Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

Nakakapagod!

Kanina pa ako palakad-lakad at paikot-ikot dito. Ang init init pa. Pawis na pawis na din ako pero dahil sa wala akong panyo at nakalimutan kong magdala, kamay ang ginagamit kong pamunas. Yea right, ang dungis ko na pero wala akong magagawa.

Napaupo na lang ako sa isang bench dito sa park na kung nasaan ako para makapagpahinga. Uminom ako sa bottled water na hawak hawak ko.

Tanghali na pero hindi pa ako kumakain. Buti na lang at hindi pa ako nagugutom, mamaya na lang ako kakain.

I need to find a job first. Kanina pa ako naghahanap but then wala pa akong nahahanap. I'm just 17 years old and it's really difficult to find a job when you're too young. Though, may mga naghahire din ng mga ganung edad. But for me, sanay na ako sa ganito.

Ilang trabaho na din ang napasukan ko but because of my situation right now, I need to find another job na malapit sa school ko ngayon and sa lilipatan kong apartment.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. May mga nagpipinic dito at may mga batang naglalaro din. Vendors are also here, yung mga nagtitinda ng cotton candy, ice cream balloons and etc. Maraming tao kaya i think sikat itong park. Pero sa pwesto ko ay hindi masyadong matao and i like it.

Napatingin ako sa mga batang naglalaro. Naghahabulan sila at tawa ng tawa. How I wish na sana bata pa ako, walang prinoproblema at ang alam lang gawin ay maglaro at maging pasaway. How I miss those days na nakakapaglaro ako na may malaking ngit sa labi.

But life must go on, those days na naging masaya ako nung bata ay magiging memory para sa akin.

Nagulat ako nang nadapa yung batang babae dahil sa kakatakbo. Nakita kong umiiyak na ito at lumapit naman sa kanya ang mga kalaro niya.

Tatayo na sana ako para tulungan yung bata pero biglang dumating ang isang lalaki at siya ang tumulong dito. Umupo na lang ulit ako. Dahil nga sa kalayuan ng pwesto ko sa kanila hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

*ARRRF ARRRF ARRRF!*

Naestatwa ako sa pwesto ko dahil sa nadinig ko. B-bakit meron yan dito?! I don't know what to do! Kung sino man ang may-ari ng asong yan, I swear na mapapatay ko siya! TAKOT AKO SA ASO!!

Naitaas ko na ang paa ko sa bench at tumayo ako dito. Nanginginig na din ako sa takot.

Tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung nasaan ang aso. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"KYAAAAAAHHHH!!!!"

*ARRRF ARRFFFF ARRFFFF!*

WHAT THE HELL!! PAPALAPIT NA YUNG ASOOO SA AKIIIIIN! KAILANGAN MAY GAWIN AKO WAAAAAH! PAPUNTA NA IYON SA AKIN! WAAAAHH HUHUHU

Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin kaya napatingin ako sa punong nasa malapit lang sa akin. Right! Kailangan kong umakyat sa puno!

Kumaripas ako ng takbo at umakyat ako sa puno. Dahil sa takot ay nakaakyat agad ako at nabitawan ko din yung hawak kong bottled water. Hindi ko din alam kung bakit hinahabol ako ng asong ito.

*ARRRF ARRFFFF ARRFFFF!*

"Waaaaaahh! Hey! Shooo! Mamaaaaaa!!!!! Lumayo kang aso ka!" Sigaw ko sa asong nasa baba at hdidjjsiehd ako talaga ang target nitong aso.

*ARRRF ARRFFFF ARRFFFF!*

"Help! Ayaw ko pong makagat! Huhu! Shooo!" Sigaw ko pero dahil hindi matao sa lugar na kung nasaan ako ay walang nakakadinig.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Alam kong iisipin niyong arang aso lang ay takot na ako pero NAKAKATAKOT KAYA! Hindi ko pa naranasaang makagat ng aso at wala akong balak magpakagat!

Met You For A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon