Nakakunot noo ko siyang tinititigan ngayon. Totoo ba 'to? Alien ba talaga siya? May mga ganun ba talaga? Eh bakit masyado siyang malayo sa mga pictures na nakikita kong mga alien. Mukhang tao nga lang siya eh.
'Well sabagay, kakaiba rin kasi yung itsura niya. Parang yung word na 'Kagwapuhan' eh hindi pa sapat para i describe sa kanya. Ganyan ba lahat ng mga alien? Eh kung totoo ngang alien siya, ano namang ginagawa niya dito sa apartment ko?'
Nakaupo kami dito sa sala. Nakapalumbaba siya habang sinusuri ang kabuuan ng apartment.
"Tapos kana?" Bigla siyang nagsalita. Lumingon siya sakin using his usual blank expression.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.
"Sabi ko, tapos mo na ba 'kong titigan?"
Agad naman akong umayos ng upo. Omg. Kanina pa ba ko nakakatitig sa kanya? Sinusuri ko lang naman siya ng maigi eh. Tsaka oo na, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka gwapo.
"Uuuuh, alien ka ba talaga?" Ang dami-daming tanong na tumatakbo sa isip ko at jusko baka mabaliw nako nito.
Tumango lang siya.
"Okay, sabihin nga nating totoong alien ka, eh bakit nagtatagalog ka? Filipino din ba yung language niyong mga alien?"
Umiling siya bago sumagot. "The moment na nagdikit yung noo natin kagabi, doon ko lang din nalaman yung pananalita niyo."
"So you mean, kung ano yung mga languages na alam ko, alam mo na din agad 'yun?"
Tumango siya ng isang beses. "Yes, including your mind."
"Edi malalaman mo rin yung ibang language na gamit ng ibang tao kapag dinikit mo rin yung noo mo sa noo nila?"
Isang tango lang din ang sagot niya.
Omg! Super amazing ng powers niya ha. Ang tagal ko na kayang gustong matutong mag-Korean.
"Eh 'san nakapark yung UFO mo?"
Kasi diba nakasakay sa UFO yung mga alien kapag pumapasyal dito sa Earth. Ganyan yung mga nakikita ko sa TV eh. Nasaan naman kaya yung kanya?
"Talaga bang naniniwala kang nakasakay sa UFO ang mga alien?"
"So, wala kayong ganun?" Aba malay ko. Sa yun yung pagkaka-alam ko eh.
"We don't need that thing. We can go in different places we want in just a snap. Masyadong malawak at malaro ang isip niyong mga tao. And sadly, ang pangit ng alien na ginawa ng isip niyo."
'Oo nga naman, nasaan nga naman ang hustisya nilang mga alien. Ang pagkaka-alam yata ng lahat ng tao sa kanila eh mga pandak, may antenna sa ulo, malalaki ang mata, at kulang-kulang ang mga daliri. Jusko ginawa silang impakto. Masyadong malayo sa totoong alien.'
"I can hear it."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag mo ngang basahin yung isip ko! Kanina ka pa ah."Kumalam agad yung tiyan ko. Naku, hindi pa pala ko nakakakain simula kagabi.
Tumayo nako para maghanda ng pagkain. Kumakain din kaya silang mga alien? Ano namang kinakain nila? Alokin ko din kaya siyang kumain?
"Uuuh, kakain muna ko."
Ay ba't pa ba ko nagpapa-alam? Sabagay ang rude ko naman kung basta-basta lang akong aalis diba. Oh Sasha akala ko ba aalokin mo? Ay ewan bahala na nga siya.Agad nakong umalis at pumunta sa kusina.