Good Evening. Table for one Maam? Magalang na bati sakin ng waitress.
Good evening. Table for two. May kasama ako, late lang but he's on his way here.
Okay po, this way Maam.
Maganda ang binigay sakin na pwesto ng waitress pero hindi ko makuhang ngumiti sa kanya. Panu ba naman kasi, late na ako ng 15 minutes sa usapan namin ni Jake, aba't mas late pa pala sakin ang kumag.
Maam, malilate ako. May emergency sa office. I'll be there before 8PM. Wait for me, okay?
Ni hindi man lang nag sorry. Naiinis kong binagsak ang cellphone ko sa mesa. Well, ano pa bang ieexpect ko? Lagi naman ganito. Kaya nga nagpa-late na ako ng 15 minutes kasi alam ko rin namang malilate sya. Malay ko bang aabutin ng isang oras ngayon.
Hindi ko mapigilang umirap dahil sa kabadtripan ko ngayong araw na 'to.
Ghad, kahit naman sana ngayon lang, hindi nya ako pinaghintay. For God's sake, it's our 6th Anniversary and we haven't seen each other for two months now!
Di ko na namalayan na naubos ko na pala ang isang bote ng wine na inorder ko kanina sa sobrang inis ko kay Jake. Luminga linga ako sa paghahanap ng waitress na nag serve sakin kanina para makapag order ulit ng isa pang bote ng biglang may nag abot sakin ng isang baso ng inumin.
Kung gusto mong magpakalasing, ito ang inumin mo. Hindi ka malalasing ng wine na yan.
Nakangiting alok sakin ng lalaki sa aking harapan.
Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Well, he's good looking. Parang laging nakangiti ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang nakangiting labi na nagpapakita sa mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin, katamtaman ang kulay, hindi maputi pero hindi rin maitim, matangkad rin sya at kahit naka t-shirt lang ay sigurado akong maganda ang pangangatawan nya. Higit sa lahat, may dimples sya na parang nang-aakit. Okay, I admit, good looking is an understatement to describe him, cause he's just almost perfect. Almost lang kasi syempre, hindi ko parin ipapatalo ang boyfriend ko.
'So, pumasa ba ako?'
'Excuse me?'
Parang naalimpungatan ako sa sandaling pagkakahimbing dahil sa bigla nyang tanong sakin.Ang sabi ko, kung pumasa ba ako sa standards mo? Hehe. Para kasing sinusuri ako ng malalagkit mong titig sakin kanina. So, ano na, pumasa ba ako? At tinaas taas pa talaga ng kumag ang kilay nya habang walang delekadesang naupo sa harap ko.
Sinabi ko bang almost perfect ang itsura nya kanina? Well, nabawi naman sa ugali. Signal No. 4 ang kayabangan ni Kuya.
'Ehem! Mister....'
'Oh, I'm Rodney Castro. Sorry hindi pala ako nakapagpakilala.' Sabay lahad ng kamay sakin para makipag shake hands.
Tiningnan ko lang ang kamay nya at binalik ko ulit sa mayabang nyang pagmumukha ang nagbabaga kong mga tingin.
Well, Mister Whoever-you-are, UNA: I don't care kung sino ka! PANGALAWA: Hindi kita sinusuri ng tingin, tiningnan lang kita kasi kinausap mo ako at inisip ko kung magkakilala ba tayo. PANGATLO: Hindi ka papasa sa standards ko, dahil sa kayabangan mong sagad sa buto. PANG-APAT: Wala akong planong magpakalasing kaya sayo na tong iniinom mo at PANGLIMA: Gusto kong mapag-isa kaya pwede ba lumipat ka ng ibang mesa!
Hahahahaha. At namilipit sa kakatawa ang kumag. Mas lalo akong nairita habang pinagmamasdan syang walang tigil sa kakatawa dahil sa sinabi kong sa tingin ko naman ay hindi nakakatawa.
At anong nakakatawa sa sinabi ko? Mukha ba akong nagjojoke sayo?
Aba't akala yata ng lalaking ito ay nakikipagbiruan ako sa kanya.
Ehem! Wala naman natutuwa lang ako sayo. Pigil ang tawang sagot sakin ng lalaking bigla nalang sumulpot sa harap ko para dagdagan ang pagkaasar ko sa napaka espesyal na araw na 'to.
Bakit, mukha ba akong clown?
Hahahaha. At ayan na naman ang nakakapikon nyang tawa. Gahd, may sayad ba 'to sa utak?
Thank you for the entertainment, Amara. I had a great night talking to you!
At bigla nalang tumayo ang lalaki at akmang tatalikod na sakin para umalis.
Wait! Gusto ko sana syang pigilan para itanong kung bakit nya ako kilala.
Till next time, my lady. Your boyfriend is here. At mukhang marami kayong dapat pag-usapan.
Napalingon ako sa entrance ng restaurant at saktong papasok na nga si Jake in his usual business attire.
Pag balik ng tingin ko, di ko na mahagilap kung saan nagpunta ang lalaking nanggulo sakin kanina. Sino ba sya? Bakit parang ang dami nyang alam tungkol sakin?
BINABASA MO ANG
Falling out of love
RomanceHow would you know if the love that you feel will last forever? What if the person you chose to love, you fought to be with, you gave your all has fallen out of love to you? Are you going to set him free for him to be happy or you'll be selfish en...