BECAUSE OF ME

114 7 0
                                    

Bumaba ako at pumunta sa kwarto ni Faith para magpaalam pero pinaghintay pa nya ako dahil ipapahatid daw nya ako.

Nagulat nalang ako ng malaman kung si Kumag ang maghahatid saakin.

"sumakay kana"mataray nyang sabi saakin agad naman akong sumakay ng motor kahit first time ko lang sumakay nito.

"kumapit ka"bilin nya saakin

at saka nya ibinigay yung isang helmet.Isinuot ko naman iyon at humawak sa damit nya.

"Anu kaba makukusot ang damit ko nyan!"sabi nya at saka nya hinila kung kamay ko para yumakap sa katawan nya.

"Ganyan ang tamang pagkapit!"dagdag pa nya at saka nya pinaandar yung motor ng pagkabilis bilis.

Lord,
Okay lang po sakin kung si Kumag ang kukunin nyu basta wag lang po ako.

Nagulat ako ng lumiko sya sa isang masikip na kalsada.

"Saan kaba pupunta??"Tanung ko sakanya pero hindi sya sumagot.

Madilim at masikip ang dinaraanan namin eh sino ba naman ang hindi matatakot.

Nagulat nalang ako ng palibutan kami ng sampong motor at bumaba roon ang mga nakablack na lalaki.

"Wala ka ng kawala!!"sabi nung isang lalaki

"Anung nangyayari?"Tanung ko sakanya

"bumaba kana bilis!!"utos nya at dali dali naman akong bumaba at saka tinanggal yung helmet ko ganun rin naman sya at saka nya ako itinago sa likod nya.

"girlfriend mo??"Tanung uli nung lalaki

"hindi!"cold na sabi ni Kumag.

Mula sapagkakahawak saakin ni Kumag ay napabitaw ako ng kunin ako nung dalawang lalaki sa likod ko.

"KYLLE!!!"sigaw ko habang pilit kumakawala sa mga pangit na ito.

Nag-umpisa ng makipaglaban si Kylle roon sa mga lalaki.Wala pa syang galos pero yung mga kalaban nya marami na.

napilayan na nya yung mga kalaban nya tapos pilit nya akong hinila sa dalawang pangit na nakahawak saakin at saka nya iyon sinuntok.

Nang makita ko yung lalaking papalapit saakin na balak akong paluin ng pagkalaki laking kahoy ay agad namanhid ang mga paa ko kaya napaupo ako at napauko.

Nagulat nalang ako ng biglang akong yakapin ni kumag at dahil roon sya yung napalo.

"Kylle?!"Gulat kung sabi

Agad namang tumayo si Kumag at saka binawian yung lalaki ng pagpalo sa likod nya.

Maraming beses nya itong pinalo at halos dumugo na ang mga ito.

Hinila nya ako at saka kami dali daling sumakay sa motor at mabilis nya itong pinaandar.Diko alam na ganito ang mangyayari! parang ang hirap tanggapin na dahil saakin nasaktan si Kumag.

Hinatid nya ako sa bahay at bumaba ako ng motor nya ganun din naman sya.

"Okay ka lang??"Tanung nya saakin.

Napayakap nalang ako sakanya at saka umiyak.

"Sorry Kylle"sabi ko sakanya habang nakayakap parin.

"Bakit??"Natatawa nyang sabi

"Dahil sakin"umiiyak ko paring sabi

"Okay lang ako wag kang mag-alala"sabi nya saakin.

Bumitaw na ako sapag kayakap sakanya at saka sya sumakay ng motor nya at saka umalis.

Di man lang nagpaalam.

Pumasok na ako sa bahay at nag half bat pagkatapos ko sa pagpalit agad na akong humiga sa kama ko para makapagpahinga na.









HOW TO BE YOURS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon