Lupa kainin mo na ako.
Taimtim kong panalangin habang naglalakad pauwi ng dorm. Nakabuntot parin sakin ang kumag na may suot ng nakakapangilabot na banner kaya't naaagaw ang pansin ng bawat estudyanteng nadadaanan namin.
Ang sweet naman.
Swerte naman ni girl.
Kuya akin ka nalang.
Pag available ka na, nandito lang ako ah!
You're the man, pare!
Woohh! Idol talaga kita Jake!
Swerte mo Amara!
Binalewala ko lahat ng tingin, parinig at sigaw ng mga nadadaanan namin.
As if I care!
Kung sila, kinikilig sa kalokohan ng lalaking ito, ako naman, nanginginig sa inis!
Grrrrr! Sayang lang ang energy ko kung papatulan ko 'to!
Dahil sa dami ng taong nakatambay sa corridor pauwi ng dorm, napagpasyahan kong sa field nalang dumaan. Total konti lang naman ang naglalaro at mukhang hindi naman ako makakaabala kaysa naman makaagaw pansin na naman 'tong baliw na nakasunod sakin.
Saktong nasa kalagitnaan ng field ng narinig ko syang nagsalita.
Oh Amara ng buhay ko,
Ako'y iyong lingunin.Natigilan ako sa paghakbang dahil sa tono ng pagkakabigkas nya ng mga salita.
Sana'y bigyan ng konting pansin
Nilalaman nitong aking damdamin.Shocks! Tama ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nananaginip?
Hindi ko ninanais na ika'y inisin
Nais ko lamang na iyong mabatid,
Na ikaw ay mahalaga sa akin.Parang gusto kong maiyak. Tinutulaan nya ba ako? Anong ibig sabihin nito? Gusto kong humakbang palayo subalit tinatraydor ako ng aking mga paa. Imbes na humakbang palayo, namalayan ko nalang na unti-unti akong umiikot para maharap sya. Ang lalaking nagpapagulo ng husto sa tahimik kong puso, at tahimik kong buhay.
Hindi ko hinihingi ang buong oras mo,
Sa konting panahon mo lamang ay masaya na ako.
Nais ko'y ialay mga bulaklak na dala ko,
Simbolo ng pagtangi ko saiyo.At tuluyan na akong napaiyak ng makita ko ang kumpol ng mga bulaklak ng marigold na dala dala nya. Marahil ay pinitas nya ito sa Department of Arts & Sciences kanina habang nasa Chemistry class ako ngunit hindi ko agad napansin dahil sa kabaliwan na ginawa nya.
At unti- unting bumalik sakin ang mga signs..
Ang pag simba nya ng nakapula...
Ang pagkanta nya saakin...
Itong tulang gawa gawa nya para mapaamo ako..
Ang mga bulaklak ng marigold na pinitas nya para sakin...
At higit sa lahat, ngayon ay araw ng Huwebes, saktong isang linggo mula ng hingin ko kay Lord ang mga signs tungkol sa lalaking nakalaan saakin.
Unti-unti akong napangiti kahit basang basa ang mukha ko ng luha.
Kahit nagugulohan sa reaksyon ko, agad napatayo ng tuwid si Jake ng makita ang ngiti ko.
You're smiling?
At hindi ko na napigilan, napatawa na ako ng tuluyan. Biruin mo nga naman, pinahirapan ko ng sobra ang 3 signs at binigyan ko lang sya ng isang linggo, heto at nagawa nya parin lahat ng hiningi ko.
Then, it just happened..
I felt his soft lips on mine.
It was only a smack kiss for a very few seconds, but it's my first. It was very special and unforgettable.
We're official now. I will call you Maam ko, and I'll be your Sir. I'll marry you after 7 years. By then, 25 kana and you'll be mature enough to become the mother of our future siblings.
What's wrong?
Hilaw akong napangiti sa tanong ni Jake na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
Nothing. May naalala lang ako.
What was it?
Malungkot kong tiningnan ang mga mata nya. Gusto kong sabihin na naalala ko yung mga panahon na saakin umiikot ang mundo nya. Yung wala syang pakialam kung maubos man ang oras nya kakasunod sakin. Yung mga panahong ramdam na ramdam kong mahal na mahal nya ako, kahit hindi nya sabihin. Pero hindi ko kaya.
Wala. Yung school days natin.
Ah, those days.
Napangiti rin sya sa sinabi ko. I wonder kung naiisip nya rin kung gaano na kalaki ang pagbabagong nangyari sa relasyon namin noon at ngayon.
Baliw na baliw pa ako sayo nun. Ngayon ikaw na ang baliw na baliw sakin. Hahahaha.
Alam kong gusto nya lang akong patawanin. Pero hindi ko magawang tumawa dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko, sinasaksak ng karayom ang puso ko sa sakit. Tama sya. Baliw na baliw na ako sa kanya ngayon. To the point na nagmumukha na akong tanga kakaantay sa kanya. Nagpapaka martyr ako sa pag intindi sa kanya. At halos magmakaawa sa kakarampot na oras na pwede nyang ibigay sakin.
Hey, nagbibiro lang ako. Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa mood? May sakit ka ba?
Agad dumapo ang palad nya sa noo ko.
Hindi ka naman mainit. Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?
Kinagat ko ang pang ibabang labi at tumango nalang bilang pag sang-ayon.'pakiramdam ko kasi, oras na magsalita ako, mailalabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko.
At yun ang huling gusto kong mangyari. Kasi baka pagsimulan pa ng away. Mahirap na. Long distance relationship pa naman kami dahil sa trabaho. Kaya hanggang maaari, iniiwasan ko na mag-away kami. Iniisip ko nalang, bakit ko sasayangin ang 6 na taon namin para sa mga maliliit na bagay. At isa pa, naniniwala akong siya ay ipinagkaloob ni Lord saakin dahil sa mga signs na hiningi ko noon.
Kaya't konting tiis tiis lang.
After all, he's doing all these things for our future.
Then I should be happy and thankful.
Pero bakit parang hindi yun ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Falling out of love
RomanceHow would you know if the love that you feel will last forever? What if the person you chose to love, you fought to be with, you gave your all has fallen out of love to you? Are you going to set him free for him to be happy or you'll be selfish en...