Chapter One

45 1 2
                                    

Chapter One

JS Prom, iyan ang gusto ng lahat dahil dito mararanasan ang maisayaw sa gitna. May iba nga na Loner dahil wala silang ka-date at may iba na nag-e-enjoy kasama ang mga kaibigan nila at ka-date nila pero para sa'kin, isang malaking mali ang Prom Night. Dahil minsan na ring nawasak ang puso ko sa mismong araw at gabing iyan.

"Oy, Lorene. Tulala ka nanaman, practice na daw tayo." Oo nga pala, hehe. Sorry naman. Napabuntong-hininga ako, last Prom na namin ito ni best friend. I hate JS Prom.. hay.

"Nandyan na!" Sigaw ko kay Lance. Si Lance Manuel De Jesus, best friend ko simula Elementary. Siya din ang partner ko sa Prom.

"Sige, bilis lang ah." Sigaw niya pabalik.

"Kwen, na sa'yo ba yung notes ko sa English?" Si Janica, best friend kong babae. Janica Santos ang buo niyang pangalan. Siya na talaga ang pinaka-makakalimuting taong nakilala ko.

"Ja, wala sa'kin, binigay mo kay Alvin kanina diba?" Napakamot siya ng ulo niya. Ang cute... hehe.

"Wew? Binigay ko ba talaga sa kanya?" Tanong niya. Ay, malamang sa malamang, hindi ba?

"Oo nga," Naglakad ako papuntang pintuan ng classroom, "sige alis na ako. Punta na ako kay Lance, practice. Babu, mommy." Sabi ko at tuluyan ng naglakad paalis.

"Babu, baby!" Rinig ko pang pahabol niyang isinigaw. Nyahaha, ang kulit talaga 'nun.

"Babe, sa Gym tayo please?" Napatigil ako ng may marinig akong pamilyar na boses. Tumingin ako sa harapan at nakita si Annica, Annica Rodriguez, isang maganda, mayaman at matalinong babae na kung ikukupara sa'kin ay walang wala ako.

"Babe, may practice kami ngayon." Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Scott? Scott Renz Ocampo, ang playboy na hinayaan kong paglaruan ang puso ko. Sigurado akong bukas o sa makalawa ay break na din sila niyang si Annica.

*Blag*

"Uy sorry. Hindi ko sinasadya." Kanina pa pala ako nakatulalang naglalakad. Nasa harapan ko sila at kung sinuswerte ka nga naman ay nabunggo ko pa sila.

"Okay lang, Lorene." Nakayuko akong humingi ng paumanhin. Bakit pa ba ako kinakabahan? Huwag mong sabihing...? Hindi! Hindi pwede. Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin pala siya sa'kin.

"Ehem. Tama na iyan, miss, I'm sorry." Pasimple pa niya akong inirapan.

"Sorry talaga Ms. Rodriguez, Mr. Ocampo," Nauutal ko ulit na paumanhin.

"Lorenes," Lorenes? Bakit ganyan pa ang tawag niya sa'kin, wala na kami diba? Ano siya, nangaasar? "wag mo na kaming tawaging Ms. Rodriguez at Mr. Ocampo."

"Scotty," Scotty? Pati ba naman iyan, kailangan niyang ibalik? "at Annica na lang." Tumango na lang ako.

"Alis na ako," Hay, late na ako niyan. Tsk, tsk. Paalis na sana ako ng matigilan nanaman ako sa kagimbal-gimbal na narinig ko.

"Ahh, diba babe, may practice din kayo?" Naku naman Annica, di ba obvious? Iniiwasan ko nga yung tao eh.

"Yeap, sabay na lang ako sa kanya. Pwede ba yun, Lorenes?" Hindi... hindi pwede, gunggong.

"O-oo." Tuluyan na akong humarap sa kanilang dalawa. Tss. Wala eh, no choice. Nautal pa ako.

"Okay lang, babe. Aalis na rin ako. Baka nandyan na si Sir Zeb." Tumingin siya sa'kin, "Lorene, right?"

Tumango ako, "Pakibantayan si babe ko, habulin pa man din iyan ng mga babae. Pretty please?"

"S-sige." Lorene! Jusme, Lorene! Bakit ka pumayag? Ang tanga mo talaga, ano? Nagpaalam sila sa isa't isa at nagsimula na kaming maglakad. Pakipaalala na kailangan kong batukan ang sarili ko mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can I Have This Dance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon