Start na ng pasok next week. Inaayos ko yung mga gamit ko dito sa apartment na bagong tutuluyan ko. Walking distance lang kasi siya sa school. Medyo may kalakihan nga lang siya eh samantalang iisa lang naman akong titira dito pero kasi, nagustuhan ko talaga yung rooftop! Kitang-kita yung buong syudad.
Huli kong inayos yung mga dala kong picture nila Mama at Papa. Bata palang ako namatay na si Papa. Si Mama naman nasa abroad. Ilang years din akong tumira sa bahay nila Auntie at nung nagka isip na, tsaka pako bumukod kasi parang nagiging pabigat lang ako sa kanila.
Gabi na nang matapos ako sa pag-aayos. Grabe! Ang sakit-sakit ng katawan ko!
Pumunta ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Kumuha ako ng baso tsaka binuksan ang ref pero laking gulat ko nang makita ang nasa loob.
0________0 !!?
Agad kong nabitawan ang basong hawak ko nang makita ang taong nasa loob ng ref ko. OO MGA BES! TAO! AS IN P-E-R-S-O-N!
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Unti-unti siyang lumabas habang ako naman ay unti-unting umaatras.
ANONG GINAGAWA NITO DITO? MAGNANAKAW? KIDNAPPER? RAPIST? PERO TEKAAA, MASYADO NAMAN YATA ITONG GWAPO PARA MAGING KRIMINAL? AY GAGA KA SASHA YAN PA TALAGA PINAG IISIP MO.
"H-huw--ag k--ka-ng l--ala--pit!"
Nasapo ko nalang ang noo ko nang wala sa bulsa ko yung phone ko! Nilapag ko yun kanina sa kama habang nag-aayos ng mga gamit! Paano ako hihingi ng tulong nito sa mga pulis?
Pinagbabato ko sa kanya lahat ng mahawakan kong plato, kutsara, tinidor at kung ano ano pa pero mukhang hindi naman siya nasasaktan mga bes! Wa effect! Manhid masyado. Huhuhu katapusan ko na baaaa? MARAMI PAKONG PANGARAP SA BUHAAAAY GWAPONG KRIMINAL!!
Huling kong nadampot yung kutsilyo at tinutok sa kanya. Kailangan kong lumaban. Wala akong ibang maaasahan ngayon kundi ang sarili ko at ang tahimik na pagpanalangin sa Diyos!
Patuloy lang siya sa paglapit sakin hanggang sa wala nakong maaatrasan.
"H--huwag k--ka s--sab--ing lala--pit e-eh."
Malapit na malapit na siya sakin. Nakatutok sa kanya yung kutsilyo at ngayo'y nakadikit na ito sa kanyang dibdib ngunit laking gulat ko nang hindi tumalab sa kanya ang kutsilyo at sa halip, nabali ito na parang lapis lamang.
Nanginginig ko siyang tinignan at pinipilit na iproseso sa aking utak ang lahat ng nangyayari!
Tinitigan ko yung nabaling kutsilyo.
"A---n-ong.... P---p-aano... m--mo... y-- yu--ng ku--kut--silyo."
Wala sa sarili ko siyang tinignan habang unti-unting inilapit ang mukha niya sakin at idinikit ang noo niya sa noo ko, na huling nakita ko bago ako mawalan ng malay.