Prologue: Mystery

55 5 1
                                    



 Aizea's POV

"Ready ka na ba anak?" sambit ni Ama ng biglang pumasok sa aking kwarto.

"I don't know. Medyo kinabahan ako" sagot ko habang hawak hawak ko yung kwentas.

Ito yung kwentas na bigay umano ni Ama sakin noong kakasilang ko lang. Hindi ko maalala yung dati at hindi ko rin alam ang buong kwento dahil sa natrauma ako sa mga pangyayari noon. Nagkahiwalay kami ni Ama, lumipas ang sampung taon bago nya ulit ako makita at yun ay dahil sa kwentas na ito.

Malapit na ang ika-17 na kaarawan ko kung saan ang araw na nakatakda sakin. Sa kaarawan ko, ipapasa ni Ama sakin yung tungkulin nya na mamumuno sa aming lahi. Ako na yung kikilanin bilang Leader at ang gusto ni Ama ay tanging White Gang lang ang makakaalam.

May dalawang grupo sa bayang to, ang White Gang at Black Gang. White Gang ay pinamunuan ng aking ama habang ang Black Gang ay pinamunuan ng Suarez Family na pinasa na sa kanilang kaisa isang anak. Namatay ang mag-asawa sa hindi ko alam na rason.

"Ama, paano ako maging handa kong wala akong alam?" tanong ko sa kanya.

Sa pagkakaalam ko, ang lugar na ito ay matiwasay dati. Hindi ko alam kong ano ang dahilan kong bakit naging magulo ang kinatatayuan namin ngayon.

"Anak, may araw ka pa para alamin yun. At iyon ay kailangan mong tuklasin" sagot nya.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sakin Ama?" naguguluhan kong tanong.

"Dahil dito masusukat ang iyong tapang" giit na sabi nya.

Hindi ko alam kong ano ibig nyang sabihin. Pero nasisigurado akong may kwento sa likod nito. Kailangan ko ng impormasyon. Kailangan ko malaman ang lahat.

Sinuot ko yung kwentas na hawak hawak ko kanina. Isang simpleng kwentas na may korona at susi.

"Ama kay Ina ba itong kwentas na suot suot ko?" tanong ko na ikakatahimik nya bigla.

"Hindi. Binigay lang rin yan sakin ng napakalapit kong kaibigan. Binigay nya sakin yan bago sya binawian ng buhay. Habang pinasa nya sakin yan, may sinasabi sya ngunit hindi ko naiintindihan ang ibig nyang sabihin" malungkot na tugon nito.

Pagkatapos ng aming usapan, umalis si Ama habang titig na titig pa rin ako sa kwentas sa harap ng salamin. Nang biglang may tumawag sakin sa bintana.

"Aizea?" sigaw pa nito.

"Oh Zach, bakit?" pasigaw kong sagot.

"Sumama ka sakin. Lumabas ka bilis!" utos pa nito.

Agad akong tumakbo palabas. Ano na naman kaya ang sadya nito. Andito na naman ba to para manggulo.

Si Zach ay isa sa pinakamalapit at pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Close kami pero minsan di maiwasan sa kanya ang magtago ng sekreto.

"Ano ba yun?" inis na tanong ko.

"Naghasik na naman ng lagim ang mga Black Gang" sabi nya habang kinaladkad ako.

Kinaladkad ako ni Zach sa isang ground kung saan may mga nagkumpulan at may babaeng nakaluhod habang ang lalaki ay nakatayo sa harap nito. Sino kaya ang lalaking ito? Hindi ko mamukhaan dahil sa nakamask at cap ito.

Nakatali yung babae na halatang kanina pa umiyak dahil sa maga na ang mga mata nito. Mga salbahe sila! Gusto ko sana pigilan kaso wala akong maggagawa dahil kalahi nila yung hawak nila.

"Hindi mo ba alam na mahigit na ipinagbabawal ang mainlove sa kaaway?" galit na sabi nung lalaking nakatayo.

"Parusahan na yan! Parusahan na yan!" sigaw ng mga kasamahan nito.

Mahigit na ipinagbabawal ang magmahalan sa magkabilang grupo. Dahil sa hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Yun lang ang tanging patakaran dito.

Tumalikod yung lalaki. Humakbang ng konti. At biglang nagsalita.

"Parusahan ang dapat parusahan. Parusahan nyo yan sa paraang hindi sya mahihirapan" Utos nito.

"Masusunod po Badger" sagot nito habang nakangiti na animo'y alam kong ano ang gagawin.

Badger? Ibig sabihin sya yung Leader. Sa pagkakaalam ko'y badger ang tawag nila sa kanilang Leader na ang ibig sabihin ay bad at danger.

Tiningnan ko yung babae. Hindi ito nakasagot, agad itong pinutulan ng ulo sa kasamahan nito. Hindi ko nakita yung mga pangyayari dahil tinakpan ni Zach yung mga mata ko. Ganito rin ba yung haharapin ko pag ako na yung maging Leader?

Dumaan sa harapan ko yung tinatawag nilang Badger. Nagtama aming mga mata. Hindi ko maipaliwanag kong bakit pero bigla akong nanlumo.

"Okay ka lang ba? Sana pala di nalang kita dinala rito" mahinang saad ni Zach.

"Okay lang ako. Naaawa lang ako sa babae" sagot ko na kalahati'y kasinungalingan.

Ito na ba ang simula?

Black vs White Gang (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon