First I Love You

7 1 1
                                    

Ilang araw na nakalipas simula nung nagkasama kami sa Uni at nilibre niya ako sa Jubillee. Pero hindi pa din mawala sa isip ko yung mga sinabi niya.

"Pero hindi din ako nagkakagusto sa babaeng bata na kalugar ko lang. Kasi maraming nagkalat na alam mo na you know. VIRUS. hahaha"

"Pero hindi din ako nagkakagusto sa babaeng bata na kalugar ko lang. Kasi maraming nagkalat na alam mo na you know. VIRUS. hahaha"

"Pero hindi din ako nagkakagusto sa babaeng bata na kalugar ko lang. Kasi maraming nagkalat na alam mo na you know. VIRUS. hahaha"

Putspa naman oh! Tama na nga kakaisip pupunta na lang ako kala Shaira. Para hindi ako isip ng isip dito. Mamaya pumanget pa ako e!

Pagbukas ko ng gate namin siya agad ang bumungad sakin. Sinong siya? Si Jeric lang naman. Galing. Hindi ko nga naisip nakita ko naman. Si tadhana talaga napaka galing tumayming.

Pero naka hubad siya at naka boxer shorts lang O.O syeeeettte! Ang hot ang sarap kainin ng buhay. Hahaha ano ba stacey ano ba yang mga iniisip mo! Itigil mo nga yan. Kadiri ka.

Nagulat ako nung binati niya ako
"Hi stacey! :)" sabi niya binati ko din naman siya syempre "Hello Jeric :)" I gave a fake smile as always para hindi siya makahalata na umiiwas ako sakanya.

Dumiretso na ako sa loob ng bahay nila Shaira at siya? Ayun nasa labas kinukulit pa rin ng mga bata. Haha mahilig din siya sa bata like me.

Maya maya pumasok din siya doon at nakipagtawanan at kwentuhan samin.

Mga gabi na din kaya umuwi na ako. Nag paalam na ako kila tita at sakanila.

The Next Day

May kaklase ako na nagpasama sa akin na mag pagawa ng school uniform namin. Mahal daw kasi sakanila yung patahi kaya samahan ko daw siya kung saan ako nagpatahi ng uniform ko.

Dahil mabait ako sinamahan ko siya sa may Recto kung saan yung pagawaan. Pagkadaan namin dun. Pumunta kami sa may Isetann Recto kumain kami sa Mcdo dahil dinner na din at gutom na kami pareho.

Nung madaanan namin yung Batchoy Factory doon bigla akong may naalala.

Flashback.....

Yes! Another day of happy life hahaha kagigising ko lang at tinignan ko sa phone ko kung anong oras na it was already 7am in the morning.

"Stacey? Gala naman tayo bukas oh! Sige na please?" Pagaaya ni Jeybee sa akin

"Osge na nga! Ilang araw ka na nangungulit e. Naaasar na ako sayo e!" Pumayag ako at tuwang tuwa ang loko.

Treat niya daw kasi pambawi. Okay na kami ngayon simula nung niloko niya ako. Syempre kung ang diyos nga nagpapatawad ako pa kaya? Hahaha Im just a human.

Ayy! Oo nga pala naalala ko. Aalis kami mamaya nung panget na yun. Haha

2:00pm

"Stacey!? Alis na tayo dali. Bagal mo talaga maligo e! Kahit kelan ka talaga."

"Saglit lang naman nyeta to! Nagmamadali. Matuto kang maghintay. Kaya ka nasasaktan e!" Ayan umarangkada nanaman ang pagka hugot queen ko. Hahaha

Nagpaalam na ako kay mama at tsaka lumabas ng bahay sabi niya umuwi daw ako ng maaga.

Pag dating namin sa Isetann nag ikot ikot muna kami. Tapos nood ng sine. Tapos ikot ulit hanggang sa napagod kami pareho at nagutom.

"Tara kain na tayo" aya niya sa akin.

"Sige gutom na din ako e" sagot ko

Naghanap kami ng makakainan. And we found the Batchoy Factory. Hmm una nagdadalawang isip ako kasi ayoko nung nasa menu nila pero nung pinilit niya ako. Pumayag na din ako. Hindi naman ito nakakadismaya dahil talagang masarap nga ang mga inihahanda nila.

Umorder kami pareho ng dinuguan. And this is a unli rice. Hahaha kaya busog ka talaga. Actually hindi ako kumakain talaga ng dinuguan ng kahit sino gusto ko yung kay mama lang kasi minsan yung dugo na ginagamit ng iba e. Hindi na sariwa kaya hindi healthy ito.

Habang kumakain kami nagkwento siya ng lovelife niya. Nagulat ako dahil umiiyak siya. Niloko daw kasi siya nito.

And this day nalaman ko na sobrang mahal niya talaga yung pinalit niya sakin. Diba sabi nila kapag iniyak ng babae ang lalaki. Maswerte yung lalaki pero mas maswerte ang babae kapag iniyakan sila ng lalaki kasi ang ibig sabihin nun mahal talaga sila nung guy.

End of the Flashback...

Naikwento ko na din sa classmate ko yun kaya naman mejo hindi kami na bored habang naglalakad kami papunta sa Mcdo. Hahaha

Pag kaorder namin nagpicture kami then kumain na. Haha sobrang solve pagtapos kasi napagod kami pareho. Pero 8pm na kaya kailangan na namin umuwi. Nag abang kami ng jeep. Mejo mga 10 minutes na nakakalipas.

"Ang tagal naman ng mga jeep" sabi ko na mejo naiirita na.

"Oo nga e." Sabi niya

Maya maya may nakita na kami. Sumakay na kami tapos nagbayad. Magkatabi kami nun at pareho kaming nagpophone.

"Ayy shit!" Sigaw ko.

Nagulat lahat ng tao sa loob ng jeep. Kahit ako hindi maka galaw sa kinauupuan ko.

Na snatch lang naman kasi yung phone ko. Hindi ako makapag salita. Wala na akong nagawa kundi tignan na lang yung likod nung taong kumuha ng phone ko.

"Dapat kasi miss hindi kayo naglalabas ng phone dito sa Recto" sabi nung babaeng pasahero.

"Tinitignan nga kayong dalawa e. Hindi alam kung kanino yung kukunin kasi parehong naka labas yung phone niyo." Sabi ulit nung isa pang pasahero.

"Hala bebe. Pano na yan yung video namin nandun. Patay ulit nanaman kami neto! Haysss" sabi ko. Hindi ako nanghihinayang sa phone sa memory card lang kasi naman nandun yung project namin na video e. Kainis

Katext ko kasi si Jeric na pauwi na ako. Tinanong niya kasi kung nasaan daw ako.

Wala na akong nagawa. Paguwi ko sinabi ko agad sa mama ko yung nangyari pati na rin kay Jeric at kala Shaira. Husay nung tao! Ginalingan. Inasar pa ako.

"Ayan kasi text pa! Haha" sabi niya. E siya naman dahilan kung bakit yun nawala. Tae siya.

Makalipas ang ilang araw naka move on na ako sa pagkawala ng phone ko. May ginamit akong phone pero de keypad lang. Pag may kumuha pa nito. Haha ewan ko na lang.

Bumalik din kami ulit ni Jeric sa dati na nagkwekwentuhan ng hanggang 10pm. Haha

"Stacey?" Sabi niya.

"Oh bakit? Sagot ko.

"Wala. Iloveyou."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natigilan ako at ayaw mag sink in sa utak ko yung mga sinabi niya.

"Huy! Ang slow mo naman e. Minsan lang ako magsabi ng ganun tapos para kang na ewan jan."

Hala ka? Totoo nga na sinabihan niya ako ng iloveyou? Hahahaha pero teka? Diba sabi niya hindi siya mafafall sa kalugar niya dahil sa mga Virus daw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every girls dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon