Naalala (wala siyang amnesia pero makakalimutin siya)

25 0 0
                                    

naalala....

(wala siyang amnesia pero makakalimutin siya)

naalala mo pa ba ung unang araw na nagkita tayo, sa harap ng isang bahay habang inaayos mo ung pinakamamahal mong skateboard?

naalala mo pa ba ung unang araw na tumawag ka sa bahay gamit ang payphone tapus araw araw mo ng ginawa basta may barya ka lang sa bulsa mo?

naalala mo pa ba ung unang araw na nagkakilala tau sa harap ng munisipyo dahil sa isang kaibigan ko?

naalala mo pa ba ung unang araw na tinuruan mo ko mag skateboard at sinabihan mo pang matigas ung paa ko? ;)

naalala mo pa ba ung araw na nagkita tayo sa poblacion at kala nila tayo pero magkaibigan pa lng naman talaga tayo?

naalala mo pa ba ung araw na nagkita tayo sa harap ng munisipyo dahil may binigay akong sulat at mahiwagang bato sayo? hahaha

naalala mo pa ba ung araw na pinapunta kita sa pio dahil birthday mo niregaluhan kita ng puting coin purse?

naalala mo pa ba ung araw na tinext mo ko na badtrip ka tapus ang layo ng sagot ko tapus nagkabukingan na? hmmm

naalala mo pa ba ung araw na nagkita tayo sa munisipyo at sabi mu tatawag ka sa kin dahil may aaminin ka?

naalala mo pa ba ung araw na tumawag ka sa kin at naging seryoso na ang usapan at nagka alaman na tayo?

naalala mo pa ba ung unang araw na nagpunta ako sa inyo at pina-akyat mo ko sa bubong niyo? ;)

naalala mo ba si elmo pero sabi mo si neng?

naalala mo pa ba ung araw na binigyan mo ko ng box na may lamang sulat?

naalala mo pa ba ung birthday ng tropa ko?

naalala mo pa ba ung 30 mins bago ako sumagot sau?

naalala mo pa ba ung una kong regalo sayo nung unang monthsary natin?

naalala mo pa ba ung 3 pages na sulat at rosary?

naalala mo pa ba ung unang beses tayong nag cool off?

naalala mo pa ba ung unang beses tayong nagbreak?

naalala mo pa ba ung sumunod?

naalala mo pa ba ung Cavite?

naalala mo pa ba ung gupit ko nung hindi na tayo?

naalala mo pa ba ung hindi naman tayo pero nagpunta pa din ako sa birthday mo at binigay ko pa din ung regalo ko kahit nandun siya?

naalala mo pa ba ung tshirt at cd na napanalunan mo sa skateboard competition na hinihingi niya pero sa kin mo binigay?

naalala mo pa ba ung unang fiesta na magkasama tayo pro hindi naman tayo?

naalala mo pa ba ung nalaman mo may crush ako tapus tinext mo ko at nagseselos ka?

naalala mo pa ba ung nagkabalikan tau?

naalala mo pa ba ung sa Camia bago ko sumakay ng FX?

naalala mo pa ba ung mga dahilan ng pag aaway natin?

naalala mo pa ba ung mga paghihiwalay natin tapus magiging tayo ulit?

naalala mo pa ba ung time na may sakit ako at hindi mo ko mapainom ng gamot?

naalala mo pa ba ung mga kakulitan ko sayo ung mga kamalditahan ko sayo?

naalala mo pa ba ung notebook na sulatan natin?

naalala mo pa ba ung THE FORT, SERENDA habang pinapanuod natin ung mga nagskate?

naalala mo pa ba ung mga times na naglalaro ka tapus panunuorin lang kita?

naalala mo pa ba ung mga araw na nag aaral ka sa DECS?

naalala mo pa ba ung 7-11 sa ROCKWELL at siyempre ang tambayan natin kahit walang pera, ang ROCKWELL?

naalala mo pa ba ung SUKOB na una mong pinanuod sakin nung una nating date? ;)

naalala mo pa ba ung MOMENTS of LOVE, THE HAUNTING, I AM LEGEND, MADAGASCAR 2 atbp?

naalala mo pa ba ung mga KOREAN MOVIES specially yung WINDSTRUCK?

naalala mo pa ba ung unang beses na nagsimba tau?

naalala mo pa ba ung unang simba natin sa BACLARAN, QUIAPO, DIVISORIA, ST. PAUL SA POBLACION, SIMBAHAN NIO at sa PRC?

naalala mo pa ba ung foodtrip natin pag gutom tayo?

naalala mo pa ba ung tambay mode natin sa harap ng jasmin st.?

naalala mo pa ba ung kulitan pag wala tayong problema?

naalala mo pa ba ung gutom nating dalawa pero gagawa tayo ng paraan para makakain lang kahit fish ball kay bok?

naalala mo pa ba ung french fries, burger, malaking RC, mais, kwek kwek, siopao, buy 1 take 1, lugaw, isaw, tapsilog, longsilog, porksilog, porkchurvaness na ang haba ng pangalan nakalimutan ko na, ung tocilog, flattops, chocolate, safari, kikiam, ice cream sa mini stop na 10 pesos ba un?

naalala mo pa ba ung mga lakad natin sa cavite, alay lakad sa antipolo at kng san san pa para lng makagala?

naalala mo pa ba ung nagpunta tau sa Mall of Asia?

naalala mo pa ba ung pagbenta natin ng libro sa Recto?

naalala mo pa ba ung pagpunta punta ko sa inyo na halos araw araw?

naalala mo pa ba ung ginawa kong kwento sayo?

naalala mo pa ba ung huling araw na nagkita tau?

naalala mo pa ba ung unan?

naalala mo pa ba ung NAIA terminal 2?

naalala mo pa ba lahat?

naalala mo ba lahat ng ngyari?

kulang pa nga yan ee..

at higit sa lahat naalala mo pa ba ko?

maaaring pangalan ko na lang ang naalala mo :)

kung nasan ka man ngayon masayang masaya ako para sayo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naalala (wala siyang amnesia pero makakalimutin siya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon