Zaixy POV
"Seriously?"
E paano ba naman kasi, tinanong ko siya kung gusto niyang magbike pero sabi niya ayaw niya, yun naman pala hindi niya alam magbike. Pfftt
"Ikaw nalang mag-isa. Panonoorin nalang kita"Umupo siya sa gilid at tumingin sakin
"Turuan kita, gusto mo?"
Hindi ko kasi maeenjoy ang pagbibike ko kapag mat nanonood saakin. Nakakaconcious kaya kapag may nanonood sayo
"Sige!Gusto ko yan"
Pagkasabi niya nun ay maybhawak na agad siyang bike. Hindi naman halatang excited si Zyler diba?
"Wait"
Akmang sasakay na siya sa bike kaya naman pinigilan ko siya
"Oh!Bakit?"
Napansin ko kasi na ang sama ng tingin nung nagpaparenta ng bike sakanya
"Binayaran mo naba yang renta ng bike?"
"Ha? Rerentahan pa ito? Akala ko libre itong hiramin"
Ha? Akala niya libre? Abnormal talaga 'tong Koreanong to'. Masipa nga pabalik sa Korea
Hindi ko maiwasan matawa. Whahaha. Sa panahon ngayon pangarap nalang ang libre. Sabi nga sa kanta libre lang mangarap.Yun nalang ang natatanging libre sa mundo dahil halos lahat ay kailangan mong bayaran o may kapalit
"Keep the change"
Si kuya na nakabusangot kanina ay parang nanalo sa lotto ngayon ang mukha dahil nakatanggap lang naman siya ng isang libo samantalang 50 pesos lang ang renta nitong bike
Ang yaman talaga nito.May "keep the change" pang nalalaman. E ako nga kung kulang nang piso yung sukli ko sa jeep ay nakikipag-away pa ako sa driver para makuha yung pisong kulang
Dahil kung walang piso, hindi mabubuo ang isang milyon ^_^
"Hoy!"
"Ay!Koreanong palaka!"
Nako po! Ginulat ako ni Zyler kaya kung ano-ano tuloy ang nasabi ko.Sana lamunin nako ng lupa ngayon dahil sobrang sama ng tingin ni Zyler sakin
"Palaka pala ha"
Unti unti siyang lumapit saakin at inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Napaatras naman ako pero siya lumalapit parin
"Oy. Eto naman joke lang" Mas lalo pa siyang lumapit saakin. 1 inch nalang at magkikiss na kami "A-anong ginagawa mo?"
"Diba sabi mo palaka ako? Diba sa fairytale hinahalikan ang palaka tapos magiging isang gwapong prince charming"
Napapikit nalang ako at nagaantay na lumapat ang kanyang labi sa labi ko
1 2 3 4 5 seconds wala parin. Pagdilat ko ng mata ko nakita ko si Zyler na medyo malayo na saakin at dala dala ang bike na nirentahan niya habang tawa ng tawa
Okay. Nagassume ako, muntik ng makuha ang first kiss ko at mukhang gusto ko naman kapag si Zyler ang unang hahalik sakin. Hays. Ano ba tong nangyayari sakin?
"Ganito ba?"
"Oo ganyan"
Tinatangon niya ang tamang position sa pagbibike. Pinakita ko sakanya kung paano ang tamang position kaya ngayon ay ginagawa niya ito
"Ipadyak mo. Kailangan mong ibalance ang katawan mo at ang bike para hindi ka matumba"
Mukhang sinunod naman niya ang sinabi ko dahil nakakapagbikr na siya pero mabagal lang. Buti nalang ang bilis niyang matuto
"Woahhhh"
Para siyang nanalo sa lotto. Kung makasigaw wagas hahaha. Kung kanina ay mabagal lang siya ngayon ay bumilis na ito
O_O
Dali-dali akong tumakbo papunta sakanya. Dahil sa sobrang saya at likot niya ay nawalan siya ng balance at natumba
Dumudugo ang kanang tuhod niya dahil yun ang napuruhan nung bumagsak siya at nakahalf pants lang siya
"Don't worry, I'm okay malayo naman ito sa bituka eh. Hahaha" binatukan ko naman siya. Nasugatan na nga tumawa pa
"Eh kung sapakin kaya kita?!"
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang first aid kit na palagi kong dala. Tuwing nagbibike kasi ako may mga batang natutumba at nasusugatan kaya palagi akong nagdadala ng first aid kit para sa mga batang nasusugatan
Ginamot ko na amg sugat niya at nagyaya nanaman siyang magbike. Hindi ako pumayag nung una pero dahil ayos lang naman daw siya ay pinagbigyan ko na.
"Nagugutom na ako"
"Edi kumain ka"
"Wala akong dalang pagkain"
"Bumili ka"Tumayo siya at naglakad palayo. Aba aba! Pagkatapos ko siyang turuang magbike at gamutin ang sugat niya iiwanan niya lang ako?
"San ka pupunta?"
"Bibili. Ginugutom mo kasi ako eh"
"Bakit? Ako ba nagbibigay ng pagkain mo?"
"Bibili lang ako. Wag kang aalis dyan, gutom na talaga ako. Para nakong pulubi na walang makain huhu"Pinanood ko ang mga batang masayang nagbibike. Napalingon naman ako sa gilid at saktong nakita ko si Mang Henry, siya yung nagtitinda ng napakasarap na strawberry taho.
Pagkalapit ko kay Mang Henry. May isang batang babae na bumili ng taho. Ang cute niya!Sana balang araw ganyan kacute ang magiging anak ko
"Mama share tayo" sabi nang bata at inabot ang binili niyang strawberry taho sa kanyang mama. Ang sweet ^_^
"Mang Henry, pabili nga po ng dalawa"
Ipapatikim ko kay Zyler itong strawberry taho para naman maexperience niyang kumain ng mura pero masarap na pagkain dito sa Baguio
"Oh! Ikaw pala iha, talagang paborito mo itong taho na tinda ko ah"
"Syempre naman po. Ang taho niyo kaya ang pinakamasarap na strawberry taho na natikman ko"
"Nambola kapa iha"
Bigla namang dumating si Zyler na may dalang pagkain. Lamon ng lamon itong lalaking to pero bakit hindi siya tumataba?
"Sino yan iha, nobyo mo?"
What? Siya boyfriend ko? Pwede rin haha. Pero malabo. Ayokong umasa na magugustuhan niya ako dahil hindi naman kagusto gusto itong pagmumukha ko
"Si Mang Henry talaga oh! Hindi po. Kaibigan ko lang po siya"
Nginitian naman ako ni Mang Henry, yung nangaasar na ngiti. Nagpasalamat ako kay Mang Henry at nagpaalam ng maibigay niya na ang binili kong taho
"Oh" Inabot ko kay Zyler ang isang strawberry taho na binili ko
"Ano yan?"
"Pagkain"
"Anong klaseng pagkain?"
"Taho"
"Ano yung taho?"
"Hay! Kainin mo nalang ang dami mo pang tanong"Iba talaga kapag mayaman, pati taho hindi alam. Siguro kapag mayaman kami ngayon susubukan ko parin tikman at kumain ng mga hindi mamahaling pagkain. Yung mga street foods ganon.
Halos paubos na ang kinakain kong taho pero si Zyler hindi niya pa nababawasan ang sakanya
"Hindi ka mabubusog kapag titignan mo lang yang pagkain"
"Hindi ba ito marumi? Parang hindi safe kainin eh"
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sarap kaya ng taho. Mura man ito pero safe naman itong kainin
"Kung ayaw mong kainin edi wag! Akin nalang"
Hindi niya binigay ang taho saakin at ang sama ng tingin niya saakin
"Ibibigay mo tapos babawiin mo? Parang hindi safe kainin sabi ko pero wala akong sinabing hindi ko ito kakainin. Curious ako kung anong lasa neto and I want to try something new"
Tinikman niya ito at nagulat nalang ako at natawa ng ubos na agad ito. Food is life talaga ang moto nito^_^
"Ang sarap, bili pa tayo!"
**
Votes and comments ^_^
Follow me: @dyosalal