Please take a time to read this

54 11 11
                                    

Uulitin po namin ang rules, bawal ang skimming o pagscan ng mga stories. 5 chapters lang naman ang kailangang bigyan ng comment, the rest pwede ng i-vote lang. Hindi kailangan na i-criticize mo yung story ng kapartner mo pero ang kailangan mong i-comment ay yung relate sa story niya. Hayaan na nating ibang book club ang maghandle ng mga ganyan basta dito magbabasa ka as a READER.

Gayunpaman, kahit hindi kailangan ng critics sa bookclub na 'to, hindi pa rin po allowed ang simpleng pagko-comment ng 'Haha,' 'wow' 'ang ganda ng story' etcetera. Kailangan ang comment ay nasa 15 words per chapter, o kung hindi man, basta mai-point mo sa kaunti mong comment na may naintindihan ka sa takbo ng kwento.

Wala ding age limit ang pagsali sa book club o pagsusulat as long as magagawa mo yung task mo ng tama. Alam po naming hindi lang wattpad yung inaasikaso niyo kaya nga merong deadline, usually one week o higit pa. So hindi namin kayo minamadali na kailangang tapusin agad-agad yung task.

Kung hindi niyo naman kayang basahin yung story ng ka-partner niyo, i-pm niyo sila at pag-usapan niyo kung pwedeng trade votes na lang kayo. Alam nating mainit yung panahon ngayon pero sana wag agad dadaanin sa init ng ulo.

Again, nag-so-sorry po ang Maido_Ponynilium at nagkaroon ng gan'tong problema na may mga ilang hindi sumusunod sa task.

BAWAL MAG-COMMENT NG DONE O MAG-FILL NG FORM ANG HINDI PA TAPOS SA TASK NILA. PM US KUNG ANG KA-GROUP/PAIR MO AY HINDI NAGAWA NG MAAYOS YUNG TASK NIYA AT PAG-UUSAPAN NATIN YAN.

BAWAL MAG-AWAY, BAWAL ANG BASTOS SA BOOK CLUB NA 'TO. JUST BE FAIR AND HAVE RESPECT.

NEXT TIME NA MAY MATANGGAP KAMING REKLAMO, AUTOMATIC NA BAN NA SA BC YUNG INIREKLAMO. At anong malay natin, baka hindi lang ban.

So ayun, nag-sorry naman na po yung nagkamali ng pagkakaintindi sa task kaya pagpasensyahan na po natin. Bigyan natin ng chance. Sa mga ka-group niya naman na medyo na-beast mode (^_^v) you will receive ten votes from me as a compensation. Sorry po talaga.

Sana wala ng mangyaring gan'to okay? Lahat naaayos sa magandang usapan.

🍨🍨🍨🍨🍨🍨🍨 Ice cream, pampalamig. Chill lang!

Ps: Hindi po kami nang-aaway o nakikipag-away, sadyang gutom lang.

BE RESPONSIBLE.

-LC/Kira

Otaku's book clubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon