Chapter IV: A Chapter

51 3 4
                                    

A/n:

So guys keep reading parin ngayon at well done to me dahil nakatapos na rin ako ng isang chapter ngayon. At ito nanaman tayo mag sisimula sa panibagong chapter, haha naway mabigyan ko ng hustisya ang istoryang ito. haha. Hindi ko parin kasi alam ang kahihinatnan ng istorya, maaring marami ang pwedeng mabagi dito, depende sa akin kung paano ang katatakbuhan nito, well goodluck to me

and god bless to all of you!!!!

don't forget to write your comment and to vote

thanksss guyssss!!! next time ko na aayusing mga errors kapag na complete ko na siya mahirap kasi ang mag edit habang ongoing siya. Baka diko matapos

********

Someone's POV***

Napabalikwas nalang ng bangon si Sirin, sapo ang kanyang dibdib, isang masamang panaginip na naman. Mga ala-alang gusto na niyang kalimutan at kasama na dito yung mapapait na ala-ala ng kaniyang nakaraan.

Dumako naman ang kaniyang tingin sa side table kung saan nakalagay ang isang larawan, isang lumang picture kung saan may dalawang batang babae ang masayang nakangiti sa larawan, mababanaag dito ang kainosentehan at walang kamuwa-muwang ng dalawang batang babae, masaya ang mga Ito at walang bahid ng kung anuman lungkot sa mga mata nito.

" Hanggan saan ba ako dadalhin ng bangungot na ito. Please lubayan niyo na ako!!! Ayoko ko na kayong maalala." sabay tingin ulit ni Sirin sa isang family picture. Di niya mapigilan ang pagbugso ng kaniyang damdamin at may isang butil ng tubig ang kumawala sa kaniyang mga mata.

Hanggan ngayong tila sariwa parin sa kaniya ang lahat na tila parang kahapon lang nangyari. Isang napakapait na ala-ala kung tutuusin, isang pangyayaring nagpabago sa kaniyang buhay.

Mapait siyang napangiti habang bumabalik sa kaniyang ala-ala ang lahat. Napabuntong- hininga na lamang si Sirin, kahit tila para siyang namamanhid ay pinilit niya paring tumayo at tinungo ang kaniyang study table at kinuha sa drawer ang isang maliit na attache case, binuksan niya iyon at kinuha ang isang maliit na injection at rubber.

Hinanap niya ang pulsuhan niya kung saan doon niya iinject ang injection, kailangan niya ito kapag nakakaramdam siya ng hindi maayos ng pag daloy ng kanyang dugo. Tinutulungan nitong inormalize ang kanyang blood pressure.

Nung matapos niyang ienject yun, huminga muna siya ng malalim bago ibinalik sa maliit na attach case yung injection na ginamit niya at ang rubber.

Maya't-maya na nararamdaman na niyang bumabalik na sa normal Ang pagdaloy ng kaniyang dugo. At dahil doon napag pasiyahan niyang umalis at magpahangin sa labas. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin. Nagpalit siya ng damit, isang simpleng black t-shirt at sweat pants, bull cap at tinted na sunglasses, at isinuot na niya ang mga ito, bago linasin ang kaniyang silid. Dumeretso siya sa bintana at doon dumaan katulad ng minsanan niyang ginagawa. Marahan siyang lumambitin sa isa sa mga sanga ng puno para makababa siya ng sa wakas ay magawa niya, tahimik niyng tinalunton ang kahabaan ng pasilyo ng kanilang Dormitoryo.

*************

Sa isang banda ay may dalawang tao ang nag-uusap sa isang abandonadong building kung saan sila lang ang makikinita doon.

" Let's proceed to the next plan, babe. This time we have to make sure that our plan will work, we don't have much time enough. Kung papalpak pa tayo,wala ng oraspa. Matagal na nating plinano ito, kaya kailangan nating makasiguro." isang matinis na boses ang nanggaling sa kaharap nito.

" How are you so sure? babe. This is not easy as what you think. Kahit pang sabihin na matagal na nating plinano ito. Marami pa rin ang humarang sa mga plano natin." saad ng kausap nito, sabay hithit ng sigarilyo at sabay ibinuga nito.

Calympus UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon