Hindi ako marunong mainlove. Hindi ko pa kasi nararanasan yun.
Pero nung nakilala ko yung babaeng yun...
HINDI PA RIN AKO NAINLOVE.
Ewan. Di naman ako bakla. Di rin naman ako pangit. Kung tutuusin kayang kaya ko manligaw. Hindi rin ako torpe.
KASO HINDI NGA LANG TALAGA KO NAIINLOVE. GUSTO KO KASI YUNG TALAGANG GUSTO KO NA SIYA KAPAG NANLIGAW AKO.
Pero may nakilala kong babae. Okay naman siya, maganda, mabait, masayahin, friendly. Pero parang pag ako kausap.. No! Hindi kausap. Never ako kinausap nun. Pag ako na yung malapit sakanya tsaka siya magiging tampurista, mainitin ulo, masungit. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng babae sakanya ako naiinis.
Bakit?
Lahat ng tao sa university pinapansin ako. Tapos nakakausap, nakaka-jamming ko sila. Tapos siya lang tong hindi ko pa nakaka jamming, kausap.
Yung tipong ang sweet sweet mo sakanya, tapos ang bitter bitter niya sayo. Ang sakit lang kasi sa ego nun mga dude.
PERO KAHIT KELAN HINDING HINDI AKO MAIINLOVE SAKANYA.