Chapter 2
Rebecca's POV
This is just the beginning ng pagpapahirap ko sa kanila. Nag-iinit pa lang ako.
After the break up, natanong ko din sa sarili ko kung kapalit-palit ba ko? May mali ba sakin? Nagkulang ba ko? Pero hindi pala... Hindi ako kapalit-palit, tanga lang talaga sya. Walang mali sakin, nasa kanya. Hindi ako nagkulang, SUMOBRA AKO.
Ngayon talaga napatunayan ko 'Kapag nagmamahal ka may sakit'. Hindi na pagmamahal yan kung hindi ka nasasaktan.
Ansarap maging bitter mga bess! Andami mong mga naiisip na mga hugot. Baka mamaya hindi na lang ako Queen Bee, Hugotera Queen na rin.
Ay! Nasa gate nga pala kami ng school ngayon, you know...waiting for Audrey.
Tumingin si Zena sa relo nya "Papasok pa kaya yun? Anong oras na...magbebell na nga eh" sabi nya
"Trust me" sabi ko
At ilang sandali lang tama nga ang hinala ko, finally dumating din.
Binato sya ng ibang mga estudyante ng itlog, yung BUGOK ha parang utak nya. Lumapit naman ako sa kanya at binuhusan sya ng harina. Nagtawanan naman ang ibang mga estudyante.
"Tama na" maiyak-iyak na sabi nya at lumuhod na sya harap ko.
"Oh? Nagsisimula pa nga lang ako, nagmamakaawa ka na? Kung tutuusin nga, walang-wala pa rin yan sa sakit na naramdaman ko eh. Sisiguraduhin ko na pagkatapos ko maghiganti sa inyo di nyo na gugustuhing mabuhay" sabi ko at tinulak sya dahilan para matumba sya
Nakita ko namang nagtawanan pa ang ibang mga estudyante.
Tama! PAGTAWANAN nyo sya, bagay lang yan sa kanya. She deserves that.
"Tara na girls" sabi ko at sumunod na sakin sila Zena at Jam
"Another great show Queen R.B" sabi ni Zena
"Yeah" sabi naman ni Jam
"This is just the beginning, marami pa kong PASABOG" taas-noong sabi ko
"That's our Queen" sabi ni Jam, kaya nagtawanan kami
Nakarating na kami sa tapat ng room kaya pumasok na kami.
"Good Morning Queen R.B!"
"Good Morning"
Bati nila sakin, I just smiled at them. Syempre, ako pa rin ang REYNA DITO. At ang reyna dapat nirerespeto, pero di mo yun makukuha kung di ka rin marunong rumespeto.
Hindi na ko nagtaka kung bakit galit din sila kay Audrey, lumaki ang ulo nya ng sya na ang Queen Bee. At dapat sa malaki nyang ulo, PINUPUTOK.
Bumukas ang pinto at pumasok si Christian, tumayo sya sa harap ko.
"What?" Mataray kong tanong
"Tumigil ka na Rebecca, sumusobra ka na" sabi nya sakin
"Me? Sumusobra? Unang-una, umpisa pa nga lang yan. Pangalawa, walang-wala pa nga yun sa sakit na na-feel ko eh. Pangatlo, bagay lang yun sa kanya, dahil malandi sya ,mang-aagaw, famewhore, at plastic"
"At wag kayung umarte na parang ako pa ang mali, na parang ako lang ang MASAMA, na parang kayu pa ang kawawa, at kayo lang ang NASASAKTAN. Dahil sa umpisa pa lang ako ang biktima, at nagkamali kayo kung sino ang BINIKTIMA nyo" mahabang lintanya ko
Tumingin lang ako sa kanya at nakatingin lang sya sakin.
"Oh ano? Wala ka ng masagot? Tinamaan ka sa sinabi ko no? Kung wala ka ng sasabihin lumayas ka na sa harap ko at naaalibadbaran ako"
Wala din syang nasabi at umalis na sa harap ko. What a JERK.
---
Papunta na kami nila Zena at Jam sa cafeteria dahil BREAK nga. Nang makarating kami, pinauna na agad kami ng ibang mga estudyante sa pila.
I ordered an orange juice. Jam ordered a water. And Zena ordered a sundae.
Sabihin na lang natin na kami ang magtrotropa na hindi hilig kumain sa cafeteria, kaya mga drinks lang ang ino-order namin.
Kinalabit ako ni Jam at may itinuro. Nakita naman namin sila Audrey at Christian. Tinignan ko si Zena at Jam at mukhang alam na nila ang pinaplano ko. Lumapit kami sa pwesto nila Audrey. Nang nakita nila kami sinubukan pa nilang umalis, pero nahawakan na ni Zena ang braso ni Audrey.
"Please Rebecca ayoko ng gulo" sabi nya
"Ayaw mo? Pwes ako gusto ko!" At itinapon sa kanya ang orang juice
"Wag kang magbait-baitan ngayon dito Audrey, alam na ng lahat ang baho mo. UMAALINGASAW" sabi ko
Binuhos naman ni Jam ang tubig sa kanya, take note may yelo yun.
"Haha sorry, ang lagkit mo kasi eh. Naisipan ko lang na buhusan ka ng water" sabi ni Jam
"Holy Water" sabi naman ni Zena dahilan para matawa kami at ang iba pang mga estudyante dito.
"Let's go na guys" sabi ni Zena at tinulak si Audrey
"Wait" sabi ko
Sinampal ko si Audrey, yung malutong at mag-asawa. She deserves everything, coz she is a bitch.
---
Please vote and comment your reactions :)
Again, I hope you like this chapter.
By the way, si Rebecca yung nasa multimedia
CelineAlayonSantos
BINABASA MO ANG
After This Break Up
Teen FictionThis story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental. Copyright © 2017...