*RINNNNG RINNNNNNNNG*
Agad kong pinatay ang alarm clock. Ang ingay, pisti! Alam kong ganito lagi ang intro sa isang istorya sa wattpad. XD Magri-ring ang alarm, papatayin ng character, mumulat-mulat, mapapansing late na, maghahabol sa oras para pumasok, first day of class, may friends agad kasi maganda. Pero .. .. .. DUH! Hindi ito ang typical wattpad story na binabasa mo oy! XD
Bago pa mag-ring ang alarm, nagising na ko, naligo, nag-ayos at kumain. Kaya ngayong tumunog na yan, aalis na ko. 4:40 na kaya! XD
Alam kong alam niyo na alam nila na hindi natin alam lahat ang pangalan ko! :D Bwahahaha censored pre, pakinggan niyo na lang. Baka may magbanggit. XD
Oh, tama na satsat. Kakatukin ko na si Mama, aalis na ko. Seryoso ako ha? :P
*TOK TOK!*
"Mama, aalis na ko. Yung susi, nasa table sa sala. Geh"
Ang galang diba? Aakalain mong magkapatid lang yung nag-uusap. Haaay, masisisi mo ba ako?
Sa pagkaka-alam ko, walking distance lang DAW yung magiging school ko sabi ni papa. Haha oh diba, tanga lang ang peg. Hindi sigurado kung saan yung eskwelahan niya. XD Nako, nako, nako. Akala ko naman kasi sabay kami ni Jonah.
Ugh! I'm still not ready of going to school after the incident yesterday. But I'm excited to see some new friends, I guess? And besides, I think my highschool life will be a mess. It's not that fun. Kasi I'm not with my friends :( We're supposed to enroll at the same school, pero, for some reasons .. Hindi natuloy, ngayon nandito ako sa public school.
Hmm .. I guess I made it to my school. Nandito na ako sa gate. Time check? 5:07, Ang tagal ko namang naglakad. XD
Papasok ba ko sa gate? Balik na lang ako, saka na lang ako papasok kapag middle of the school year na. XD
Oo tama, ganon nga! Sa ngayon, magpapalit muna ako ng pangalan. Lilipat ng bahay. Mamumuhay ng matiwasay, at walang kaproble-problema sa buhay. XD Tamaaaaa!
"Ineng, bakit ayaw mo pang pumasok? Hindi naman ganon kaganda ang gate para titigan."
"Ay, hehe! Ahm.. Good Morning po. Natatakot po kasi ako." Juuusko po! Bakit naka-uniform, teacher ba to? (Malamang sa alamang XD)
"Ako nga pala si Ma'am Delia Alonzo, ang principal dito. Halika, sasamahan kita papasok." Nako po! Principal pala to, nako nako. =____= Baka agaw-pansin na naman to? Ayoko pa namang nakakakuha ng maraming atensyon. Ayokong pinagtitinginan lalo na kapag naglalakad.
*LAKAD .. LAKAD .. LAKAD*
Grabe, ang awkward naman. Nahihiya ako, mukha siyang mataray pero parang mabait naman. Kanina pa kami nasa loob ah, san ba kami pupunta? Baka naman kidnapin ako XD
"Oh, ineng! Ito ang amphitheater." MaaaaayGaawwwd!! O____O I swear, napakaraming tao! Di mabilang, di mahulugang karayom! Bat di na lang kasi ako nagpahatid eh. Siguro humigit-kumulang, mga tatlong-libong estudyante to. Grabe! Ganito pala kapag public? Sige Jan, kaya mo yan! XD
"Ahm.. Ano pong gagawin dito? Hindi po ba didiretso sa room?" Sensya naman, ganyan yung pagkaka-alam ko eh. \m/
"Basta! Sige, maiwan na kita. Ano bang pangalan mo Ineng?"
"Jan po, Janaica Lance Manrique" Haha pasalamat kayo tinanong ng principal. Ang choge ng pangalan ko no, pagkahaba-haba. XD
"Ah, sige. Mauna na ako Jan, sana maging masaya ang buhay highschool mo dito sa El Trada Highschool." Pssh! Wag po kayong mag-alala, ganyan din po ang kahilingan ko. Sana nga po, sana. XD
So umalis na nga si Ma'am Delia, yung principal. At ako, ayun, nakatayo pa rin dun sa pwesto kung saan niya ko iniwan. \m/
Grabe, gusto ko ng umuwi. Napakarami talagang estudyante, I swear. Hindi naman sa pag-iinarte o ano, ganito pala kapag public? Eh kasi, hindi naman talaga ako dapat mag-aaral dito. Grabe talaga iyak ko ng nalaman kong dito ako mag-aaral. Ang arte eh no? Eh kasi naman .. Sa private nga nabu-bully ako emotionally, sa public pa kaya? Baka physical pa. :\\
*RINNNNNNNNNNG*
Oh, akala niyo bell yung nag-ring no? Hindi :P Cellphone ko. Hahaha
- - - - -
"Hello, Jan?"
"Oh, asan ka na?"
"Nandito, nakapila sa section natin."
"Ay, may pila ba? Bat parang wala?"
"Kakarating ko lang kani-kanina. May nakita akong pila, ayun."
"Pila ka ng pila, malay mo pila pala yan para sa libreng bigas!"
"Shunga. Patawa ka Jan no? Bulag ka ba? Kita mo yung mga babae't lalaking may hawak na placard?"
"Oo, yan ba yung mga section natin?"
"Oo, nasa pinaka-dulo yung Camia!"
"Yun ba section natin?"
"Oo, teh! Hindi ka ba pumunta kahapon, nakalista pangalan mo eh. Bilis asan ka na? Nakaway ako, di mo ko kita?"
"Ang liit mo kasi! XD"
"Wow, hiya ako ha?"
"Ayun, tanaw na kita! Papunta na ko."
"Geh"
- - - -
LAKAD.. LAKAD.. LAKAD..
"Uhm.. Excuse me po, padaan." Anong magagawa ko, eh sa madami talagang tao. XD
"Uy, Jonah. Kanina ka pa?"
"Sinabi ko na diba, kakarating ko lang. Lasing ka Jan?"
"Hahaha grabe ka naman. XD"
"Oy, Ate!" Hala, siya .. si ano, si .. Ohmygee! tinawag niya ko?
BINABASA MO ANG
Istupidyante
Teen FictionSa isang classroom, may iba't-ibang uri ng estudyante. May makulit, may laging tulog, may business man, at marami pang iba. Ikaw, tanda mo ba kung alin ka dito? Tara, baka maka-relate ka!