Mariz
Nagising ako sa Malakas na katok na nag mumula sa labas ng aking pinto. "Mariz.Mariz.Mariz" tumayo ako sa aking hinihigaan at saka tumingin sa salamin. Eh alangan namang humarap ako sa pangahas na tao na ng gising saken na may madumi sa mukha. Maganda ng kung sure .
Nag lakad ako papuntang pinto saka pinag buksan ang pangahas na taong iyon."Sino k- ayy kayo pala mrs. Smith magandang umaga po napadalaw ho kayo?" magalang na sagot ko kay mrs. Smith na land lady ng aking inuupahang appartment.
"Magandang umaga ka dyan . Ija pinapaalala ko lang ang appartment na ito ay binabayaran hindi to tinatambayan . Bawat sigundo, oras, araw , linggo o bwan ay binabayaran . Aba nakakadalawang bwan ka ija di parin bayad. May balak ka pa ba?" pambungad sakin ni mrs. Smith
"Ayy opo pasensya na po kung di pako nakakapag bayad. Peroo wag kayong mag alala makakahanap rin po ako ng trabaho kunting palugit nalang ho." magalang na saad ko.
"Ija alam ko naman na bago lang sayo ang mapag isa . Tinulungan na kita dito sa appartment na to kase naawa ako sa'yo wag mong masamain pero sana naman mabayaran mo na haa kaya ko pa naman mag antay sa bayad mo pero wag mo naman ako "PASAHIN" sawang sawa na ko haha . Osyaaa siguradihen mong bayad ka na sa sunod na bwan ahhhh. Magandang umaga." mabait na pag kakasabi ng matanda.
"Opo" magalang naman sa sagot ko.
Sinarado ko na ang pinto pag kaalis ng matanda. Napahagod nalang ako sa aking mukha dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Siguro ay aalis nanaman ako para mag hanap ng trabaho. Sapat na sakin kahit karwndirya lang .
Hayyyy makapag kwento na ko ng problema ko sa buhay pero di pako nakakapag pakilala.
Ako si Mariz Salvador. 17 years old. Bata pako wala akong magagawa dahil sa mura kong edad eh kaylangan ko ng makipag sagupaan sa pag tatrabaho. Nabuhay ako na kasama ang aking ina. Sa labing pitong taon nayon nakasama ang aking nanay ayy nasanay ako na naasa sa kanya. Sa kasamaang palad namatay ang aking ina dahil sa sakit na cancer. Di namen agad naagapan dahil mahirap lang kame na ang nanay ko ay nagta-trabaho lamang ng kung ano ano sa kung saan saan. Itinago ng aking ina ang kanyang sakit dahil kapos kame sa pera. Nalungkot , nalumbay , at di maiwasang mainis sa aking ina. Kung sana ay sinabi nya saken ang kanyamg sakit edi sana mag kasama kame ngayon. Huminto narin ako sa pag aaral kahit tinapos ko ang Grade 11 sa na slot eh TVL (coockery). Ehh okay na ko
Pero wala na nangyare na ehh.
Nag ayos agad ako upang makaalis at mag hanap ng mapapasukan para naman makapag bayad ako sa aking inuupahan . Paubos na ang aking pera na nalikum ko sa abuloy nung libing nang aking ina.Naglalakad ako palabas ng aming lugar papuntang bayan ng trece martires cavite . Habang nag hahanap dumaan muna ko sa 7/11 para bumili ng makakain o maiinun habang nag hahanap. Maganda naman ang lugar ng trece maunlad dahil sa nag lalakihang mga building at karamihan ay mga mall. Habang nag lalakad nainom ako at nag lalakad ayy agad namang may tumakip sa aking mukha.
.
"Aray naman ano ba to?"
Tinangala ko sa mukha ang papel na pangahas na tumakip sa aking mukha. "Ayy kung sinuswerte nganaman ohh 'now hiring' chiken restaurant waitress" di ko napigilan ang sarili ko agad ko naman pinuntahan ang lugar nayon at hinanap ang nasabing lugar.Nabg nakita ko ang restaurant ehh di ko maiwasang mapangiti. Agad kong binuksan ang pinto ng restaurant saka ko lang napansin ang papel na nakalagay sa pinto na nag sasabing "wanted waitress" agad naman ay ginala ko ang aking mata sa loob ng restaurant napansin kong bago ang lahat na kagamitan at walang tao. Hindi kita ang pagiging maganda ng loob kesa sa labas di ko maiwasang mapa "wow"
Agad naman ay nag nag tagpo ang mga mata naming dalawa ng babaeng sa tingin ko ay may ari ng restaurant na to. Tinitigan ko sya ng maiigi mata. Ilong. Mukha. Napakagandang buhok. Kutis . Di ko alam kung tao ba talaga to o dyosa
"Anong kelangan mo" tanong nya saken saka bumalik ang paningin sa kanyang mga kuko na pinag kakaabalahan nya.
"Ahmm... Nakita ko po kase itong flyers nyo sa bayan ng trece na nag hahanap kayo ng waitress. Nako magaling po ako . Sa gawain bahay hugas . Walis . Ayy magaling din po ako mag luto sa katunayan may alam di po ako sa pag luluto nakapag tapos po ako ng coockery" napatingin sya saken "kaso grade 11 po hehe kaya po sana nag babakasakali po ako sana po matangap nyo ko" napayuko nalang talaga ako ng ibalik nya ang kanyang mata sa kanyang mga kuko
"Osige tangap ka na" napataas ako ng aking noo ng marinig ko ang sinabi nya. Natahimik at tila nakalimutan ang dapat kong sabihin "pwede kan ng mag umpisa bukas. 7 ng umaga dapat nandito kana magbubukas ng 10 mag sasarado tayo ng 8pm ang sahod mo ayy dalawang libo sa isang linggo bukas mo na kunin ang uniporme mo mo ikakaltas sa sahod mo 500 pessos may kwarto ang mga trabahante dito na locker at cr naren. Umalis kana bukas kana bumalik sige" saka winagayway ang kamay na pamaarte. Tumalikod ako dahil wala akong masabe at saka nag lakad papuntang pinto.
YOU ARE READING
A Place In Time
FantasyMariz Salvador Babaeng simpleng buhay ang hangad . trabaho , pagkain , pera kagaya lang din ng hanap ng mga normal na tao. Pero paano kung may dumagdag pa ? HAHA SUNDAN NYO NA LANG ANG ISTORYA NYA . HAPPY READING..