Michiko's POV
Ang init talaga ngayon. Pwede bang magwinter kapag summer na?
Haring araw pwede bang takpan ka muna ng madilim na ulap tapos uulan ng sobrang lakas pero hindi babaha
Ayy nandyan na pala kayo! Ako nga pala si Michiko Lim or Mich for short
Nagtatrabaho ako sa isang cafe dito sa South Crest Vill. Mayayaman lahat ng nakatira dito, nakatira ako sa isang apartment dyan sa kanto. Close ko si Ate Mariposa kaya mababa ang bayad ko sa upa tsaka working student ako. Malapit lang naman ang school ko dito eh kaya walking distance ang peg ko
Sanay ako sa ganitong buhay. Close ko din si Manager Pretty or Manager Yen, maganda kasi sya. Maraming manliligaw pero walang syang pinapansin kahit sino sa kanila. Kahit snobbera yun sobrang bait nya sakin, ewan ko nga kung bakit eh
Anong oras na ba? Hala! Malapit na akong malate
"Bye, Ate Mariposa!"sigaw ko bago lumabas ng apartment at tumakbo
Hawak ko ang strap ng bag ko habang tumatakbo
*peep peep*
"Good morning, Mich!"sigaw ni Nanay Tina
"Good morning din po!"sigaw ko pabalik at kumaway
Close ko ang iba dito sa Village, ang snobber kasi ng mga tao dito
Napatigil ako ng may dumaang kotse sa harapan ko
"Muntik na ako dun"bulong ko at bumuntong hininga
Pinunasan ko ang pawis ko bago pumasok ng University
Scholar ako kaya libre ang tuition fee. Kaya ko namang bayaran ang mga bayarin dito sa school kaso....yung tuition fee hindi
Matalino naman ako eh lagi lang ako nasasabihan ng sipsip
Tss. Lagi daw akong may dalang straw, wala naman akong tinindahan ng straw eh
Walang tao, malapit na ang graduation namin. Kami kasing mga scholar ang magaayos nito eh
"Late ka nanaman, Mich"sabi ni Ate Tessa
Mas matanda kasi sya sakin
Graduating Collage ako at kapag nakahanap na ako ng mas okay na trabaho hindi parin ako magbaba-bye sa coffee shop
Ang ganda kapag nagtatrabaho ka sa coffee shop, andaming pogi mga teh!
Inayos ko ang salamin ko at binaba ang bag ko at tinulungan sila
****
3:10 PMSuccess tapos nadin sa wakas!
Tinapon ko ang basura sa trash can at tsaka umalis. Naglalakad ako sa paputang coffee shop
Nakasalubong ko pa nga ang iba kong schoolmates, namumukaan ko ang iba sa kanila kaso hindi naman nila ako kilala kaya bahala na
Bumuntong hininga ako bago pumasok ng coffee shop
Inayos ko ang salamin ko at pumasok sa locker room
Nilagay ko dun ang bag ko at sinuot ang uniform namin
Jeans, t-shirt at cap ang uniform naman okay lang naman pero ang init lang kasi. Medyo malamig dito kasi may aircon ang kaso 'medyo' lang eh. Pero ang init talaga eh
Lumabas ako ng locker room at diretsyo sa counter para kumuha ng paper at ballpen
"Wag mong kakalimutan ang ballpen na nakalagay sa ulo mo, bruha ka babatukan kita"paalala sakin ni Gabriella or Gabby
"Opo, Madame"sabi ko at nginitian sya
Inirapan nya lang ako. Mataray yan pero sya ang pinakaclose ko dito hihihi
"Table number 4 *ting ting*"sabi ni Teddy, sya ang naghahanda ng mga pagkain, nagdedesign at nagtitimpla. Ayoko sa kusina kasi andaming trabaho dun
Kinuha ko ang para sa table number 4 at dumiretsyo dun
"Here's your order, Sir. Enjoy"sabi ko pagkatapos kong ilapag ang order nila sa table tsaka umalis kasama yung tray
"Wait lang, Miss Ganda"
Napalingon ako sa nagsalita. Napalingon ako sa kaliwa't kanan ko tsaka tinuro ang sarili ko
Tumango sya. Napakamot ako sa batok ko at naglakad palapit sa kanila
"Dito ka muna sa table namin, magkano ka ba?"tanong nya
Kumulo ang dugo ko sa sinabi nya
"This is a DECENT Coffe Shop, Sir. Kung gusto mo ng may maiite-table dun ka sa bar pwede"mataray na sabi ko at tinalikuran sila
Biglang may humablot ng braso ko at hinarap ako sa kanya
"Wag ka ng pahard to get, Miss. Alam kong call girl ka din"sabi nung lalaki
"Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng lalaking to. Hoy! Kung ganun din lang ang magiging trabaho ko sa buhay ay mas pipiliin ko nalang maging manikurista!"sigaw ko at pilit na nagpupumiglas
"Wow! Pare, palaban. Yan ang masarap"sabi ng isang kasama ng bastos na to
"Bitawan mo nga ako!"sigaw ko at sinampal nya. Nabitawan nya ako kaya agad akong tumakbo palayo
"Miss Yen! Tulong!"sigaw ko at tumakbo papunta sa office ni Miss Yen
"Miss, sandali!"
Binuksan ko ang pinto ng office ni Miss Yen at dumiretsyo sa loob
Nakita kong may kausap si Miss Yen na hindi ko kilala
"Wahhhh! Miss Yen! May mga impaktong humahabol sakin, mga rapist na ewan!"sigaw ko at nagtago sa likod nya
"Sandali lang, Miss!"
"Nandyan na sila!"sigaw ko at nagtago sa ilalim ng table ni Miss Yen
"What the hell?! Darwin and Makato!"rinig kong sigaw ni Miss Yen
"Nasan na yung babae?"rinig kong tanong nung lalaking nambastos sakin
Lumabas ako sa ilalim ng table ni Miss Yen at sumilip sa kanila. Agad ko ding niyuko ang ulo ko
"Miss Ganda, i know your here. Im sorry, that was a prank"sabi nung lalaking kasama nya
Napatayo ako mula sa lungga ko at tinignan silang dalawa ng masama
"Prank?! Eh mga bwisit pala kayo eh! Kung gagawa kayo ng prank pwede ba wag dito sa coffee shop! Ako papatay sa inyo eh!"sigaw ko at tinanggal ang salamin ko
Pinunasan ko yun at muling sinuot
"Sorry, Miss Yen ah. Naabala ko pa kayo, pwede po bang kayo na ang pumatay sa dalawang gagong to para naman masaya. Sorry po talaga"sabi ko
Ngumiti lang sya at tumango
Naglakad ako palapit dun sa dalawang bugok at sinipa ang binti nilang dalawa
"Serves you right, jerks"sabi ko at inirapan silang dalawa bago lumabas ng office ni Miss Yen
Diretsyo ako sa CR at inayos ang sarili ko
Bwisit talagadin
****
A/N: Wahhhhh! New storyMafia Story....again. Trip ko ang Mafia ngayon, ya know with kaartehan
Hindi ako magaling sa Mafia pero madali lang ang kaartehan kasi.......magaling lahat ng dyan, charot hihihihi
Please support this story of mine kasi huhuhuhuhu wala lang hihihihi
Basta masaya ako ngayon kasi wala lang din
Se yah mwuah!
Lovelotz
-clazore_love
![](https://img.wattpad.com/cover/106546878-288-k77102.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)
ActionPrincess of the Japan, Little Sweetheart of Switzerland, Yakuza Princess and The youngest Daughter of Shindo and Cassandra Nanase Being a Princess is like living in the Big Castle with many Knights and being a Princess, you have to marry a Prince I...