Flynn's POV
Maaga akong gumising para makagayak ng maayos. Syempre, pag naman kasi late ka ng magising, magmamadali ka.
Naligo ako tapos nag toothbrush at nagbihis na. Humarap ako sa salamin para naman maayos ko ang buhok ko. Hindi lang naman babae ang may karapatang humarap sa salamin at mag ayos. Oops! Wag kayong mami-miss interpret. Hindi ako bakla ha?
Naglagay ako ng Fix sa buhok ko. Mas gusto ko kasi to gamitin kesa sa gel.
*Aayusin*
*Aayusin*
*Aayusin*
*Guguluhin*
*Aayusin ulit*
Ayan okay na. Kaso pag tingin ko sa relo ko,
7:21 na?!
AY PUTEK! AGA AGA KONG NAGISING TAPOS MALALAMAN KO LATE NA PALA KO. 2nd day kasi ng pasukan ngayon.
Dali dali akong bumaba ng hagdanan ng mapansin kong nandun si Daddy, nagluluto ata ng breakfast.
"Nak, 1st day mo ngayon ah? Mukhang late ka agad" sabi niya sakin na halata naman sa mukha niyang concern. Ew medyo nakakasuka mukha ng tatay ko pag ganyan ang mukha. Mid 40's na kasi siya. Eh medyo pachix pa yan kaya nakakasuka talaga.
"Dad, unang una 2nd day na ngayon. Pangalawa, wag na po kayong gaganyan uli. Ang pangit po ng mukha niyo eh." sabi ko naman na may halong pandidiri sa mukha.
"Anak, grabe namang papuri natanggap ko ngayon umaga. Osya, kumain ka muna ng breakfast."
"Dad, ikaw na nag sabi. Late na ko. so, bye bye na po!" sabi ko sabay karipas ng takbo.
Pipilitin nanaman kasi ako nun. Dumiretso ako agad sa garahe para kunin kotse ko. Syempre, may kotse na ko, student license lang gamit kase under age pa ko. Tapos yung kotse ko naman, regalo nung gurang na yun nung graduation ko nung high school.
Ay teka? Nagpakilala na ba ko? Di pa ata. So okay, habang nag da-drive ako mag papakilala muna ko.
My name is Flynn Stanley Credo. 17 years old. Freshmen College sa International University. Mayaman, pero hindi naman sobra na barya lang ang pambili sa mga kotse. May company kami, nasa top 12 kami na malalaking kumpanya dito sa Pilipinas.
2nd day ngayon ng pasukan, pero 1st day pa lang sakin kasi hindi ako pumasok kahapon. Nakakatamad lang naman kasi.
Nung may dumaan sa harap kong babae. Tinawag ko agad. thank goodness! May mapagpapagtanungan na ko.
"Uh, miss?" tawag ko sakanya. Malay ko ba kasi kung ano pangalan niyan.
"Yes?"
"San dito yung building ng BSHTM HRRM?" (Bachelor of Science in Hospitality And Tourism Management-Hotel, Resort And Restaurant Management)
"Ah. Yun ba. Kakaliwa ka lang tapos dire diretso then ayun na yung building na yun" sabay turo niya sa building na color cobalt or gray o ewan.
"Ahh, sge. Thankyou!" sabi ko naman sakanya sabay ngiti. Tapos nagsimula na kong maglakad.
Lakad..
Lakad...
"Uhm, excuse me?'' Siya naman tong tumawag ulit sakin.
Laka-- Kaya napatigil ako sa paglalakad ko.
