Rebecca's POV
Nandito kami ngayon sa hallway, naghihintay na mapadaan si Audrey. May bago kasi akong mga evil plans >:).
"Queen R.B padaan na sya" sabi ni Zena
"You know na what to do" I said
Nang napadaan na sya, tinulak sya ni Zena para matumba sya.
"A-aray" mahinang daing ni Audrey at tumayo, lalakad na uli sana sya pero hinarang ko na
"You know, I wondering talaga...why did Christian kaya likes you? You looks like a WITCH. Ginayuma mo ba sya?" sabi ko
Hindi nya ko pinansin at dumaan na lang sa gilid ko
ABA BASTOS TO AH!
Hinablot ko ang buhok nya at mukhang napalakas yata kaya napa-upo sya.
"Wag kang BASTOS! Wag mo ko basta-basta tinatalikuran! Ako ang reyna dito at dapat sakin GINAGALANG" sabi ko sa kanya
"You know what? Hanga ako sayo kasi ang tibay mo at nakakatagal ka pa dito. Pero matibay ka nga ba o MAKAPAL? Hiyang-hiya kasi ang dictionary sa kakapalan mo."
"Jam pa-explain nga, akala ko ba bawal na ang plastik dito sa Z.C City? Bakit meron pa ditong pakalat-kalat?" at bigla kong tinakpan ang ilong ko "At saka may naamoy ba kayo? Amoy BASURA!"
"At kelan ba naging palengke tong school KO? May naamoy din akong malansa! Isda ba yun!?"
"Kelan pa naging ZOO ang school ko? At may ahas dito, hindi lang basta ahas! SAWA PA!" sunod-sunod kong banat sa kanya
Nakita ko namang tuluyan na syang bumigay at humagulgol.
"Naiyak ka? Masyado na bang MASAKIT ANG KATOTOHANAN? LALO NA AT SINASAMPAL SAYO"
*PAAAKK!*
"Yan LITERAL! Para mas DAMA!" Sabi ko
Narinig kong nagbubulungan na ang mga tao
"Grabe talaga si Queen R.B, pero BAGAY lang yan kay Audrey"
"She is a bitch, she DESERVES that"
"Karma nya yan, MASAMA ang ugali nya"
"Masyado na kasing tumaas ang lipad mo Audrey, yan tuloy ang NAPAPALA mo" sabi ko tinampal-tampal sya sa pisnge
"Tama na" sabi ni Christian at pumagitna samin
"Oh Christian!" Sabi ko at nagcross arm "Buhay ka pa pala, akala ko patay ka na eh. Diba kasi sabi mo MAMAMATAY ka kapag nawala ako sa buhay mo? Ano na? KAPENG-KAPE na ko at di ka pa mamatay-matay"
"At alam mo bang inaasahan ko rin ang araw na IPAGPAPALIT mo ko? Pero sana naman yung pinalit mo saking bago hindi mukhang LUMA. Mukhang galing ka tuloy sa UKAY-UKAY"
"Ano kayang pinakain nyan sayo at nagawa mo kong ipagpalit dyan? Ginayuma ka nga ba talaga nya? Oh sadyang LOVE IS BLIND?"
" 'Baby mahal na mahal kita, pangako ko sayo tayo lang. Di kita ipagpapalit' ang sweet mo rin sakin dati no? Puro pagpapakilig. Puro ka pangako eh BUMUBULA naman yang bibig mo"
"Naghirap ka na rin ba? Naging BASURERO ka na kasi eh. Magkano na nga pala plastik ngayon? Mataas na ba ang halaga? Masyado na bang mataas para malamangan ang GINTO?"
"Alam mo ba ng magbreak tayo, may hiniling ako kay Lord? At yun ay ang BAUGIN ka. Paano? Sa pamamagitan nito!" At buong pwersa kong tinuhod ang KAYAMANAN nya
Narinig kong nagtawanan na naman ang ibang mga estudyante, may iba pa ngang pumalakpak eh.
Pumalakpak talaga kayo, ang ganda kaya ng show ko.
"Tara na girls" sabi ko kila Jam at Zena na hindi din makahinga sa pagtawa, pero sumunod na din sila sakin
Lumingon uli ako at nakakatawang tignan si Christian habang namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang ano nya.
Buti nga sa kanya, SANA TALAGA MABAOG SYA.
---
A/N: Ok ba?😂✌
Please vote ok?
CelineAlayonSantos
BINABASA MO ANG
After This Break Up
Roman pour AdolescentsThis story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental. Copyright © 2017...