siya?"

"Ayy oo nga pala. Hehe" I fake a smile. Nagseselos talaga ako dun kahit wala naman akong karapatan at kaibigan niya lang ako :'(

"Pero hindi din ako nagkakagusto sa babaeng bata na kalugar ko lang. Kasi maraming nagkalat na alam mo na you know. VIRUS. hahaha" mejo natawa siya habang sinasabi niya yun at kampanteng kampante siya na hindi nga siya magkakagusto sa kalugar niya.

Waaaahhhh :'( ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko pa nga nasasabi pero parang wala na agad pag asa.

Pagtapos namin kumain niyaya ko na siya na umuwi. Nag dahilan na lang ako na baka hinahanap na ako ni mama sa bahay. Pero ang totoo nasaktan talaga ako sa sinabi niya. At nagtatampo ako sakanya ngayon! :(

Every girls dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon