Sana kumain ka muna bago ka uminom nitong wine. Yan tuloy, wala ka ng gana.
Pinilit kong isubo ang maliit na piraso ng steak na kanina ko pa tinutusok tusok.
Gusto ko sanang sabihin kay Jake na hindi naman wine ang dahilan kung bakit ako walang gana kundi ang pagiging late nya pero hindi ko kaya.
Kumain na kasi ako kanina sa apartment bago ako pumunta rito kaya nag-wine nalang muna ako habang hinihintay ka.
Talaga? O baka naman nagtatampo kalang sakin kasi late ako kaya napaaga ang pag-inom mo ng wine? Hmm?
May himig pagbibiro sa tono ni Jake pero hindi ako nagreact sa sinabi nya. Normally, idedeny ko na nagtatampo ako sa kanya at paninindigan ko ang alibi ko kanina but this time, parang ayaw ko. Gusto kong maramdaman nya na naiinis ako kasi lagi nya akong pinaghihintay.
Ewan ko ba. Ni minsan hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang mga bagay na kinakainisan ko tulad ng lagi syang late sa mga lakad namin, bihira nyang pagtext o pag call, bihira naming pagkikita, at ang pagiging cold nya. Kahit nga ang hindi nya pagsasabi sakin ng 'I love you' hindi ko sya magawang sitahin.
Yes, it's true. 6 years na kami pero ni minsan, kahit sa text hindi nya pa nasasabi sakin ang mga katagang yan. Well, kung itatanong nyo kung panu naging kami? Basta ang naaalala ko, he kissed me that day. Yung smack lang naman. Then he told me na kami na.
7 years ang tanda nya sakin. 3rd year college ako nun, 18 years old at sya naman ay 2nd year sa post-grad.
Nagkakilala kami dahil sa pinsan nya na classmate ko sa isang subject. Madalas tumambay ang klase namin sa bhauz nila ng pinsan nya. Nung una, pakiramdam ko, sa isang kaklase ko sya may gusto. Okay lang sakin yun kasi hindi ko rin naman sya type LOL. Pero kalaunan, napansin kong lagi nya na akong inaasar. Hanggang sa tinutukso na kami ng mga pinsan nya at mga klasmeyts ko.
Hindi ko priority ang pagboboyfriend noon. Pakiramdam ko kasi, sagabal ang boyfriend sa pangarap. Pero mahilig akong humingi ng signs. Kaya nung pakiramdam ko na may gusto na sya sakin, at nagkakagusto narin ako sa kanya, humingi ako ng 3 signs kay Lord. Una, kailangan makasabay ko syang magsimba at magsuot sya ng kulay pula. Syempre dapat malapit kay Lord at pula ang pinili ko dahil simbolo ito ng pag-ibig at hindi ko pa kailanman nakitang naka kulay pulang damit si Jake. Haha. Pangalawa, kailangan gumawa sya ng tula o kanta para sakin. Oh diba? Imposibleng magawa nya yan. Ayaw pa naman nun sa mga ka-kornihan. Haha. At pangatlo, kailangan bigyan nya ako ng bulaklak, sa harap ng maraming tao. At kailangan, matupad nya ang 3 signs sa loob ng isang linggo. Kung hindi, ibig sabihin, hindi sya ang para sakin. Hahaha. Ganyan ako kadesperadang kumbinsihin ang sarili ko na hindi sya ang para sakin. Kaya naman, pinag-isipan ko talagang mabuti ang signs na hiningi ko. Syempre yung hindi basta-basta. Para pag nagawa nya, alam ko talagang sya na ang inilaan ni Lord saakin.
At sa di ko maipaliwanag na dahilan, nagawa nya ang lahat ng yon.
Una, hapon na akong nakabalik sa dorm nung Linggong yun dahil sa lakas ng ulan. Karaniwan akong nagsisimba sa bayan ng alas 4 pero dahil alas 5 na ako nakarating sa dorm ay di ko na maabutan ang misa kaya nagpasya akong sa simbahan malapit sa school nalang magsimba. Malapit ng matapos ang misa ng sinabi ni Father na mag peace be with you sa mga naka paligid samin at Boom! Pagtalikod ko, nakatayo ang nakapulang si Jake na abalang magsabi ng peace be with you sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ikalawa, habang busy akong nagwawattpad sa bhauz nila ng pinsan nya lumapit sya sakin.
Amara, patulong naman oh! Pakicheck kung tama translation ko sa kantang 'to? Practical namin, ipeperform ko mamaya. Sabay alis pagkaabot sakin ng notebook nya.
BINABASA MO ANG
Falling out of love
RomantikHow would you know if the love that you feel will last forever? What if the person you chose to love, you fought to be with, you gave your all has fallen out of love to you? Are you going to set him free for him to be happy or you'll be selfish en...