Sweet Boyfriend

3 0 0
                                    

'Happy 6 Years Anniversary Maam Ko!'

'Yun na yon? Wala man lang I love you, take care, o kahit muah muah tsup tsup?'
Disappointed na pahayag ni Maricar, ang aking bff.
Well, hindi ko naman sya masisisi. I had the same reaction 5 years ago, when my very sweet(insert sarcasm) boyfriend greeted me during our 1st monthsary.

Maam ko, naka 1 month na pala tayo. Happy Monthsary.
All smile na sabi ni Jake. Naglalakad kami ngayon sa ground ng University na aming pinapasukan.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. Hinarap ko sya at excited na ngumiti habang hinihintay na ibigay nya sakin ang kanyang monthsary gift.

Bakit ko nalaman na may gift sya sakin? Of course, this is our very first monthsary, kaya imposibleng wala.

Pero ilang metro na ang layo nya sakin, wala parin syang inabot na kahit anong regalo o kahit sulat man lang.

Ano na, may hinihintay ka ba? Sige, una na ako ah? May pasok ako. Maya nalang ulit.

Ampu*ik.. at talagang iniwan ako ng bakulaw na yon.

Natatawa kong hinablot ang cellphone ko galing sa disappointed kong bff. Panu ba naman kasi, nakipag agawan pa sya sakin kanina para mabasa ang anniversary greetings ng boyfriend ko. At eto ang napala nya. Haha.

Yan kasi, masyado kang assuming. Sinabi ko naman sayo. Hindi lahat ng boyfriend kasing sweet ng sayo.

Haler! FYI, ang sweetness ng boyfriend ko ang natural. Based on my experiences, kahit monthsary nga may mga pakulo ng nalalaman ang mga ex ko.. Lalo na siguro kung umabot kami ng anniversary. Confident na sabi nitong mahadera kong kaibigan. Panu ba naman kasi, pang apat na bf nya na ang boyfriend nya ngayon at ni isa, wala pang umabot ng anniversary. Haha.

Ayun, based on your experiences pala. Kaya ba walang umaabot ng anniversary sayo kasi nagbibreak kayo ng sobrang sweet ng mga ex mo? Wahaha. Sinabayan ko pa talaga ng pambruhang tawa ang pang-aasar ko sa pikon kong kaibigan.

Hmp! Ewan ko sayo. Magsama kayo ng boyfriend mong mas malamig pa sa yelo. 'Happy 6 yrs Maam ko' ang sweeeeeeeetttttt! Hahahaha. At nagmamadali ng bumalik sa table nya ang bruha.

Ganito kami mag asaran ng bestfriend ko. Well, aaminin ko minsan, parang gusto ko na rin maniwala sa kanya na baka nga hindi talaga ako ganun ka importante sa boyfriend ko, pero sa kabilang banda, magtatagal ba kami ng 6 na taon kung talagang wala akong halaga sa kanya?

Haay, tama na nga ang pag-iisip ng mga walang kwentang bagay Amara. Ini-stress mo lang ang sarili mo. Well, Jake may not be the typical sweet boyfriend but somehow, he knows kung paano ako pakiligin... in his own ways.

Happy 6 years Sir ko! I love you! MESSAGE SENT.

Napakurap ako ng agad syang nagreply sa text ko. Well, sanay na kasi akong late sya lagi magreply. Because he's always busy. Very hardworking. Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi bihira na ang lalaking kasing hardworking at dedicated nya but sometimes, I also wish na mas marami syang oras para sakin. Pakiramdam ko kasi, mas priority nya ang trabaho kaysa sakin.

I KNOW.

Napangiti ako ng nabasa ko ang reply nya. Buti nalang at umalis na si Maricar, kung nagkataon sangkaterbang kantyaw na naman ang aabutin ko nito.

Falling out of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon