Prologue

208 9 6
                                    

"Hello? Eli? Sakto lang pagtawag mo kasi tatawagan pa lang dapat kita! By the way nasan ka na nga pala?" Sabi ni Kuya Levi ng medyo pasigaw sa telepono dahil kahit sa telepono ay rinig ko sa background ang mga hiyawan ng mga fans at ang mga maiingay na tambol ng bawat university na nagchecheer don.

"Uhm kakababa ko pa lang ng kotse ko, late naba ako?" tanong ko habang chinecheck ang mga gamit ko sa bag mamaya may maiwanan pa ako eh.

"Hindi naman, sakto lang dating mo, 2nd quarter pa lang naman basta pagpasok mo ng arena ako na kukuha ng pictures sa Ateneo yung mga naka blue habang ikaw naman sa team nila Brent yung La Salle naka color green naman sila."

"Ah sige. Thank you"

"No Eli dapat ako nga magpasalamat sayo, kasi kinuha mo itong offer ko kahit kakadating mo lang dito sa PIlipinas. Hayaan mo dagdagdagan ko yung iswesweldo ko sayo"

"Hala Kuya Levi?! Diba sabi ko naman sayo na di mo ako naman ako kailangan bayaran. Biglaan ka naghahanap ng ka partner mo para dito dahil nagkasakit si Maria at nagvolunteer ako pati kapag vonluntary libre ang ibig sabihin non FYI" sabi ko habang papasok ako ng arena.

"Haaaay nako ewan ko sayo. Basta after ng game magmeet tayo sa dug out ng team nila Brent, okay?"

"Okay, bye!"

"Bye See you!" At doon na naputol na ang usapan naming. Pinakita ko bouncer ang I.D. ko na may nakalagay na 'Photographer' para papasukin ako sa mismong arena kung saan nabalot ito ng hiyawan at mga tambol ng kada skwelahan. Habang may dalawang team na naglalaro, isang naka blue at isang naka green.

Tinanggal ko sa lalagyanan ang camera ko at nagsimula na kumuha ng mga pictures. Hindi rin nagtagal ay nagtawag ng time out ang Ateneo. Habang time out ng dalawang team ay chineck ko muna ang camera ko para maview ko kung may maayos ba talaga akong shots na nakuha.

Okay naman ang mga shots na nakuha ko, ilan sa mga shots ay may mga pictures ni Brent. Buti na lang di niya ako agad nakita kung hindi wala na yung surprise ko sakaniya sabi ko kasina di ako makakaabot sa game niya dahil na cancel yung flight ko at bukas pa ako makakarating. Little did he know na walang cancelation of flights na nangyare. Ilang swipe pa sa camera ko at may nakita akong isang pamilyar na mukha. Ilang lipat pa ulit sa mga pictures ko sa camera ko at narealize ko na...

It's him

Napatingin ako sa crowd at may mga banners na may nakalagay na pangalan niya. Biglang may malakas na buzzer na tumunog na naghuhudyat na tapos na ang time out.

Act professional Eli at marami naman tao sa arena pati parang focus na focus siya sa game niya kaya malayo na Makita at makilala ka niya.

Wooht okay kinakausap ko nanaman sarili ko. Stay calm kaya ko ito.

Natapos na ang 3rd set ng laro buti naman wala pa ganong nakakapansin sakin nito. Pinasub siya ni coach dahil 3 staright sets na daw siyang naglalaro. Habang pabalik siya sa bench ay di ko maiwasan na tingnan siya. Maraming nagbago sakaniya physically. Payat pa rin naman pero in a way na nagkaroon siya ng muscles at medyo humaba na rin yung buhok niya.

Biglang may mga pamilyar na titig na nakaharap ang mga mata ko

Shit we made eye contact.

Binali ko yung tingin ko sakaniya at lumabas ako ng pinaka arena para pumunta sa CR upang makaiwas sakaniya.

"Eliana?" isang malalim na boses na gusto kong marinig after all these years. Napahinto ako sa paglalakad ko pero hindi pa rin ako humaharap sa kaniya. Nasa kalagitnaan kami ng hallway at parang timing na timing dahil wala gaanong dumaraan sa part ng hallway na ito.

"Eli? Ikaw ba talaga yan?" Unting uti ako humarap sakaniya.

Shit anong gagawin ko? Parang gusto ko siyang sagutin ng 'Oo Ricci ako to. Yung babae na sobra sobra yung pagmamahal sayo, yung nagtiwala sayo pero sinira mo. Hindi lang tiwala lang ang sinira mo kung hindi ang buong pagkatao ko Ricci' Pero hindi iba ang lumabas sa bibig ko, na kahit ako hindi kung alam kung saan iyon nanggaling

"Uhm, Who are you?" What the?! What am I talking about?

"Eliana nakalimutan mo na ba talaga ako?" Tanong niya habang lumapit siya sa akin.

Parang feeling ko nag tatake ako ng isang exam ngayon yung tipong pinaghandaan ko ang lahat-lahat para sa exam na ito ngunit na mental block ako. Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ako makapag isip ng maayos.

"Sorry kung hindi kita matandaan may Amnesia kasi ako"

Ah fuck.

••••••••••••••

Just a reminder NO VOTE NO UPDATE

Sml, Lyan 🖤

PhotographWhere stories live. Discover now