OFFICIAL

121 6 0
                                    

Magkatabi kami natulog ni Kylle ngayon gabi!

Sobrang sarap sa pakiramdam na mahal ako ni Kylle at hindi nya ako papakasalan dahil lang sa isang kasunduan!

Kinabukasan pagkagising na pagkagising ko wala sa tabi ko si Kylle!

"Sabi na nga eh!Lasing lang sya kagabi"sabi ko at saka bumangon sa kama para maligo at nag-ayos narin sa sarili ko.

Pagkalabas ko ng kwarto dumiretyo ako sa kusina at naabutan ko si Kylle na nagluluto!

"Good morning"bati nya saakin at hinahikan ako sa noo.

"G-good morning"medyo nautal kong sabi

"Kain kana"sabi nya saakin at hinilaan pa ako ng upuan at saka rin sya umupo.

"Nagpaalam na ako kay mommy na sa bahay nalang tayo tumira at pumayag sya"tuwang tuwa nyang sabi na ngayon ko lang nakita ang mga ngiti nyang iyon.

"ah!?...G-anun ba??Ang saya"nauutal kung sabi

Kumain na kami at pagkatapos naming kumain umalis na kami pero nakakapagtaka kung bakit hindi na sya nauuna maglakad tumatapat na sya saakin.

Pagkasakay namin ng kotse pinagbuksan pa nya ako at sumakay narin sya at saka nya pinaandar.

"Sabay tayong mag break time mamaya ha!"sabi nya saakin at saka sya ngumiti.

"Oo naman"tuwang tuwa kung sabi

Pagkarating namin ng school may mga babaeng nakaabang roon sa parking lot ng campus.

Inakbayan naman ako ni Kylle at sinabayan sapaglalakad.

HOW TO BE YOURS?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon