Haband naglalakad ako patungong pinto ay nag salita sya at di ko maiwasang mataranta
"Wala ka bang balak at di mo mabigay sakin ang biodata mo" agad ako napakurat at saka mabilis na himarap saka ibinigay ang biodata ko.
"P-pasensya na po kayo maraming salamat po mag tatrabho po ko ng mabute at aayusin ko po ang trabaho di po kayo mapapahiya" magalang na saad ko.
"Sige" tanging tugon nya
Gabe nako nakauwe dahil bumili ako ng pagkain at nais kong mag handa dahil sa aking natangap na trabaho.
Nang nasa harap na ko ng aking pinto ay may narinig akong na unggol .
"Hmmmmm" sinundan ko ang ungol at nag taka ako dahil nagmumula yun sa kusina. Kinuha ko agad ang walis tambo . Nilapag ang dalang pagkain at saka itinaas ang aking kamay na hawak ang walis at kabila naman ay nakahawak sa switch ng ilaw.
Naaaninag ko ang pangahas na tao na nakahiga sa sahig dahil sa liwanag ng buwan.
Agad kong binuksan ang ilaw at pinalo palo ang pangahas na tao.
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay ko? Anong kelangan mo ?" napabalikwas ng bangon ang taong iyon saka ko lang nakita na lalake pala ito.
"Aray a-aray , ano ba maari bang tumigil ka ? A-arayyy" itinigil ko ang pag hahampas at tinitigan ang lalake
Tsaka ko lang nakita ang mukha nya matangos, mapute , sa tingin ko ay matangkad . Agad naman syang tumayo . Agad ko naman napansin ang tila iba nyang damit "tao ba to?" tanong ko sa sarili.
Tinutok ko sa lanya ang walis at sinabing "sino ka? Pano ka nakapasok sa bahay ko? Bat ka nasa kusina ko?"
Aba bat di sinagot ang tanong ko sayang gwapo pa naman ang kaso para syang baliw na iniikot ang mata sa buong kwarto at hindi alam ang nangyayare. Napaayos ako ng aking tayo ng titigan nya ko at tila inuusisa ang mukha ko
"Sino ka? Ano ang nangyare at napunta ako dito? Ano iyang panonoot mo?" nag tataka nyang tanong at nakataas pa ang isang kilay na para bang may problema sa soot ko
"Bastos ka din ehhh bahay ko to . Tapos tatanungen mo ko ng ganyan teka nga saan ka ba nag mula at napunta ka dito?" tanong ko tumitig sya saken at saka napaayos ng tayo . Yung para bang may naalala saka napaayos ng tayo.
"Pasensya na binibini at tila ako ay nagkamali. Ako Si atong" magalang at akala mo ay magalang na aso
"Wala akong pake . Umalis ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong tumawag ako ng pulis" asik ko
"Pulis? Maari ko bang malaman at ano ang pulis ?" takang taka nyang tanong teka tao ba to ? Ang soot nya ?ay parang sinaunang kalasag aba mukhang may audition ata ti at parang naligaw dito sa akong bahay.
"Ahhh kuya pasensya na ha pero di po dito ang studio ng abs-cbn o gma walang audition dito kaya kung maaari ay umalis ka na." naasar kong sagot sa walang jwenta nyang tanong.
Tumitig sya sakin yung tipong nakakalunod goshh di ko alam na gento pala epekto nya grabe . Bigla bigla nalang kumabog ang puso ko napa iwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Kung maari lamang ay dito muna ko tumira? Mga ilang araw lamang bininbini" napalingon nanaman ako sa kanya. Yung titig nanaman nyang yun
"Ano? Di pe-pwede bawal lalake dito . 'At baka may king ano pang mangyare'" sabay tulak ko sa kanya papuntang pinto .
Nang nasa labas na sya may sasabihin pa dapat sya "Binibin-" ay pinag saraduhan ko na agad sya. Ng masarado ko ang pinto ay napasandal na lamang ako at napa buntung hininga
"Grabeng katawan naman yun ang tigas at ang bigat" napatitig ako sa mga kamay ko di ko alam kung ano ang nararamdaman ko
Agad akong nag ayos ng damit pantulog at inihanda ang pag kain na ibinili ko. Di ko malaman ang mararamdaman ko saya dahil sa trabahong nakita ko. Hay grabe salamat sa dyos at may trabaho na haha.
Nilabhan ko ang damit na sinoot ko at isinampay sa bintana . Saka ko lang nalaman na naulan pala sa labas at mahangin. Napatingin naman ako sa pinto sa nilabasan ng kuyang di ko alam kung tao ba.
Napansin ko nalang na binuksan ko na pala ang pintuan. Nagulat ako ng nakita ko ang istrangherong lalake na nakatayo at nakatitig sa akin na parang nantutunaw ka sa sobrang seryoso nya tumingin.
Basang basa na sya sa ulan at parang ang tibay naman ata ng resistensya nito . Kung makatayo kase ay kala mo di nilalamig at parang pag mamayari nya ang buong tondo . Ang tindig nyang kala mo ay hari o prinsepe aba Grabe sya. Naawa ako at parang may humaplos sa puso ko at nag sabing papasukin mo na
"Maari bang mag palipas ng gabi?" sabi nya agad ko namang niluwagan ang pinto at saka sya pinapasok
Kumuha agad ako ng twalya at sinabing "hubarin mo ang damit , costume o kung anong tawag dyan sa sinosoot mo at mag punas ka" lumaki bahagya ang kanyang magagandang mata . Tinalikuran ko agad sya at nag hanap sa damitan ko ng pe-pwede nyang masoot .
Tanging maliliit ng damit lang ang nandito athalos walang sa tingin ko ay mag kakasya sa kaya . Hello wala naman akong kapatid na lalake o kahit na ta- basta. Wag nalang sya mag reklamo dito s ibibigay ko.
Humarap ulit ako sa kaya at napangaga ako sa nakita ko. "Mama kukunin mo na agad ako dito at nag padala ka na ng susundo saken" ang gwapo nya ay mali para syang anghel na bumaba sa lupa ang ganda ng pangagatawan na akala eh kamay ng dyos ang humulma grabe "ayoko pa sumunod sayo ma" .
Itutuloy.....
YOU ARE READING
A Place In Time
FantasyMariz Salvador Babaeng simpleng buhay ang hangad . trabaho , pagkain , pera kagaya lang din ng hanap ng mga normal na tao. Pero paano kung may dumagdag pa ? HAHA SUNDAN NYO NA LANG ANG ISTORYA NYA . HAPPY READING..