Michiko's POV
Nanonood lang ako sa ginagawa ni Shiro. Halatang nakakastress ang mga paperworks
Kaya nga mas trip kong magluto eh para hindi stress
Nga pala, hindi ko ba nasabi sa inyo ang course ko?
HRM ang course ko, yun ang kinuha ko kasi madali lang tsaka sanay ako sa kusina
Bigla akong nabalik sa realidad ng may humalik sa labi ko. Napatingin ako kay Shiro na nakaupo sa harapan ko
"Bakit?"tanong ko
"Your spacing out"sagot nya at hinawakan ang kamay ko
"Ahhh sorry"sabi ko at ngumiti. Nilagay ko yung kamay nya sa pisngi ko at napapikit
"What's wrong?"tanong nya dahilan para mapamulat ako
Ngumiti ako at niyakap sya. Halatang nagulat sya sa inasal ko
"Wala, masama bang maglambing?"tanong ko habang nakayakap sa kanya
Napaangat ang tingin ko sa kabilang building. Kitang-kita ko mula dito na nakatutok ang baril nya samin
"Bulletproof pa tong building mo?"tanong ko
"Yes why?"tanong nya
Kumalas ako sa kanya at tinuro ang lalaking nakatutok ang baril samin
"Fuck! Dont look"sabi nya at hinigit ako palapit sa kanya. Napapikit ako at niyakap sya pabalik
*BANG*
Rinig ko ang putok ng baril sa hindi tumama samin
Bigla akong binuhat ni Shiro at nilabas ng office nya
Pumasok kami sa cr at nilock ang pinto
"Im sorry, lagi ka nalang napapahamak dahil sakin you shouldn't love me"sabi nya na kinagulat ko
Tinignan ko sya ng masama at pinalo-palo ang dibdib nya
"Gago ka ba?! Mahal kita tapos sasabihin mo 'you shouldn't love me' eh kung ibitin kita patiwarik ngayon! Nakakainis ka!"sigaw ko habang pinapalo-palo ang dibdib nya
Hinuli nya ang magkabilang kamay ko at sinandal ako sa pinto
"Your stubborn as ever"sabi nya at napairap
Kumawala ako mula sa pagkakahawak nya at hinigit ang batok nya palapit sakin "I know"bulong ko at hinalikan sya
****
Nakauwi na kami sa bahay nandito silang lahat. Nakangiti ang lahat ng malaman nilang si Emerald at Darwin na at...malapit ng ikasal si Ate Yen at Drake
Napahawak ako sa leeg ko.....sandali
Y-yung necklace ko
"Sandali lang"paalam ko kay Shiro at agad na umakyat sa taas
Hinanap ko sa kwarto, sa banyo, sa kusina at sa couch ang necklace ko pero wala akong nakita
"Kanina ka pa hindi mapakali dyan, Mich. May problema ba?"tanong ni Ate Yen
"Nakita nyo ba yung silver necklace na may crystal crest sa gitna?"balik tanong ko
"Wala namang necklace na naligaw dito eh"sabi ni Makato
"Okay"sabi ko at bumalik sa upuan ko
"Kanino ba galing yun?"tanong ni Midori
"Sabi ni Ate Mariposa, nakita nila yung nakasabit sa kamay ko. Memorable yun sakin kasi yun lang ang ala-ala ng parents ko kahit hindi ko sila kilala"sabi ko at pilit na ngumiti
"Hahanapin namin sa dating bahay nyo"sabi ni Poseidon
"Thank you, makakabawi din ako sa inyo"sabi ko
"Basta Ninong kami sa binyag ng baby nyo ni Boss nakabawi ka na"sabi ni Makato na kinagulat ko
"Sure kang wala kang sakit?"tanong ko
"Hindi, may dine-date kasing chix yang gagong yan kaya maging baliw"sabi ni Darwin at inakbayan si Makato
"Ang kulit nyo"sabi ko at napangiti
"Yan, kilala naming Michiko sobrang ganda ng ngiti"sabi ni Jean at niyakap ako
"Nagpalit ka ba ng pabango?"tanong ko
"Ahh oo, cherry to hindi strawberry"sabi nya
Napatango nalang ako. Kaya pala, ang weird ng amoy nya
Biglang sumulpot si Shiro sa kung saan at tumabi sakin. Napakunot ang noo ko ng makita kong nakakunot ang noo nya
Nagcross arms ako at tumingin sa sahig. Mas kumunot ang noo ko ng may napansin akong kung ano
Nilabas ko yung nasa ilalim ng couch at....black box
"Ano to?"takang tanong ko at umupo sa gilid ni Shiro
"What's that?"tanong nya
"Bubuksan ko na nga eh"sabi ko at binuksan yun
May letter....binuksan ko yun at......
Agad akong napatayo at dumiretsyo sa pinakamalapit na banyo. Parang bumaliktad ang sikmura ko nung makita ko ang nakasulat
'See you in hell, Michiko Lim-Furukawa'
Nakasulat yan gamit ang dugo. Paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko ang nakasulat
Tumigil ang pagsusuka ko kaya agad kong hinugasan ang bibig ko at finlash yung suka ko
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Putlang-putla ang mukha at ganun din ang labi. Binuksan ko ang pinto ng banyo
Agad naman akong niyakap ni Shiro
"Are you okay?"tanong nya
"Yeah, ayoko yung amoy nung dugo"sabi ko at kumalas sa kanya
"Pati yung amoy ng suit mo"dugtong ko at nagpout
Napakunoot ang noo nya at nagtataka akong tinignan
"Wag mo akong tignan ng ganyan kakainin mo ba ako ng buhay?"tanong ko at inirapan sya. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto
Naiinis ako sa kanya! Ewan ko kung bakit!
****
Hayabusa's POVWhat just happen?
"Why did she act so weird?"takang tanong ko kila Midori
"Couz, baka may iniisip lang"sagot ni Midori
"Alam mo bossing, basta beastmode yan nilalambing"sabi ni Darwin at inakbayan si Emerald
"Manahimik ka nga bata"sabi ni Drake at tinakpan ang bibig ni Drake
Napakamot ako sa ulo at umakyat sa taas. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin at sinarado yun. Lumapit ako sa kama at humiga sa tabi nya
"Shiro! Ang baho mo labas dun bilis! Labas na!"sigaw ni Michiko
"What the...."
"Wag mo akong murahin, Mister. Nakakainis ka na, labas!"sigaw nya
Napatayo ako sa kama at lumabas ng kwarto "Michiko"tawag ko sa kanya
"Che!"sigaw nya at sinarado ang pinto
Napairap nalang ako at tinignan yung mga gago sa baba
"Bossing wala ka pala eh"sabi ni Makato at tinawanan ako
Nilabas ko ang baril ko at kinasa yun. Pinagbabaril ko ang paanan nilang apat at tinignan sila ng masama
"Go to hell, a$$holes"malamig na sabi ko at tinago ang baril ko
Pumasok ako sa kabilang kwarto at nilock ang pinto
'Why did she act like that?'

BINABASA MO ANG
Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)
ActionPrincess of the Japan, Little Sweetheart of Switzerland, Yakuza Princess and The youngest Daughter of Shindo and Cassandra Nanase Being a Princess is like living in the Big Castle with many Knights and being a Princess, you have to marry a Prince I...