Chapter 2.

34 2 2
                                        

Flynn's POV

Kinabukasan, pumasok na ko ng maaga. Maayos naman ang first subject ko kahit may kasungitan yung adviser. Ineexpect ko pa naman sa school na to palipat lipat ng classroom iba iba ng classmates pero hindi eh. Parang high school lang kami pinupuntahan ng mga teachers. -______-

Kahapon, umuwi ako ng may ngiti. Bakit? Kase ganito yun. ^______^

Grabe nababakla na ata ako. Hehehe. Kinikilig ehhh

*Flashback*

Pagbalik namin sa kaniya kaniyang classroom namin ni Zion, ayos lang naman. Dalawang tao pa lang nadatnan ko at malay ko din kay Zion kung ano ginagawa nun. Magkaiba kasi kami ng room pero iisang building lang naman.

Maya maya pa, nag sidatingan na yung iba tapos umupo na rin yung katabi ko na masungit slash tahimik slash boring slash suplada basta lahat lahat na! Oh edi yun nga nag start yung class tapos maya maya sabi nung announcer na nanggaling sa speaker kasi lahat naman ng building per floor my speaker at rinig namin lahat yun... Lahat daw ng mga freshmen which is supposed to be na kami yun ay pwede na daw umuwi after netong klase namin. Grabe, kakapasok ko pa lang tapos na agad?

Bago matapos ang klase, nag bigay pa prof namin ng report, tapos pwede na daw isoft copy na lang. Pero dahil bubugok bugok prof namin binigay niya samin yung mga history about hotel and restaurant na mga 12th century siguro kaya wala talaga sa net non. O jusmio napakahirap naman pala ng college life.

Dumiretso ako sa library, at di ko naman ineexpect na nandun din yung babaeng masungit na yun. Busy'ng busy siyang nag ta-type sa netbook niya tapos may walong makakapal na libro sa gilid niya. Siguro gumagawa din ng reporting more like requirment pero assignment sa karaniwan

Naghanap ako ng books ko syempre, tapos niregister ko sa may librarian hihiramin ko ng overnight. Di ko naman kasi kayang tapusin ang buong 1200's ng kalahating araw lang.

Tumabi ako sa kanya, siya lang naman mag isa eh. Mukhang walang nagtatangkang lumapit sa kanya. Tss tss. Ang sungit talaga.

Mag sisimula na sana ko kaso wala akong dalang netbook o laptop. Malay ko ba kasing kaylangan ngayon yun. Kaya ang ginawa ko na lang umupo dun at kungari nagbabasa. Medyo boring kasi wala ako masyadong naiintindihan dahil yung iba chinese, spanish, tas may german pa sama mo pa french at italian.

Kaya sinarado ko na lang, tapos tumingin ako kay ms. sungit.

Grabe tong babaeng to, parang walang pakielam talaga. Di man lang nalaman na nandito ako nakaupo tapos tinititigan ko pa siya. Tanggalin ang ''parang'' kasi wala talaga siyang pakielam -________-

"Ah... Miss?" Di ko na natiis kaylangan ko na talaga tong kausapin

Tinignan niya lang ako ng parang natatae jusme mukha ba kong tae?! -________-

"A-aaa-ano... Ano kasi---'' tae nauutal utal ako!!!!!

"What?" tanong niya ng iritado kasi mukhang busy'ng busy talaga siya. Psh

Wala akong maisip na reason. Tsss tsss

Isip...

Isip..

Isip....!!!

AHA!! Bingo.

"Yung ano--.. ano kasi.. Uhm yung sched ko? Diba ano... ano kasi. Sayo binilin ni ma'am yun diba? Pwede ko bang makuha?" sabi ko sakanya tas ngumiti.

Wew! Grabe feeling ko pinagpawisan ako dun kasi naman eh. Pangit pang tignan kasi nauutal utal ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter sweet matesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon