Chapter 1: First Day of School

24 6 2
                                    



Aizea's POV

Sunday morning, rain is falling
Steal some covers, share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in
But things just get so crazy, living life gets hard to do
And I would gladly hit the road, get up and go if I knew
That someday it would lead me back to you
That someday it would lead me back to you

Ini-off ko yung cellphone ko. Urrrg! Ang aga aga ng alarm clock ko, inaantok pa ako. Oh! I almost forgot, first day of school nga pala namin ngayon.

Agad akong bumangon at sinimulan ang morning routine.

Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sakin yung apat kong tropa.

"Good morning Zai, ready for school?" tanong ni Zach.

Zai ang tawag nila sakin since ang alam ng Black Gang na yung pangalang Aizea ang magiging leader so iniiwasan kong gamitin iyon.

"Ofcourse! Ako pa ba?" Masigla kong sagot.

"Manghuhunting na naman tayo mamaya. Oh gad! Im so excited." Excited na sabi ni Rhia.

"Wala ka na talagang ibang alam kundi ang manghanap ng mga gwapo" Saway pa ni Gab.

"Tss. Paki mo ba ha?! Kasalanan ko bang hindi ka gwapo! Kung gwapo ka lang sana e di na ako maghahanap." Sigaw na sagot ni Rhia.

"Buti pa si Nicole, loyal sakin." Sabat ni Jake.

"Excuse me, there was never an us." Mataray na sagot ni Nicole.

"Ouch!" Sagot nito habang naka akto na parang natamaan ng baril yung puso nya.

Nagtawanan kaming apat, ganito talaga kami puro tawa kapag magkasama. Natural na samin yung biruan.

Sa ilang minuto naming paglalakad, nakarating na kami sa Campus. Hindi gaano ang layo nito since ang mundo namin ay nasa iisang isla lang.

Pagkarating namin sa room, sumalubong samin yung napakarumi at napakagulong room.

"Ang rumi no? Pakilinis nga ng room natin, ayaw kasi namin ng marumi e. Mamaya nyan darating na yung teacher, lagot kayo." Ani ng lalaking hindi ko kilala.

Nagtawanan sila.

Kami pa ang lagot, e kayo nga gumawa nito. Err! Agang aga, ang init na ng ulo ko.

Tiningnan ko sila, nakita ko sa sulok ang isang lalaki na naglalaro ng cellphone na parang walang nangyari.

Lalapitan ko na sana sila ngunit pinigilan ako ni Zach.

"Not now Zai, hayaan na natin sila. Hangga't sa maari, iwasan muna natin ang gulo." Saad pa nito.

Umatras ako. At nagsimula na kaming maglinis dahil sa wala kaming ibang maggawa.

After namin maglinis, maya maya'y dumating yung teacher.

"Goodmorning Class"

"Goodmorning Sir"

"So im Mr. David, your math teacher. Anyway, white gang raise your hand".

Initaas namin ang aming mga kamay pati yung mga kalahi ko.

"Sa left side kayo. While Black Gang you'll sit in the right side. That would be your seating arrangement in all subject". Sabi pa nito.

"Okay Sir". Sagot naming lahat.

"Since today is the first day, we will not be having a class. Just get 1/8 paper and write your name serve as an attendance"

Pagkatapos magbigay ng instruction ni Sir, tinuro nya ako.

"You're the one who will collect the attendance. I'll be back in 10 minutes". Dagdag pa nito.

Lumapit yung mga classmate ko sakin para magpass ng attendance pati ang mga Black Gang na kinaiinisan ko.

Wait! I have an idea.

Tumayo ako sa harapan na ikinagugulat ng lahat.

Sinadya kong ihulog ang attendance ng mga Black Gang at inaapak apakan. Pinulot ko at pinunit. Sabay hulog ulit.

"Oops sorry! Madumi na e. Ayaw nyo pa naman ng madumi. Tapon ko na ba?"

Priceless yung mga reaksyon nila maliban sa lalaking kanina pa busy sa kakacellphone nya.

Kitang kita ko rin sa mukha ng lalaki na galit na galit ito.

Aktong tatayo ito ngunit biglang dumating si Sir.

"Sir, hindi nagpass yung mga Black Gang. Wala daw silbi yung attendance nyo". Pagsisinungaling na saad ko.

"Sir, hindi po yun tot ---"

"Shut up! Pagdating dito, kami yung masusunod. Kontrolado namin kayo kaya wag na wag kayong pasaway" Galit na sabi ni Sir.

"Pero Sir –".

"First day of school, absent kayo! To those who have attendance, you got a perfect score already recorded in participation". Sabi ni Sir na agad nag walk out.

Lumapit ang mga Black Gang sakin na parang papatay na ng tao kung makatitig.

"Revenge huh? Hahaha" Tawa pa nito.

"Ang sweet. Diba?" Sabay smirk.

Lumingon kaming lahat nang tumayo yung nasa sulok.

"Lagot ka!" Sabi nung isa nilang kasamahan.

Lumapit ito patungo sakin. Bigla akong kinabahan dahil sa mga titig nito.

Akmang tatayo si Zach para ilayo ako sa kanya. Kitang kita sa mukha ng mga White Gang na nag alala sakin.

Nung papalapit sya, iba yung karisma. Ramdam na ramdam ko yung kasamaan. Alam kong hindi lang ako, pati na silang mga kalahi ko.

Biglang syang umupo sa harapan ko at pinulot ang mga papel na inapak apakan ko. Umatras ako ng konti.

Tumayo ito ulit. Hawak hawak yung papel.

Humakbang ito patungong basurahan. At tinapon ang mga papel.

"Anong ginawa mo?!" Tanong nung kasamahan nito.

"Itinapon ko, madumi na e. Tss"

Naglakad ito patungo sa pinto

"Absent na tayo. Diba? Tara uwi na tayo." Sabay pout nito.

Napanganga ako. Hindi maipinta yung mukha ng mga kasamahan nya.

Yung kaba ko kanina napalitan ng tuwa. Natutuwa ako sa inasta nya. Hahaha hindi ko akalain na ganun sya.

Calyx' POV

Wala ako sa mood para manggulo at lalong wala akong paki sa attendance. Ang kailangan ko ngayon ay yung cellphone ko dahil nalolowbat na.

Aalis na sana ako ng biglang may pumasok sa room na mga School Officers.

"Everyone, we have a meeting. Proceed to the gym"

First na first day, may pasalubong agad.

Black vs White Gang (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon