Chapter 4

12 2 0
                                    

"Wow, I never thought that there's a place like this. Sobrang ganda."
At di ko rin akalaing totoo nga ang palasyong sinasabi niya. Akala ko gawa-gawa lang nila para magandang pakinggan pero totoo pala. Still can't believe it.

"Eto ang main entrance ng palasyo, nung nasa garden tayo di tayo lumabas dito. Anlayo layo kasi 'pag dumaan tayo dito. Kaya sa likuran nalang tayo dumaan."

"Kung malayo pala dito ba't dito pa tayo dumaan?"

"Para makita mo kung gaano kaganda ang Kaharian ng Daktilun."

"Tsaka gusto mo ring mamasyal diba? Pwede ka namang mamasyal dito, kahit saan pwede kang pumunta wag lang doon sa hardin."
Ano ba ang meron sa hardin na iyon at nililimitahan ang mga taong pwedeng makapasok?

"Ah so, pupunta ka na ba doon Frenny?"

"Oo Scar, kailangan ko ng umalis para madali akong matapos tas masasamahan pa kitang mamasyal pagkatapos."

"Sige Frenny mag-ingat ka ha! See you later."
Pagpapaalam ko sa papalayong si Freeny.

Di ko akalaing napakaganda dito. Grabe kumikinang talaga ang tubig dito. Literally.

Nang libutin ko ang aking mga mata napansin ko na may maliit na daan sa gilid ng lawa na ito.
Dahan-dahan akong naglakad habang inoobserbahan ang paligid.

Kahit sa maliit na daan na ito may mga magaganda at makukulay na bulaklak pa rin.

Napakagandang tingnan ng mga ito.

Pumitas ako ng isa sa mga bulaklak na nandoon, yung kulay pink at nilagay ko sa likod ng tenga ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad-lakad at pagtingin tingin sa mga bulaklak.
Akmang kukuha na naman ako ng bulaklak na nakaagaw pansin sa akin ng may narinig akong maliit na hagikhik ng isang matinis na tinig.

Nawala din naman ito kaagad kaya naman ipinagsawalang bahala ko nalang ito at ipagpapatuloy ang pagpitas ko sa bulaklak pero naulit nanaman yung matinis na hagikhik na tila pagmamay-ari ng isang maliit na tao.

"Hello? May tao ba dito?" tanong ko agad habang palinga-linga sa paligid.

Naulit nanaman ito at napasigaw nalang ako sa gulat ng biglang may sumulpot sa likuran ko kung nasaan yung bulaklak na pipitasin ko sana.

Isang tila kasinglaki ng paru-paro ang sumulpot dito.
Di ko mawari kung ito ba ang nagmamay-ari ng matinis na tinig na iyon.
Pero ang mas nakakamangha pa ay ang kagandahan ng nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"Magandang araw magandang binibini."
Bati sa akin ng nilalang na iyon sa matinis na boses.

"Maligayang pagdating sa Marchenland." pasigaw na bati ng maliit na nilalang. Kasabay ng pagtapos ng kaniyang sigaw ay ang pagsulpot ng maraming maliliit na kumikinang na bagay na lumulutang lutang sa ere.
Tumigil sa paggalaw ang mga ito at biglang pumutok na parang fireworks tingnan, ito'y may iba't ibang kulay na nakapagpadagdag sa kagandahan ng lugar.

Magical. Ang ganda ng nasaksihan ko.

It doesn't end there. Pagkatapos ng aking nasaksihan ang mga tila fireworks na iyon ay bigla nalang naging isang maliit na nilalang katulad ng kaharap ko.

Mga fairies.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Mga fairies na akala ko kathang-isip lamang.

"Maligayang araw Binibini"
Sabay sabay na bati nila sa akin sa matinis na tinig.

Ang nakapaligid sa akin ay nagkikislapan sa iba't ibang kulay.
Mga maliliit na nilalang na sobrang gandang tingnan.
Panaginip ba to? Kung oo sana wag na akong magising.
Di ko inaasahan na makakakita ako ng nilalang na ganito kaganda, namamangha man pinilit kong magsalita sa harap ng nagkikislapang fairies na kung bibilangin na aabot sa one hundred.

"I can't believe this is happening in front of me. I'm not numb para hindi malaman kung anong nilalang kayo. "

"Alam naman na alam mo kung ano kami at kami ang mga"

Biglang nagkumpulan ang mga fairies na may iba't-ibang kulay at sa sobrang bilis ng lipad naging bilog sila sa paningin at tanging kulay lang nila ang naaaninag ko at nabigla nalang ako nang nasa harapan ko na sila. Ang mga kulay na naghalo-halo kanina ay nagkaisa. Sa harapan ko ay nakahilera ang fairies na may bilang na aabot sa one hundred gumawa sila ng apat na linya na kung saan sa left side ay makikita ang kulay pula na mga fairies kasunod nito ang blue tapos brown at ang green.

"Fairies"

Obviously, mga fairies na nakakamangha at nakakaaliw tingnan.


-----

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras kasama ang mga fairies na ito. Kasalukuyan nilang pinapakulot ang buhok ko gamit ang mga sanga ng mga maliliit na kahoy at iniikot nila ang buhok ko doon at ang ibang fairies naman ay gumagawa ng korona gamit ang mga bulaklak na pipitasin ko sana kanina.

Nang matapos na nila ay napapalakpak sila at umiikot-ikot ang apat na fairies na sa tingin ko ay leader nila. Kumikislap pa sila habang umiikot at may lumalabas na parang silver dust sa kanilang katawan pero nang hinawakan ko ito wala naman akong mahawakan.


"Ayan gumanda ka lalo Binibini." sabi ng kulay blue na fairy na ang pangalan ay Darya.

"Siyempre ako kaya ang gumawa ng korona niya." sabi naman ni Savannah ang kulay brown na fairy o mas tamang sabihing golden brown.

"Tumulong din naman ako ah." sabi ni Misty the blue fairy habang nagpa-pout with matching papikit pikit na mata. Ang cute niya tuloy tingnan sa ginagawa niya.

"Tayo lahat ang gumawa niyan, kaya palakpakan natin ating mga sarili. Yehey." masiglang sabi ni Azar na tuwang-tuwa sa akin at iniikutan pa niya ang ibabaw ng ulo ko kasabay ng pagbagsak ng mga silver dust na hindi ko nahahawakan pero nakikita ko lang.


Sa gitna nang kanilang kasiyahan nagulat nalang ako ng biglang tumigil sina Darya, Savannah, Misty at Azar at nagtinginan sa isa't-isa habang nanlalaki ang kanilang mga mata. At sumipol silang apat kasabay ng pagkawala nila at ang pagdating ni Freeny sa likuran ko.


"Nandito ka lang pala, buti nalang nakita kita kaagad. Pasensiya na at ngayon lang ako natapos pero mukhang hindi ka naman nainip at mukhang may pinagkaabalahan ka habang wala ako ah."


"Hala, ba't nawala sila? Freeny nasaan na yung mga fairies?"

"Huh? Wala ng fairies dito Scar." Paanong wala na? Sino yung kasama ko kanina?

"Matagal na silang naglaho."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secrets Behind That PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon