1

14 2 0
                                    

"Hmmm.." Nilalamig kong niyakap yung sarili ko habang kinakapa kung nasaan ang kumot ko. Grabe, ang weird ng panaginip ko kagabi. Hindi ko talaga maintindihan.

Hmmm, masyado naman yatang masakit yung leeg at likod ko. Ano bang pinag gagawa ko kahapon?

Masyado na ring malamig kaya bumangon nako kahit inaantok pa ako. Kinusot-kusot ko muna yung mata ko tsaka nag stretch na rin ng kamay bago tuluyang dumilat.

0______0

Kinusot-kusot ko ulit yung mga mata ko.

0________0

Anong ginagawa ko dito sa kusina? Anong nangyari at ganito ka sobrang kalat na mukhang dinaanan ng bagyo?

Pinasadahan ko ng tingin ang kusina hanggang sa madapo ang tingin ko doon sa lalaking naka-upo sa nakabukas na ref.

Bahagya akong napa atras hanggang sa unti-unting inalala ang lahat.

OMG? 0___0  HINDI 'YUN PANAGINIP?

Nakatingin lang siya sakin na parang sinusuri ako ng maiigi.

Sino ba talaga siya? Mukhang hindi naman 'to magnanakaw dahil kung magnanakaw pa to edi wala nato ngayon sa harapan ko. Chineck ko din ng maigi yung damit ko tsaka sarili ko kaya malabo rin na rapist to. Tinaas ko ng bahagya yung t-shirt ko tsaka kinapa-kapa kung nandoon pa ba yung bituka, atay, baga, at mga lamang loob ko. Luckily, wala namang kulang.

Ano naman kayang ginagawa nito dito? At ref ko pa ang pinagdidiskitahan. Hindi kaya masira yan. Jusko kabibili ko palang niyan galing sa ipon ko eh!

"A--ano..." Anubayan. Nakakailang.

"U--uuh... A--ano n--nga p--palang pa-- ngalan mo?"

Nakatingin lang siya sakin. Akala ko hindi niya ko sasagutin kaya laking gulat ko nalang nang magsalita siya.

"V.."

"V? Ahhh V nag sisimula yung pangalan mo? like Von, Victor, Van?"

"Hindi, V. Yun lang."

Huh? V? Anong klaseng pangalan naman yan at masyadong tinipid ng magulang.

"Uhhh... B--Ba't ka nga pala nandito? Umuupa ka ba dati dito? Sorry nga pala sa nangyari kagabi ha. Ako nga pala yung bagong umuupa nito ngayon. Akala ko naman kasi masamang tao ka eh."

Bigla kong naalala yung hindi siya tinablan ng kutsilyo kagabi tsaka nabali ito ng dahil sa kanya.

"Oo nga pala. Paano mo yun nagawa? Yung hindi ka tinablan ng kutsilyo kagabi. Grabe ang amazing nun ha! Akala ko sa TV ko lang yun napapanood eh! May anting-anting ka siguro no? Grabe ang astig nun ha!"

"Wala akong anting-anting." Tipid na sagot niya.

"Wala? Ahhh magician ka? Oy grabe ka paniwalang-paniwala ako dun ha!"

"Hindi din ako magician."

"Huh? Eh ano ka pala?"

Napahinto siya saglit na parang nag-dadalawang isip sa sasabihin niya. Tinitigan niya ko ng maiigi.

"Isa akong alien." Seryosong sabi niya.

"Pffft hahahahahaha." Humagalpak agad ako ng tawa. Nagloloko ba 'to? Infairness havey ha! Akala ko naman kung ano na dahil seryosong-seryosong yung mukha niya.

"Hahahahaha alien ka? Katulad ni Kokey? Ganern? hahaha" Naiiyak na talaga ko sa kakatawa.

Hindi pa sana ko titigil kakatawa kung hindi ko pa napansin na seryoso pa rin yung mukha niya katulad kanina na parang walang nakakatawa sa sinabi niya.

"Hahahahaha uhh, nagbibiro ka lang diba?"

Umiling siya. "Hindi."

"Saan ka ba nang galing?"

'Ano bang alien pinagsasasabi nito? Hindi kaya baliw 'tong tao nato? Huwag naman sana. Sayang eh.'

Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa ref at tinuro ang langit sa bintana ng kusina.

"Hindi ako nag-sisinungaling. At lalong-lalong hindi ako magiging sayang dahil hindi ako baliw."

OMG! HINDI KO NA TALAGA KERI ITEY! HOW ON EARTH CAN HE READ MY MIND??! Hindi ko naman yata nasabi sa kanya 'yun dibaaaa? Sa isip ko lang 'yun eh!

Okay ito na talaga. Mukhang alam ko na kung ano siya. Mahirap man paniwalaan pero mukhang nasa dalawa lang siya.

'ISANG ANGHEL NA MULA SA LANGIT O ISANG MESA DEMONYONG PINADALA DITO SA LUPA!

AY WAAAIT, MASYADO NAMAN YATA SIYANG GWAPO PARA MAGING DEMONYO? SO ANGHEL NGA SIGURO SIYA? TINURO NIYA YUNG LANGIT KANINA DIBA? AHHH EWAN. MAPANLINLANG DIN 'YANG MGA DEMONYO EH.'

Napakamot siya sa kanyang ulo na mukhang frustrated masyado. Wow, akala ko poker face lang forever yung mukha niya.

"I'm not an angel nor a demon. Hindi din ako rapist, magnanakaw, kidnapper, magician, oh kahit ano pa yan. Alien ako, okay? ALIEN."

I'm Dating this AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon