Chapter 2 - Pahina ng Besprens
Siguro naman meron ka ring kaibigan na so called "Bestfriend" diba? Yung tipong may monthsary pa kayo. May tawagan, may usapan, laging kaibiruan at may lokohan. Pero paano nga ba kayo nagkakilala? Nung first meet niyo ba, BOOM! Nag-click agad, at mag-bestfriend na kayo? O hindi kaya, nag-simula kayo bilang enemies? Or baka inabot pa kayo ng ilang taon bago niyo na-realize na mag-bestfriend talaga kayo? Meron tayong kanya-kanya at iba-ibang istorya kung paano natin sila nakilala. Diba?
"Jan, samahan mo ko sa CR."
"Ha? wait lang bispren, may tinatapos pa akong plate."
"Jaaan, saglit lang. Iihi lang ako"
"Haay, sige. Wait lang, ligpitin ko lang to."
At lumabas na kami ng room para pumunta sa banyo. Siya si Angel Centino, siya ang pinaka-una kong bestfriend dito, kasama si Anna Mae. Maganda yan, chinita, petite, makulit, joker, patawa. Isa siya sa nagdadala sa klase. Kapag umabsent siya, walang kabuhay-buhay ang classroom, Sobrang tahimik. M16 armalite ata yan eh! Haha
Pero alam mo, sa kabila ng pagiging kwela at patawa niyan ni Angel... Marami rin siyang tinatagong problema.
Problema sa pamilya, dahil hindi niya man lang nakilala ang kanyang ama. Hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ang surname ng kanyang ina. Kaya minsan, naiintindihan ko kung medyo moody siya.
"Huli kayo!"
"Ay! Anna Mae naman nanggugulat e. Kakaihi ko lang, baka maihi na naman ako."
"Haha! Kayo naman kasi, ang daya niyo. Hindi niyo ko sinasama."
"So meeting place na pala ang CR ngayon?"
"Haha pilosopo talaga tong si Jan. Basta sama ako lagi. Ayaw kong mahiwalay sa inyo."
Yan si Anna Mae Celestial. Napaka-ganda nyan. Maliit ang mukha, matangos ang ilong. Kayumanggi, at balingkinitan. Yan ang laging representative namin bilang Binibining Agham. Di naman nabibigong laging mag-uwi ng trophy. Oh, taray diba. Ganda ng bespren ko! :D Kaya kapag pinagsama-sama kaming tatlo, ay grabe! Daig pa ang sirena ng pangulo.
"Bakit kayo lang ang happy? Sama naman ako. :3"
"Ano ka ba Mikee, syempre, sila ang original e. Second batch lang tayo."
"Ano ba kayo, pantay-pantay lang. Walang first, walang second."
Si Mikee Ann Cristina Lumucso yung unang nagsalita. Bespren din namin yan. Chinita yan, parang si Angel. Isip-bata at sensitive. Kaya be gentle with your words when you're talking with her. Mamaya malaman mo na lang nagtatampo or umiiyak na pala yan. Ganon siya. Lagi rin yang humihingi ng payo. Halos naman sila, ganon. Pero kadalasan, suki siya. XD
Yung prangka kung magsalita, yan si Kristine Rose Anne Luching. Grabe yung mga pangalan nila no, inubos na lahat ng letters sa alphabet. Maputi yan, balingkinitan din ang katawan. Prangka, kaya minsan ang iba, naiinis sa kanya dahil sumusobra na.
Kaya kapag pinagsama-sama kaming lima, madadaig na ang sirena ni PNoy. Ano pa ba ang mas maingay dun? :D
BINABASA MO ANG
Istupidyante
Teen FictionSa isang classroom, may iba't-ibang uri ng estudyante. May makulit, may laging tulog, may business man, at marami pang iba. Ikaw, tanda mo ba kung alin ka dito? Tara, baka maka-relate ka!