Chapter 2

29 1 0
                                    

Zaixy POV

Nagvibrate ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha mula sa aking bag

1 message received

From:James Zyler
Where are you? I'm already here

Napag-usapan kasi namin na sa Burnham Park kami magkikita and for sure, kanina pa yun nandoon

7:00 AM kasi ang napagkasunduan naming oras pero 8:30 na ay wala parin ako doon dahil nastuck ako sa traffic

To:James Zyler
On the way na!Sorry traffic kasi

Sent!

Sa wakas! Lumuwag narin ang daan dahil wala ng traffic at umandar narin itong jeep

"Kuya!Pakibilisan po!"sigaw ko sa driver dahil nasa bandang dulo ng jeep ako nakaupo

_

"Sorry" hingal na hingal na sabi ko tsaka ko binuksan ang bottledwater na hawak ko at ininom

Tinakbo ko mula Gate hanggang dito sa Playground buti nalang at rubber shoes ang sinuot ko

"Para kang nakipag marathon.Haha at mukha ka pang basang sisiw"

Sinamaan ko siya ng tingin at tawa parin siya ng tawa. Baliw! Pinunasan ko ang aking pawis, pinagpapawisan parin ako kahit na sobrang lamig dito dahil narin sa layo ng tinakbo ko

"Tara na"

Umaliwalas naman agad ang kanyang mukha at halatang excited

"Saan tayo?" Tanong nito

"Dito muna tayo sa Burnham Park, ililibot muna kita dito at sa susunod sa ibang tourist spot naman tayo pupunta"

Feeling ko kasi di pa niya ito nalilibot at di pa niya natatry ang mga activities na pwedeng gawin dito

"Sige! Hindi ko pa ito nalilibot.Hahaha"

See?

At dahil nandito kami ngayon sa playground ay dito muna ang uunahin namin

"Woahhhh"

"Hahahaha"

Kanina pa ako tawa ng tawa dahil may pagkaisip-bata rin pala itong si Zyler

Magslaslide siya tapos kapag bumagsak na siya sa lupa ay agad siyang tatayo tapos tatalon siya habang pumapalakpak

"Yeheyyy"

Mukhang nag-eenjoy siya rito at parang ngayon niya lang naexperience na magslide dahil sa sobrang pagkatuwa niya

"Tara, doon naman tayo"

Tumigil naman ito sa pagsaslide at sumunod saakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya na dahilan upang mapangiti ako

Nagpunta kami sa may swing Umupo siya doon at idinuyan  niya ang kanyang sarili

"Tara" yaya niya saakin

May naisip naman akong masayang gawin sa swing kaya pumunta ako sa isa sa mga swing na malapit kay Zyler

Iniapak ko ang isa kong paa sa upuan ng swing na dahilan upang mapatigil si Zyler at lumapit saakin

"What are you doing?"

Bakas sa mukha  niya ang pagtataka dahil sa ginagawa ko

"Watch and Learn"

Iniapak ko na ang isang paa ko sa swing, flat naman ito kaya safe. Humawak ako sa lubid at inangat ko ang aking sarili hanggang sa mapatayo na ako sa upuan  ng swing

Fall In His TrapWhere stories live. Discover now