Zaixy POV
"Nainom mo naba yung gamot mo?"
"Opo ma"
Halos dalawang linggo ko ng tinotour si Zyler dito sa Baguio. Dahil narin siguro sa pagod kaya ako nagkasakit ngayon. Nagpaalam ako kay Zyler na hindi ko muna siya matotour ngayon dahil may sakit ako, naintindihan niya naman at sabi niya magpagaling daw ako
Marami-rami na rin kaming napuntahan ni Zyler. Marami na rin siyang naranasan niya na rin yung mga hindi niya nararanasan dati tulad ng sumakay sa kabayo
Mas lalong lumabas ang pagkaabnormal ni Zyler at minsan para siyang isip bata kaya ang sarap niyang sipain pabalik ng Korea. At dahil selfie lord ang mokong, ang dami naming pictures sa phone niya at hindi niya na'to ineedit para gumanda di gaya nung first picture namin
"Anak may bisita ka" rinig kong sigaw ni mama mula sa labas. Sino naman kaya yun? Wala namang bumibisita sakin. Baka ang papa ko, Imposible.
"Sige po ma, patuluyin niyo nalang ho"
Hinang-hina ako ngayon at halos hindi ko maidilat ang mga mata ko, para tuloy akong inaantok na ewan tuwing pinipilit kong imulat ang mata ko
"Zai"
Kung kanina ay hindi ko maimulat ang mata ko, ngayon ay mulat na mulat na ito, para akong nabuhayan ng dugo sa pagdating ni Zyler
"Bakit nandito ka?"
"Para alagaan ka"
Inilapag niya sa mini table na nasa gilid ng kama ko ang dala niyang isang basket na punong puno ng prutas
"Say ahh"
"Ako na, kaya ko na"
Kasi naman 'tong si Zyler. Pinagslice niya ako ng apple tapos sinusubo niya sakin. Kaya ko naman kumain ng ako lang eh.
"Tch. Gusto kitang alagaan, kaya ako na magsusubo sayo. Now, say ahhh"
Juice colored! Diko na talaga kinakaya ang pagiging sweet ni Zyler
Aaminin ko ma gusto ko na siya, hindi ko alam kung paano nangyari o kung kailan pero..aish! basta diko maintindihan sarili ko
"Very good"
~♡
"Diko yan kaya"
"Aysus. Ikaw pa! Kaya mo yan!"
Nasa harap namin ngayon ang hagdan paakyat papuntang The Mansion
Nagsimula na akong umakyat at nasa gilid ko na pala si Zyler na nakikipagunahan pa sakin. Susunod rin pala eh
"Just...WOW. Ang ganda dito mas lalo na yung mga flowers na inarranged para magmistulang mga letters 'The Mansion'."
"Sabi sayo worth it ang pagod natin"
"Wait. Picture muna tayo"
Selfie Lord amfufu^_^
Pagkagaling namin sa The Mansion ay naghanap agad ako ng malapit na tindahan kung saan pwede kaming magmeryenda
"PABILI PO"
Nakailang sigaw na ako pero hindi parin lumalabas yung tindera para bentahan ako. Bingi ata nagtitinda dito
"PABIL---"
"OH?!"
Nagulat ako ng bigmang sumulpot ang tindera at mukhang galit pa ito. Putspa mukha siyang zombie. Whahaha
"Pabili po ng dalawang softdrinks na maliit paplastic narin po at dalawang biscuit"
"Yun lang naman pala ang bibilhin ang ingay ingay. Parang nakalunok ng megaphone"
"Eh bingi ka eh"
Halos pabulong lang yun kaya for sure hindi niya narinig. Eh yung kanina nga ang lakas na ng sigaw ko pero mukhang hindi parin niya naririnig eh
Inabot ko kay Zyler yung isang softdrink at biscuit. Habang kumakain kami may humintong couple sa tapat namin at mukhang nag-aaway pa sila. At sa tapat pa namin talaga sila mag-aaway?
"Kung makikipagbreak ka sakin maglalaslas ako, kasalanan mo pag namatay ako!" Sabi nung lalaki dun sa babae at mukhang kaya niya talagang magpakamatay kapag iniwan siya ng girlfriend niya
"Mukha mo! magpatule nga di mo magawa, laslas pa kaya!"
Napalingon naman kami ni Zyler sa isa't isa at
"Pffttt. Whahaha"
Sabay kaming natawa at lumingon yung lalaki saamin na mukhang hiyang hiya dahil sa sinabi ng girlfriend niya
So talagang supot pa siya? Seriously?Whahaha
~
"Black!"
"White!"
"Black nalang!"
"Eh gusto ko ng white!"Hay! Ang hirap makipagtalo kay Zyler. Inip na inip na yung tindera dahil hanggang ngayon pinagtatalunan parin namin ni Zyler kung anong kulay ng t-shirt ang bibilhin namin (yung may nakaprint na 'Baguio City')
Sabi ko kasi black nalang ang sakanya at white ang akin pero gusto niya na parehas kami ng t-shirt. Parang couple shirt ganon.
"Gusto niyo po bang gray nalang? Para pinaghalong black and white"
"Okay black nalang"
Pinagbigyan ko na si Zyler kahit white ang gusto ko.Ngiting ngiti naman ang loko. Nako! Kung hindi ko lang talaga siya gusto matagal ko na siyang sinapak
Hindi maipinta ang mukha ko pagdating ko sa bahay
Pano ba naman kasi para kaming makikiburol dahil nakaall black attire kami. Black ripped jeans. Black rubber shoes. Black t-shirt. Para tuloy kaming gangster na ewan. Pinagtitinginan tuloy kami kanina
"Ma, nandito na po ako"
Bakit ang dilim?
"Ma"
Hindi naman pinapatay ni mama ang ilaw tuwing wala pa ako. Weird.
"SURPRISE!"
"Ma, anong meron?"
Sinamaan ako ng tingin ni mama at tsaka lang nagsink in sa utak ko na birthday ko pala ngayon
"Ano ka bang bata ka, birthday mo ngayon. Jusme! Nakalimutan mo?"
"Nawala lang sa isip ko ma. Hehehe"
Lumapit si mama at niyakap ako ng mahigpit ma mahigpit. Ang swete ko dahil kahit hindi kami mayaman at iniwan kami ni papa, binigyan ako ni Lord nang mabait, maalaga, maganda, at mapagmahal na ina.
Birthday ko ngayon pero ang outfit ko para akong namatayan. Bat kase ang hilig ni Zyler sa black. Hay
May pancit. Spaghetti. Salad. Lumpia. At cake sa lamesa. Kinuha ni mama at sininsihan ang kandila
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you. Happy 16th Birthday Zai"
Pumikit ako para magwish at hinipan ang kandila. Ang saya saya ko dahil kahit kaming dalawa lang ni mama ang magkasama ay masaya kami
"Thank you sa lahat ma, I love you"
"I love you too Zai"
Sana ganito nalang palagi. Masaya kami ni mama at sana walang dumating na problemang makakasira saamin