Chapter 3

42 4 1
                                    

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.

Nilibot ko ang aking mga mata at ng nakita ko na wala ako sa sariling kwarto ko tsaka lang sumagi sa isip ko na bumagsak nga pala yung helicopter na sinakyan namin at nandito ako sa bahay ni Frenny.

Bumangon ako at napansin ko na may kumot ako at may damit na sa lamesa malapit sa kama. Eto siguro 'yong kinuha ni Frenny na ipapahiram niya sa akin na damit.

Kinuha ko ang damit at dumiretso na sa banyo na nasa loob ng kwarto upang maligo na.

"Oh, Scar! Magandang umaga! Ayos ba ang tulog mo? Kagabi pala, di na kita ginising kasi nakatulog ka na at mukhang pagod na pagod ka pa." pambungad sa akin ni Frenny pagbaba ko.

"Good Morning rin Frenny! Salamat nga ulit sa pagpapatuloy mo sa akin, ang ganda ng tulog ko. It's comfortable. Tsaka okay lang na di muna ako ginising nakakaabala na nga ako sayo"

"Naku, di ah. Halika kumain ka na dito. Di ka pa nakakain kagabi."

"Thank you, Frenny"

"You're welcome!"

Lumapit si Frenny sa isang halaman na nakapatong sa lamesa. Ito'y kumikinang kung titingnan ng mabuti. 

Nilapit niya ang hintuturo niya sa may halaman at binuhusan ito ng tubig gamit ang hintuturo niya- wait!! There's a water na lumabas sa hintuturo niya! Kinusot-kusot ko yung mata ko baka imagination ko lang yun.
Pagtingin ko ulit wala namang lumalabas na tubig sa hintuturo niya.

Baka naghahallucinate lang ako. Kulang lang siguro ako sa kain. Yan tuloy kung ano ano na naiimagine ko.

"Scar, pupunta pala ako sa palasyo ngayon, tutulong ako sa paggamot ng mga halaman."

"Can I go with you? I mean pwede ba akong sumama patungo sa palasyo? Maglilibot lang ako, malay mo may maalala ako." lie

"Pwede naman. Halika para pagkatapos kong tapusin ang trabaho ko ililibot kita sa bayan."

In our long walk, we arrived at the palace that Frenny says.

The front is covered with a huge gate.
Ang ganda ng disenyo nung gate. Marami ring mga guwardiya ang nagbabantay sa bungad ng gate.

Hindi mo makikita ang nasa likod ng gate kapag hindi ka papasok sa loob.

Tumingala ako at talaga nga namang napakataas ng gate na 'to. At napaka misteryosong tingnan ng bagay na iyon. Ang -

"Scar, pasok na tayo." pag anunsiyo ni Frenny na nakapagpabalik sa aking ulirat.

"Okay" tugon ko at sumunod kay Frenny na papasok na sa gate.

Paraiso. Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko.

Napakaganda ng tanawin, ang lawak lawak ng lugar. Malayo pa sa kinatatayuan ko ang mismong palasyo.

"Ang ganda" di ko mapigilang mabulalas.

"Eto ang Kaharian ng Daktilun, ikalawa sa pinakamalaking kaharian dito sa Tridon"

 Ang lugar na ito ay isang paraiso na sa telebisyon at sa imahinasyon ko lang nakikita noon. Pero ngayon eto na siya. Totoong totoo na nakikita ko sa harapan ko.

Ang palasyo ay nasa dulo ng paraisong madadaanan mo.

Mga punong kumikislap, literally.
Mga paru-parong tila sumasayaw at nagbibigay buhay sa mga makukulay at magagandang bulaklak.

Lawang tila crystal na maaaninag mo ang iyong sariling repleksyon kapag ikaw ay titingin dito.

Paraiso nga.
Paraiso nga ang lugar na napuntahan ko.

The Secrets Behind That PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon