Mavielle's POV
"Oy, Mavielle," Sabay pindot sa pisngi ko, tae, natutulog yung tao eh!
"What do you want, Kim?" I asked Kimberly for the ninth time, letse kanina niya pa ako tinatawag, pag tinatanong ko kung bakit, tatawagin ulit ako.
"Mavieeeeelle," Sabay kalbit sakin ni Kim. Jusko! Bakit napakakulit neto!
"What the hell, Kim?!" Inis na saad ko sakanya, pagkaharap ko ay itinapat sakin ni Kim ang IPhone niya, ipinlay ang isang video.
"Hahahaha! This is what you get from meddling with us!" Sabi nung nagvivideo, vinivideohan Neto ang isang lalaking naka salamin, naka-T shirt eto, at nakapantalon na itim, nakatungo lamang ito.
Pero kilalang-kilala ko 'to, "Hindi pepwede 'to! Kailan yan kinuhanan?! At saan?!" Nanangangalaiti kong sabi habang nagtitimpi.
"Naglalive sila sa Facebook ngayon, Mav," At itinuro Neto ang nakasulat sa taas, 'At gymnasium with nerdy'. NERDY?!
Bigla akong tumayo mula sa pagkakaupo sa cafeteria benches at lumabas ng cafeteria, peste! Di ako papayag na ganyan ganyanin yang lalaking yan!
Hinanap ko ang gymnasium, at dahil naka-lock ang pinto pero may mga tao sa loob ay sinuntok suntok ko ang pintuan, nasira agad ito, sinipa ko 'to para tuluyang makapasok.
"Hahahaha! You deserved that!" Narinig Kong sabi ng isang lalaki, at sumunod ang sama-samang tawanan.
Di naman ako nahirapang hanapin agad sila dahil nandyan lang sila mismo sa gitna, hawak hawak ng isang lalaki ang lalaking binubully nila, habang ang isa naman ay nagvivideo, may tatlong lalaki naman ang bumubugbog Kay Xavier.
Oo, si Xavier ang binubully nilang nerd, don't get me wrong, Hindi siya yung typical na nerd na marami ng freckles sa mukha, tapos makapal na salamin ang nakalagay sa mukha niya, ako ang nag-utos na magpaka nerd muna siya dahil sa may nagtatangka sa buhay ng pamilya ko, MARAMI, Pero kayang kaya ko sila protektahan.
"STOP!" Sigaw ko, oh no, you don't. You don't mess with the Faxxe Family, assholes.
"Ever heard of Hard Chains, boys?" Malamig na tanong ko sa mga lalaking kaharap ko. Hindi ako nagpakita ng emosyon.
Marahang tumango ang mga lalaki, nagkatinginan pa sila pagkatapos tumango ang bawat isa, "Hard Chains is a famous gang group, idiots, the leader of this gang is Gold, and were followed by Silver, Steel, Igneous, Sedimen, and Morphen." Pagpapatuloy ko rito, Nakarehistro sa kanilang pangit at kalait-lait na pagmumukha ang nagtataka, syempre, ikaw ba naman? Mambully ka sa Gymnasium tapos may papasok nanbabae para bigyan ka ng lecture ng isang kilala ng grupo, "You wanna see them, boys?" Tanong ko, at namutla ang mga 'to. Habang ang isa naman na nagvivideo ay di nagpakita ng takot, at humikab pa.
BINABASA MO ANG
This Is What We Call Mafia
Action"Miss, sama ka na samin oh," sabi ng isang lalaki na may mga kasamahan pa. "Oo nga, miss, tsaka di ka na makakatanggi." "And why is that?" Taas-kilay na sabi ng babae. "Kasali kami sa isang mafia! Ikamamatay mo lang kung lalaban ka!" Sigaw ng isang...