Chapter 15

40 1 0
                                    

15.

Panandalian lang ang stay namin doon pero na-enjoy ko lang talaga. Super, sana nga duon nalang kami forever basta kasama ko...

Si Jiroh.  

Sino pa nga ba? Kahit matrap ako sa isang island with him. Why not? Eto nanaman ako umiiral ang pagkaambisyosa. 

Back to reality. Gabi na nung natapos yung closing program at naggoodbye na kami sa mga kids at sa mga nanduon. 

Jean came closer.

Ate Kittin? She smiled. Lumilingon lingon siya, may hinahanap ata.

Jean. May sasabihin ka? 

Saan si Jiroh. Sumimangot siya. Bakit hindi mo kasama. 

Kasi hindi naman kami. Friend ko lang siya at pupunta siya sa kung saan niya gusto. Ang sakit sabihin yung friend lang kami pero kailangan kong sabihin yung totoo. Nakasimangot parin siya. 

Eh basta. She hugged me and she gave me a cute little rose. Para sayo.

Salamat. I hugged her back.

Nakausap ko naman na si Jiroh. Mag-ingat ka po, huwag kang magalala may magbabantay sayo Ate at yun si Kuya. Feel niya magka-age lang sila ni Jiroh. Natuwa naman ako sa sinabi niya kahit hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niya na KUYA. 

Sinong kuya? Big brother ba yan? 

Basta. Nandiyan lang siya. Sumbong mo sa akin pag pinabayaan ka ah Ate? 

Okay. Ingat ka rin ading. She waved at me and that's the moment that we have to say goodbye and continue our life in another journey.

Jiroh's POV

Gutom na gutom na ako nung lunch time pero nakita ko si Kittin at may umuto nanaman sa kanya. Talaga yung babaeng yun. Edi nilapitan ko na at binigay yung pagkain ko.

Nakapag breakfast naman ako at ginagawa ko naman ito sa school ang hindi maglunch kaya sanay na ako. Naawa naman ako dito alam kong hindi 'to sanay na nagugutom kaya binigay ko na.   

Nagulat na lang ako nung lumapit ulit yung bata na humingi ng pagkain. Nako baka hihingi nanaman ito ng pagkain pero buti nalang hindi pero ang kulit-kulit niya para lang yung kapatid ko. Tinitigan niya ako ng mabuti.

Ehh. Cute! at biglang yakap niya nalang sa akin. Nagulat ako at natuwa.

Ate? Ate swerte mo naman. Napatigil si Kittin. Tinignan ko siya tapos si Jean. Ano daw?

Ako? Seryoso ka Jean?

Gwapo kasi ng boyfriend mo.    Nagulat naman ako sa sinabi na Jean. Hindi ko alam kung duon sa gwapo ako o sa rason na inakala niya na kami. Napangiti nalang ako alam ko naming joke lang yun.  

Anoo ka—

Pwede pahiram muna siya? At bigla niya nalang akong hinila hindi na ako nakatanggi. Kulit talaga nitong batang ito.

Kulit mo no. 

Ay hindi. Basta talaga mga bata may nalalaman pang ganyan. 

Bakit mo pala ako hiniram kay Kittin?

Wala lang po. Inaasar ko lang siya. Talaga tong bata na to. Alam niya sigurong hindi makakatanggi si Kittin kaya ganun ganun nalang ang ginawa niya.

I wish I was what you wanted. (Fin)Where stories live. Discover now